16

294 23 2
                                    

"hyung, bakit lumipat sya ulit ng school? isang year na lang at gagraduate na kami, tsaka pa sya lumipat?"
  
sumimangot lamang si hoseok kay jungkook. sa totoo lang, hindi nya din alam kung bakit dahil hindi naman nag-oopen up sa kanya ang kapatid nya.
  
"hindi ko din alam, kookie."
  
"bakit nainis kay kookie kaya lumayo ng tuluyan. hahaha!" pang-aasar ni taehyung pero ni hindi man lang natawa si hoseok at jungkook kaya pinalo ni jimin si taehyung. ininda naman nya ito.
   
"kahit hindi sabihin ni lisa, alam kong may problema sya."
  
nag-aalalang sabi ni hoseok. ganuon din ang nararamdaman ni kookie. hindi nya alam kung bakit ganuon na lamang ang pagkabahala nya samantalang hindi naman talaga sila malapit sa isa't isa.
  
'wala namang bumubully sa kanya sa room. imposible namang dahil sa mga classmate namin.' napag-isip isip ni kookie kung mayroon bang gumugulo kay lisa.
   
wala syang ibang maisip.
   
dahil ang tanging tao na ginustong lumapit sa dalagang iyon,
   
ay walang iba kung hindi sya.

NOONA • lkWhere stories live. Discover now