Kabanata 10

2K 117 19
                                    

Kabanata 10



NAHINTO sa akmang pagpunta sa kusina si Allie. Napansin niya ang ilaw sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto sa movie room. Walang ingay na pinihit niya ang seradura ng pinto at pumasok sa loob.

Bukas ang telebisyon subalit naka-mute 'yon. She saw a figure lying on the sofa. It was Enzo.

Dahan-dahan at walang ingay na nilapitan niya ang lalaki. Lumuhod siya sa harap nito. Kapag ganitong natutulog si Enzo, ang payapa nitong tingnan. His guard was missing and all she could see on his face was peacefulness.

Kusang umangat ang palad niya at wala sa sariling hinawi ang buhok nitong nakadikit sa noo. Marahang hinagod ni Allie ang buhok ni Enzo. She started humming a song.

"Ikaw ang pag-ibig na hinintay. Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw..."

Huminto sa pagkanta si Allie at nagpatuloy na lamang sa pag-hum ng naturang kanta. Tinitigan niya si Enzo. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito. Kapag sa ibang tao, kay daling sabihin na, "Ipaglaban mo. Mahal mo, eh. 'Wag kang matakot sa magiging resulta." Pero kapag ikaw na pala ang nasa posisyon, mahirap talaga. Hindi pala ganoon kadali iyon.

Mahirap isantabi 'yong pagkakaibigan ninyo. Ang tagal nawala ni Enzo sa buhay ni Allie. Hindi niya makakaya kapag nawala ito uli sa kanya dahil sa nararamdaman niya para dito.

"Mahal kita, Renz. Ikaw lang," mahinang aniya. Isang magaang halik sa noo ang iniwan niya sa lalaki. Tumayo siya at kumuha ng kumot sa cabinet at ipinatong iyon sa katawan nito. "Ikaw lang talaga," mahinang dagdag niya bago bumalik sa kanyang silid.

The only thing that could hear her confession was the wind. She did not realize that the wind could carry her confession until the right person could hear it.





"CONGRATS on winning, Renz!" bati ni Allie kay Enzo paglabas nito ng SVU university gym.

Tinanguan siya nito. Siguro ay paranoid lamang si Allie dahil sa new found feelings niya pero pakiramdam niya, parang unti-unting lumalayo uli sa kanya si Enzo.

"Nakakakilig 'yong ginawa ni Cloud kanina. All for the love of Skye, huh," aniya habang naglalakad silang dalawa papunta sa parking area ng SVU.

Kanina ginanap ang huling bahagi ng tennis tournament sa pagitan ng iba't ibang universities. Sa gitna ng laban ay biglang nag-backout si Cloud—isa sa ka-team ni Enzo—dahil pinuntahan nito ang babaeng mahal nito. Sa kabila no'n, siyempre, ang naging kampeon pa rin ay ang team nina Enzo.

"Tsk. He could have done it after the game. Or before."

Ipinaikot ni Allie ang mga mata dahil sa sinabi ni Enzo. Kunwari pa ito pero alam niyang umaarte lamang ang lalaki. Deep inside, he was proud of what he had done for Cloud and Skye.

Nasabi na ni Allie na trying-hard cupid si Enzo, 'di ba? Wanna be Cupid. Take Les and Airin's relationship for example. They were now a real couple because of Enzo. Then there came Cloud and Skye. It was Enzo who somehow helped the two.

Sinundot niya ang sikmura ni Enzo gamit ang siko niya. "Who's next, oh-so good Cupid?"

"Reus. Baka sakaling matahimik siya. Or Chuck. Or maybe Guji."

Napahagikgik si Allie at akmang sasakay na sa kotse ni Enzo nang may tumawag sa kanya. Si Red 'yon.

"O, bakit?" aniya nang makalapit ang lalaki.

"Hindi ka ba sasama sa 'min nina Martin? Magka-karaoke raw kami."

"Gay," Enzo muttered.

Tiningnan ito nang masama ni Red. Nang tinapatan ni Enzo ang tingin ni Red ay natawa si Allie sa ginawa ng huli. Nagtago kasi ito sa likuran niya.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Where stories live. Discover now