12

541 6 0
                                    

5 AM ng magising ako. Plinano kong lumabas at maglakad lakad muna. Namumugto ang aking mga mata ng oras ng aking pagkagising. Ngayon ay nandito lang ako sa beach sand. Wala pang tao. Pagkaalis ko ay tulog pa sila Mama at ang mga kapatid ko.

Andami ding pumasok sa utak ko habang nakaupo sa beach sand. Katulad ng...

Bakit kailangan pa sakin mangyari ang mga ito?

Bakit sakin pa?

May problema na nga kami ni Ricci, may problema pa sa mga kaibigan.

Ano ba dapat kong gawin? Lord, alam ko pong mahirap takbuhan ang mga problema. So, please tell me what to do.

"Mia?" Tawag sakin ng isang lalaki na kilala ko ang boses. Nilingon ko naman ang direksyon niya.

"Oh, hi, Brent!" Bati ko sakaniya.

"Mia, kanina ka pa hinahanap nila Tita Rose 'don at nila Ricci. Pinapakaba mo naman kami. Akala namin, nakuha ka na ni Jade." Sabi niya. Grabe. After ng nangyari kagabi, may nag mamalasakit pa pala sakin.

"Good morning!" Binaliwala ko nalang yung sinabi niya at binati nalang siya.

"So, anong meron bakit nandito ka? What time did you wake up?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

"First of all, I woke up ng mga 5 AM, I guess? I went here to stay away from you guys. I went here para makapag isip isip na din. Hirap eh. Ayoko na." Saad ko.

"Mia, alam mo naman na hindi natin pwedeng takbuhan ang mga problema diba? Darating at darating talaga tayo sa puntong, konti nalang, gusto mo ng mamatay dahil sa mga problemang hinaharap mo ngayon. Pero, you know what? It's wrong na magpakuha ka nalang sa Diyos ng ganon. Kasi, kahit naman may nagawa kang mali, doesn't mean, no one loves you anymore. You can always ask God on how to fix your problems. Ask guidance from Him. Pwede mo naman kaming lapitan. Pwede mo akong lapitan. Marami kaming nagmamahal sayo, Mia. So, don't ever think na walang nagmamahal sayo. Andito lang kami lagi for you." Saad ni Brent at hindi ko naman napansin na tumulo na pala ang mga peste kong luha. Brent hugged me.

"Thank you, Brentyyy. Siguro, makitid lang talaga ang utak ko para hindi maisip yon. Pero, alam mo? Napaisip din ako. I never questioned God about my problems before. Ngayon lang. But, questioning him doesn't mean na sinisisi ko siya diba? I just asked Him kung bakit ako ang nag su-suffer ng ganito. Bakit ba ako yung nagkakaproblema ng ganito? Bakit ako yung taong feeling ko andami kong problema sa buhay? Kasi isipin mo, ha. Una, family problems. Si Ate Jamie, nakipag tanan don sa mystery boyfriend niya na hindi namin alam. Miski si Mama, walang kaalam alam. Sunod, sa studies ko. Lately, bumaba ako sa ranking. Mom asked me kung ok lang ba studies ko and hell, I even lied to her. I don't want to disappoint Mom kaya hindi ko sinabi sakaniya. Next, is yung amin ni Ricci. Kahapon, nagkamustahan lang kami ni Bradley, tas nagalit na siya. What is wrong with that, Brent? May mali ba akong nagawa? Nangyari na rin ito samin, Brent. Pero, bakit ganon? Ako nanaman ang may kasalanan? Understood naman na ayaw niya akong makipag usap kay Bradley. Pero, grabe naman yon. Wala namang ginagawa si Bradley, eh. I'm just wondering why. Tas eto na. Sumunod naman yung kela Alliana." Unti unting nawasak ang puso ko habang sinasabi kay Brent yung mga problema ko.

"Mia, everything will be fine. That's life. We have our ups and our downs. Hindi naman all the time masaya tayo diba? Maayos din lahat ng mga problema mo or niyo in the family." Sabi ni Brent at hindi ko na naiwasan na hindi maiyak as in yung todo, pero hindi yung OA.

"Maybe, may reason si God kung bakit ka may mga ganyang problema. Don't worry, I'll help you with Ricci. I can also help you with your family problems pero, panget ata yon kasi mukha akong nangingielam sa problema niyo sa pamilya. Sa studies, hindi ako ang makakatulong sayo. HAHAHA. Sinasabi ko na." Napatawa ako ng konti. Maganda pala sa pakiramdam pag may kaibigan kang ganito. Mapa lalaki man o babae. I'm so blessed and thankful to have Brent as my friend.

"Thank you Brent, ha. I'm so lucky to have you as one of my friends. Gift ka ni God saamin. Thank you. Babawi ako sayo." Niyakap ko si Brent at nagpasalamat pa ulit.

"So, ano? Balik na tayo or mag stay muna dito?" Tanong ni Brent. Ano? Babalik na ba ako don? Kaya ko na ba iharap ang pagmumukha ko sa mga kaibigan ko?

"Sige. Tara." Aya ko sakaniya at nagpasya ng tumayo.

"Are you sure?" He asked me and nodded.

"Mia!" Sigaw ni Ellaine at niyakap ako. Sumunod ay si Kayla. Tumakbo naman sakin si... Ricci

"Babe, akala ko nawala ka na. Akala namin kinuha ka na ng Jade na yon." Niyakap niya ako ng mahigpit. But, here I am, stunned by his actions. I don't know what to do. Am I going to hug him back? Well, maybe, it's the right time para magkaayos kami, since eto naman gusto ko. I hugged him back. Yung mahigpit na mahigpit.

"I miss you." That's the only words that I can say right now.

"I miss you too, babe. I'm sorry." He said.

"It's ok, love. I understand that your just overprotective. You want me to be aware of my surroundings and of the people around me. Thank you, love." Then he kissed my forehead.

Kumalas na kami sa pagkakayakap. Sila Mama naman ang yumakap sakin. Some people caught my eye. The girls... Our squad. Lumapit ako sakanila at niyakap sila isa isa, at ang huli ay si Alliana.

"I'm sorry, Alliana. I'm sorry, Mai. It was not my intention to hurt you. Alam mo yan. Andito lang ako palagi kahit ipagtabuyan mo na ako ngayon." I hugged her tight.

"I'm sorry too dahil nagalit kami sayo. Hindi namin alam na nagmamalasakit ka pala saamin. Para saakin. I love you, Mia." Nag group hug din kami. Ang sarap. Ang sarap sa pakiramdam na ok na kayo. Ang sarap sa pakiramdam dahil binaba mo yun pride mo para makipag ayos sa mga kaibigan mo.

"Bakit ka ba kasi umalis ng walang paalam? Miski sila Tita hindi alam kung na san ka, gurl. Tinakot mo kami." Sabi ni Francine.

"Hindi na importante yung kung san ako nagpunta. Ang importante ay yun nag kaayos tayo." Bumalik na kami sa room namin. They've decided na mag stay muna sa room namin.

Thank you, Lord. Nabawasan po ang problema ko. Salamt po ng marami!

----------
SABAW ☹️✌🏻

- Keana

ON HOLD // JUST HOLD ON | Ricci Rivero Where stories live. Discover now