29

226 11 0
                                    

 
hindi naging maganda ang buong araw ni jungkook dahil pinili nyang buong araw iwasan ang mga hyungs nya. iritang irita sya dahil halos lahat ng kaklase nya ay tinatawag sya para sabihin na hinahanap sya ni hoseok, taehyung at pati na din ang tao na lalong nagpapayamot sa kanya kapag naririnig nya ang pangalan, si jimin.
   
  
pagkatunog na pagkatunog ng bell ay inayos nya na ang gamit nya at derederetso na sya sa pintuan. balak pa sana nya dumaan sa kanyang locker pero naisip nya na baka duon sya hintayin ng mga kuya nya kaya mas pinili na lamang nya dumiretso ng uwi.
   
  
buong araw umiwas si jungkook sa kahit anumang conversation. hindi nya alam bakit naiirita sya sa lahat ng tao.
  
   
pakiramdam nya ayaw nya sa mundo.
   
   
'nakakatawang isipin na parang kailan lang alalang alala ako dahil ayaw sa akin ni lisa noona.' kausap lamang nya ang sarili nya habang naglalakad sya sa tahimik na koridor. mukhang maaga aga nga talaga sya kaysa sa iba pang mag-aaral na magsisiuwian.
  
  
'...pero ngayon, eto ako, halos ayaw ang lahat ng tao na nasa paligid ko.'
   
  
derederetso lamang si jungkook na naglalakad sa main gate ng kanilang school.
  
  
hindi nya alam bakit hindi nya mapigilan umiba ng daan papauwi.
  
  
hindi nya mapigilan ang paa nya na maglakad sa mas malayong daan papauwi sa kanila.
  
  
hindi nya alam bakit di nya makontrol ang sarili nya na huwag dumaan sa harap ng rambo high.
  
 
  
'kahit... makita ko lang sya. sana...'
  
   
hindi nya mapigilan ang paa nya dahil dinidikta nanaman ng puso nya ang bawat galaw nya.
  
makita nya lamang ng panandalian ang dalaga, para bang alam nya na ito lamang ang magpapagaan ng sobrang bigat na pakiramdam nya sa maghapong nagdaan.
     

papalampas pa lamang sya ng main gate ng school nila lisa nang parang nahagip ng atensyon nya ang dalawang tao na nasa may bench malapit sa school na 'yon. isang maliit na bench sa di kalayuan sa main gate, may dalawang tao na nakatayo na tila ba'y nag-uusap.
   
   
dalawang taong kilalang-kilala nya.
   
   
  
     
 
"li-lisa noona..." bulong nya sa kanyang sarili.
    
 
   
parang mahika na tila ba naging dahilan ang bulong na iyon para mahagip nya ang atensyon ng dalaga na pinagmamasdan nya mula sa malayo, nang bigla itong lumingon sa kinatatayuan nya.
   
   
   
  
bakas ang pagkagulat sa mukha ni jungkook at lisa nang sa muling pagkakataon ay nagkita muli sila.
   
   
   
   
"j-jimin, si jungkook 'yun..."
   
  
   
   
   
bago pa man lingunin ni jimin si jungkook ay kasabay nuon ang pagtakbo nito palayo...
   
  
"ha... nasaan?"
  
    
   
...at kasabay din nito, ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ng dalaga.

NOONA • lkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon