17

492 2 0
                                    

Nagising ako bigla dahil naalala ko ang nangyari.

"Babe? Babe, your awake!" Pag lapit sakin ni Ricci at hinawakan agad ang aking kamay.

Nakita kong na sa ospital din ako. Nakahiga sa isang hospital bed at nandito sila Mommy at mga kapatid ko. Andito din ang buong Rivero. Hindi siya panaginip. Totoo ang nangyari.

"Babe, what happen? Pagkadating ko dito kagabi ay nakita kitang binuhat ng mga nurse at dinala sa Operating Room. Nakita ko na may sugat ka sa may tagiliran mo. What happen? Please tell me." Pag mamakaawa ni Ricci sakin na sabihin ang buong pangyayari.

"It's a long story, tho. Pwedeng I'll tell it to you pag ok na ako?" I asked them.

"Of course, hija. We are not forcing you to tell the whole story." Pag payag nila sa gusto ko at thankful naman ako don.

I tried sitting down and thankful ako dahil tinulungan ako ni Ricci makaupo ng ayos and he inclined the bed.

I was out of space once again and thinking of what happened last night. Terrible yung nangyari. It would be a nightmare if ever. Well, it is my nightmare. Grabe. I couldn't believe na ipapagawa yon ni Jade. Mas malala pa don ay kay Olivia niya pa pinagawa at itong Olivia naman na to, pumayag. Bakit? Anong rason para pumayag siya? Binayaran ba siya ng ganong kalaking pera para magawa yung gagong plano na yon? Hindi ba niya alam na makakasira siya ng buhay ng iba?

May narinig kaming kumatok sa door ng room and it brings me back to reality. I saw Tita Arianne with a basket full of fruits sa kamay niya.

"I brought some fruits for you. I'm sorry kung di kami agad nakapunta. I was late. Traffic kasi. Hindi kita napagtanggol sa kung sino man ang gumawa non sayo." I felt Tita Arianne's apology.

"It's ok, Tita. Nangyari na ang nangyari." I said.

"Tita, asan sila Clifford? Are they ok? Hindi naman po sila nasaktan? Si Daddy po? Mas lumala po ba ang sitwasyon niya?" I asked a lot of questions.

"Take it easy, Mia. Sila Clifford, ok naman sila. Nothing happened to them. Ang Daddy mo, unfortunately, ginagawa ng mga doctors ang kaya nilang gawin to bring back everything to normal. Hindi pa rin nga nagigising ang Daddy mo." Malungkot na saad ni Tita.

"Ricci, what time is it?" I asked him.

"It's already 12:30. Why babe? Are you already hungry? I can buy you some lunch downstairs." He said.

"No, may dapat kasi akong puntahan e." I said. "Pwede na daw ba kong ma-discharge ngayon sabi ng doktor? When am I going to be discharged here?" I asked him.

"Wala pa namang sinasabi ang doctor. But, pwede natin siyang ipatawag if you want." Sabi ni Kuya Prince. "Ipapatawag ba ang doctor?" Kuya Prince asked and I nodded.

"Good afternoon, Doc. We called you because the patient wants to know kung kelan po siya pwede ma-discharge. Can it be today?" Tito Pao asked.

"Sure. Medyo magaling nanaman ang sugat niya. Nag heal nanaman siya nung last kong checkup sakaniya. Yes, Ms. Dela Fuente. You may now be discharged." All smiles sila.

Now, urgent ang kailangan kong gawin. Buti nalang ay nagdala si Mommy ng clothes ko. I already changed. They payed the hospital bills. Everything was set and I'm ready to go.

"San ka ba kasi pupunta?" Ricci asked me.

"You want to know everything, right? Come with me." I said. Nagpaalam muna kami sakanila. They transferred to Daddy's room. Sila Tita Abi at Tito Pao, together with Mommy ay bumili ng lunch. Nauna na kami ni Ricci. We headed straight to the lobby.

"I'll get the car." Sabi ni Ricci then I nodded.

I went straight to the guards na kasama ko ng nangyari ang insidente.

"Kuya, sang police station niyo dinala yung babae kagabi?" I asked them.

"Sa Police Station po Ma'am na malapit po dito. Mula po dito, turn right sa unang kanto tas turn left. Andon na po yon. Makikita niyo po agad." Explain ni Kuya Guard at nagpasalamat ako sakaniya.

Nakita kong nagiintay na agad si Ricci sa entrance ng ospital.

"Bilisan mo mag drive. From here, turn right sa unang kanto then turn left. Just follow the directions." Utos ko ng mabilisan kay Ricci.

"Copy, Ma'am." He joked.

"Sa prisinto? Really, Mia? Anong ginagawa natin dito?" He couldn't believed we stopped right in front of the Police Station.

Nauna na ko sakaniya andaming satsat eh.

"Good afternoon, Ma'am. Sino po bibisitahin nila?" The lady guard asked me.

"Olivia Sy." Nakita kong nanlaki ang mata ni Ricci.

"Ok po, Ma'am this way po." The lady guard guided me hanggang sa inexcuse nila si Olivia. Kita kong gulat na gulat siya ng makita kaming dalawa ni Ricci.

"Take a sit." Utos ko kay Olivia.

"Ricci?!" Gulat niyang tanong.

"Olivia?! What are you doing here?" Gulat na tanong ni Ricci sakaniya.

"I said take a sit." Utos ko.

"Anong kailangan mo?" The person right in front of us asked me.

"I will just ask you some questions. Simple." Sabi ko and gave her a faked smile.

"Anong problema mo at nagawa mong pumayag sa pinagawa ni Jade sayo?" I asked her at nakita kong nagulat siya sa tanong ko at natameme bigla.

"Bi-bi-nayaran niya ko." She explained.

"Ng dahil sa pera, nagawa mong pumatay ng tao? Eh pano kung natuluyan ang Daddy ko ha?!" Galit na saad ko.

"Babe, please calm down. Pwede naman atang pag usapan ng maayos to." Ricci said.

"Ricci, wala kang alam." Sabi ko.

"Look, kailangang kailangan ko ang pera na yon. Kaya naisipan kong pumayag sa plano ni Jade." Explain niya.

"Gurl, ang babaw ng rason mo. Pwede namang hindi pumatay ng tao diba para makakuha ng pera, diba? Sige, next question. Ano pang ibang plano ng Jade na yan? So, ever since magkaibigan na kayo?" Tanong ko.

"Wala na kong alam na ibang plano pa ni Jade. Oo, bago palang ang first day of school, ay magkakilala na kami. Childhood best friend ko si Jade. Magkaklase din kami sa dati naming school." Hiyang hiya niyang sabi. Aba'y dapat lang mahiya ka sa ginawa mo.

"Sigurado kang wala nang ibang plano si Jade?" Tanong ko ulit dahil alam kong meron pa yan. Kitang kita naman sa mukha ng tao kung nagsisinungaling siya diba?

"Ang totoo niyan ay meron pa." Saad niya. See? I'm right.

"Ano yon?" Tanong ko at nakakunot na ang mukha ko pati na din kay Ricci.

"Ba-ba-balak niya kayong paghiwalayin. Gagamitin nanaman niya ako para lang magawa yung planong yon. Kaya naalala mo yung pumunta kayo sa library together with your friends? Sinundan ko kayo non, Mia. Then, out of nowhere, Jade popped out together with her friends. Kinausap ka niya diba? I'm sure sinabi niya na mag watch out sa mga taong umaaligid sa boyfriend mo kasi baka hindi mo alam naahas na pala siya mula sayo." I remembered everything.

Those are not the exact words na sinabi ni Jade sakin sa library. But, those are close sa sinabi niya sakin. May connection nga silang dalawa. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Tumayo na ko sa kinauupuan ko.

"Ricci, let's go." Utos ko.

Umalis na kami sa prisinto at bumalik na ng ospital.

ON HOLD // JUST HOLD ON | Ricci Rivero Donde viven las historias. Descúbrelo ahora