Kabanata 20

1.7K 79 34
                                    

Kabanata 20

"SURE ka na, ah?"

Tumango si Martin at pabirong ginulo ang buhok ni Allie. "Oo. Kahit si Killian, pumayag na."

Napangiti siya at napahiyaw ng "Yes!" Nag-suggest kasi siya ng pangalan para sa core members ng tennis club nila; parang kagaya ng Tennis Knights ng SVU. Ang pangalan ng core group ng tennis club nila? Tennis Titans. Courtesy of yours truly, Allie Ferrer.

Speaking of Killian, simula noong hinimatay siya, medyo bumait ito sa kanya. Medyo lang.

"Ano'ng bago sa inyo ni Guttierez?"

Pinagmasdan muna ni Allie ang mga member na nagpa-practice sa open court bago binalingan si Martin. "Wala. Ganoon pa rin. Ayos naman kami... I think."

"Hindi pa rin ba siya natatauhan?"

"Bakit naman siya matatauhan?"

"Na mahal ka rin niya." Itinaas-baba ni Martin ang mga kilay nito.

Itinakip ni Allie ang scoreboard sa mukha at pilit itinatago ang pamumula ng mga pisngi.

"O, bakit ka nagtatago?" Pilit nitong inaalis ang pagkakatakip niya sa mukha. "Nagba-blush ka."

Naiinis na pinalo niya si Martin sa braso. "'Wag ka ngang magulo. Saka, hindi ako mahal n'on. Kung mahal man niya ako, hindi siguro kagaya ng inaasahan o gusto ko. Kasi kung mahal niya ako, sana, kami na ngayon, 'di ba?"

Ipinatong ni Martin ang braso sa balikat ni Allie. It was just a friendly gesture—brotherly gesture pa nga. Kapag si Enzo ang umaakbay sa kanya, parang nagiging poste na siya sa dami ng sparks. Pero kapag ibang tao, daig pa niya ang naputulan ng kuryente.

"Oo na. At naniniwala rin ako na kung mahal ka niya, matatauhan siya." Lumagpas sa kanya ang tingin ni Martin saka ngumisi. "'No, Guttierez?"

Napatuwid ng upo si Allie saka binalingan ang hinayon ng tingin ni Martin. Si Enzo nga! In the flesh!

"Lawrenzo!" gulat na aniya.

"San Victores," ani Enzo sa halip na pansinin siya. Ano 'to, karibal pa niya sa pag-ibig si Martin?

Napapalatak si Martin saka inalis ang pagkakaakbay kay Allie. "Let's talk inside the office. Dito ka muna, Alimango."

Ipinatong ni Enzo ang palad sa ulo niya nang dumaan ito sa kanyang tabi. Marahan nitong ginulo ang kanyang buhok.

"Hintayin mo ako," utos nito. Bago umalis ay inabutan pa siya nito ng cadbury. "Giveaway kanina sa SVU."

Wala na sina Enzo at Martin pero si Allie, hayun, hinahayon pa rin ng tingin si Enzo na tila ba nakikita pa niya ito.

"Hintayin? Oo, hihintayin kita. Basta ba huwag matagal. Kasi nakakapagod rin maghintay; maghintay sa wala."

"Sino'ng kausap mo, Alimango?"

Ibinato niya sa sumulpot na si Chance ang scoreboard. "'Yan, 'yang scoreboard ang kausap ko."

Kung tingnan siya ni Chance, para bang luka-luka siya. Oo, luka-luka siya sa pagmamahal kay Enzo. Napatingin siya sa cadbury na bigay ni Enzo. Napangiti siya. 'Sus. Giveaway daw. Giveaway, may price tag? Siya pa niloko ni Enzo.


"YOU ARE being stupid, Guttierez."

Napakunot ang noo ni Enzo sa sinabi ni Martin. Humalukipkip siya. Pinanatili niyang walang emosyon ang mukha.

"You obviously love her. She loves you. What's stopping you?"

"Hindi ako nagpunta rito para pag-usapan ang buhay pag-ibig ko, San Victores," malamig na aniya.

Mula sa likuran ng mesa ay nginisihan siya ni Martin. "Buhay pag-ibig, huh." Napailing ito. "Akala ko misyon mo ang pasayahin si Allie?"

"Yes. I'm making her happy."

"By hurting her?"

"She deserves someone better."

"Then be that better, Guttierez. You are only hurting her right now."

"I'm not the right one for her."

"You are just making excuses not to be with her."

Hindi nakakibo si Enzo. Bakit ba kailangan niyang ipaliwanag ang sarili kay Martin? Hindi siya nito maiintindihan. Muli ay umiling si Martin. Iniabot na nito sa kanya ang isang folder.

"Here. May pupuntang mga scout from England, Germany, Australia, at iba pa," anito.

Binuklat niya ang folder. Listahan iyon ng mga scout na pupunta para sa paparating na open-meet na gaganapin dito sa SLU. Their club would be playing. It was a chance to showcase their talents at playing tennis.

"Sana ma-realize mo kung gaano kaimportante sa 'yo si Allie bago mahuli ang lahat. Make her happy. Everybody deserves to be happy especially Allie. Ikaw ang makapagpapasaya sa kanya."

Tumayo na si Enzo at akmang lalabas ng silid nang marinig ang pahabol na sinabi ni Martin.

"At least try for her. Fight for her. Importante ang ngayon, Guttierez. You are the right one for her now."

Nang maisara ni Enzo ang pinto ay napapikit siya. Damn Martin for voicing out what he truly wanted from the start. He did not know if he could still do this. He have her but he wasn't really having her.

And he wanted her.

All of her.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Where stories live. Discover now