2

507 32 3
                                    


jungkook
di ka na nagreply kagabi
 
lisa
naubos load ko
  
jungkook
sabi ni hoseok-hyung nakaline kayong lahat sa bahay
   
- - -
"tangina, close nga pala sila ni hobi-oppa."
 
bumuntong hininga sya. tinitigan muna muli ni lisa ang huling reply ni jungkook bago nya itapon sa kama ang phone nya at iniwan iyon duon.
  
bumaba sya sa sala at naabutan nyang nagsusulat si hoseok.
  
"oppa,"
 
"oh?"
  
"sabihin mo kay jungkook, tigilan ang kakatext sakin at naiilang kamo ako. okay?"
  
napakunot ang noo ni hoseok.
  
"mabait naman si jungkook, ha? friendly lang talaga 'yun kaya ka--
  
"sasabihin mo sa kanya o ako magsasabi? mamili ka, kaibigan mo yun. mas pipiliin mo bang deretsahin ko sya ng walang preno o ikaw ang magpapaliwanag ng maayos sa kanya tutal naman close kayo?"
  
napatikom na lamang ng bibig si hoseok habang pinapanuod nyang umaakyat ng hagdan pabalik sa kwarto nya ang kanyang kapatid. nang marinig nyang sumara ang pinto nito ay tsaka lamang sya umiling.
   
"haynako, lalisa."
 
- - -

NOONA • lkWhere stories live. Discover now