30

266 11 9
                                    

"hindi mo na ba talaga nakita si kookie after nuon?" takang taka si jennie pero nakasimangot na tumungo lamang sa kanya si lisa.
  
  
"e, bakit hindi mo sya hinanap man lang? magkatabi lang naman school natin e." tanong muli ni jennie pero sa pagkakataong to, wala nang naging sagot pa si lisa kundi isang malalim na buntong hininga.
   
   
  
"para saan pa ba, eonnie?
   
    
    
   
   
   
masaya naman na sya sa piling ni chaeyoung."
   
   
tumingala si lisa habang pinagmamasdan ang labas ng airport kung nasaan sya.
   
    
'nahanap nya na yung tao na tutugon sa mga bagay at lalo na sa atensyon na pinagkait ko sa kanya.' sa isip isip ni lisa ay ito ang tumatakbo. she only wants the best for jungkook lalo na he experienced hell liking someone like her. kaya ayaw nya na muling magpakaselfish at hinayaan nyang mahanap nito yung taong deserve nya. 
   
   
   
at pakiramdam ni lisa na... hindi sya ang taong deserve ni jungkook.
    
   
   
   
"noona, bakit ayaw mo sa akin?"
     
    
napangiti sya habang inaalala yung tanong na iyon na inuulit ulit sa kanya nuon ng taong masaya na ngayon...
   
   
  
   
mali ka, kookie. gusto kita.
   
  
   
   
   
gustong gusto kita, pero hindi si noona ang para sayo.
   
   
   
    
"lisa, tinatawag na flight mo. teka nga bakit ba hirap ako pakawalan kaaaa~"  halos mangiyak ngiyak si jisoo habang yakap yakap ang bunso nyang kaibigan.
  
   
"lisa, kahit tanga ka, mamimiss kita." deretsong sabi ni jennie sa kanya.
  
   
"bakit wala si hoseok?"
   
    
"umiiyak sa bahay ayaw nya daw umiyak sa airport dami daw makakita." natatawang sabi ni lisa. alam nya kaseng likas na iyakin ang kuya nya.
   
    
  
"bakit ka ba kase aalis?" naiinis na tanong sa kanya ni jisoo.
     
    
"i'll be back, eonnies. wait for me, okay?"
     
   
  
malungkot na tumango ang dalawa habang pinagmamasdan nilang naglalakad si lisa papalayo sa kanila...
    
    
   
  
    
sa di kalayuan mayroon ding malungkot na nanunuod habang palayo nang palayo ang dalaga sa kanila...
    
    
   
'palagi ka na lang umaalis. palagi ka na lang nang-iiwan.'

   
'wala ka nang ibang ginawa kundi talikuran ako.'
   

   
tumayo sya at sa huling beses nya mapagmamasdan si lisa bago pa man mawala sa paningin nila...
   
    
    
   
    
'noona, hindi ko na kailangan malaman kung bakit ayaw mo sa akin.'
    
    
   
   
   
"ayaw ko na din sayo. quits na tayo."

NOONA • lkDonde viven las historias. Descúbrelo ahora