Kabanata 24

1.4K 74 24
                                    

Kabanata 24


MULA sa pagtingin sa kalangitan ay binalingan ni Allie ang cell phone nang mag-vibrate iyon. Ang pangalan ni Martin ang lumabas sa screen. Nandito ngayon si Allie sa open court ng SVU. Mula sa park na pinuntahan kanina kasama si Martin ay dito siya nagpahatid. Wala ng tao kaya solo niya ang lugar. Kaya nga nakahiga siya ngayon sa court.

Alimango, naiwan mo sa kotse ko 'yong libro mo. Bigay ko na lang bukas sa 'yo sa first class mo, basa niya sa mensahe ni Martin.

Kaagad siyang nag-type ng tugon, Ay, oo nga. Thanks, Martin. Bukas na lang. Salamat ulit sa pagsama sa 'kin kanina.

Mabilis ang naging sagot ni Martin: Anytime. Basta para sa kalokohan n'yo ni Guttierez.

Nahinto sa pagre-reply si Allie nang maalala ang ginawa kanina. Dahil sa "kalokohan" ni Enzo ay nagkaroon ng misunderstanding sa pagitan ni Reus at ng lady love nitong si Jelle. May napulot kasing tula si Guji. Gawa iyon ni Jelle para kay Reus. Ang sira-ulong Enzo at Guji, pinalabas na para kay Guji ang tula. 'Ayan, nag-drama si Reus.

Inayos ni Allie ang suot na red hoodie. Regalo iyon sa kanya ni Tito Miguel. Cute tingnan, mukha siyang mysterious girl in red riding hood.

Galing siyang park kanina. Kinausap niya kasi si Jelle. Gusto lamang niyang tulungan ito. Gusto lamang niyang ipabatid sa babae na may mga taong "worth fighting for."

Nang may naramdamang palad sa ulo ay napapitlag si Allie. Bago pa man niya mabalingan ang may-ari ng kamay ay may umupo sa tabi niya.

"Good acting," ani Enzo na ang tinutukoy ay ang "acting" niya nang sinugod niya si Reus sa loob ng locker room ngayon-ngayon lang.

"Alam ko. Ano nang nangyari kay Reus?" tanong niya kay Enzo.

Mula sa pagkakaupo ay humiga sa tabi niya si Enzo. Ginawa nitong unan ang magkabila nitong mga palad. "Four down," anito na ang tinutukoy ay ang bilang ng Tennis Knights na maayos na ang love life.

"Four?"

"Pinuntahan ni Chuck si Ian. Si Reus ay may plano na para kay Jelle. Sa Foundation Day na sila magtatapat."

Tumagilid si Allie. Itinungkod niya ang siko sa madamong sahig saka ipinatong ang gilid ng ulo sa palad. Pinagmasdan niya si Enzo. He looked so smug. Tsk.

"Ang laki pa rin ng kasalanan mo kina Reus at Jelle," aniya.

"Kailangan ni Reus na magtiwala kay Jelle. Kailangan din niyang talunin ang insecurity niya."

"Hi pot, kettle called," sarkastikong aniya.

His lips twitched. "Pumunta ka rito bukas," utos ni Enzo.

"Bakit?"

"Just because."

Bigla siya nitong hinaklit sa braso. Napasubsob tuloy siya sa dibdib nito. Bago pa man makapiglas si Allie ay humigpit ang pagkakayakap ni Enzo sa baywang niya.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong sa tigas kong 'to, may insecurities ako sa katawan, Allie?" mahinang anito.

Ipinatong ni Allie ang palad sa ibabaw ng dibdib ni Enzo. Wala sa loob na gumuhit siya ng iba't ibang letra doon gamit ang daliri. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nakasagot. "Oo naman. Lahat naman siguro ng tao ay may itinatagong insecurities sa katawan. Uncertainties. Faults. Pero kung malakas ka, unti-unti mo 'yang matatalo. Kung mahirap, may mga tao sa paligid mo na tutulong sa 'yo. Alam mo kung sino? Ako—"

"Ang Tennis Knights?" putol ni Enzo.

Nakasimangot na tiningala ni Allie si Enzo. He was smirking at her! The fuck! Seryoso siya tapos ngayon pa 'to nagbiro nang ganito?

"Ako, siyempre! I'll kiss your insecurities away," aniya. Bago pa man makakibo si Enzo ay hinalikan niya ito sa mga labi sa mabilis na paraan. "Like that," nakangiting aniya.

"I've been holding back but fuck it!" That was what Enzo said before he pulled her head towards his. The moment their lips touched, Allie felt like different kinds of fire were burning inside her heart.

Ang tanging nararamdaman ni Allie ay si Enzo; ang mga labi nito, ang init nito, ang lahat-lahat dito. Nang pinakawalan ni Enzo ang mga labi ni Allie ay tulala pa rin siya. Hindi siya makakibo. Hinapit siya ni Enzo hanggang sa mapasiksik ang mukha niya sa leeg nito.

"Stop being so fucking cute, Alianna. Nanghihina ako," anito sa paos na tinig.

Unti-unting napahagikgik si Allie. Marahan niyang hinaplos ang mga labi. Para bang nararamdaman pa rin niya ang mga labi ni Enzo roon. Hindi maalis ang init doon. Ang bilis din ng tibok ng kanyang puso. Sa lakas ng tibok niyon, para bang nabibingi na siya. Great thing was, it was the same for Enzo. Mula sa palad niyang nakapatong sa dibdib nito ay ramdam niya ang bilis ng pintig ng puso nito.

"Ang bilis ng tibok ng puso mo, Renz. Bakit? Kinakabahan ka?"

"Shut up."

"Salamat sa kiss. Puwedeng isa pa?"

"Alianna. Shut. Up."

She giggled. It was ironic that their first kiss happened at the middle of SVU's open court.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Where stories live. Discover now