Kabanata 2

93.9K 3.5K 863
                                    


This chapter is dedicated to Surreal_Ry Wag ka na magselos bebe. HAHA. Alam mo naman lab na lab kita. Dejk.

_____

Kabanata 2.


Pupungas-pungas na nagtatakbuhan ang mga Ancilla sa loob at labas ng magarang tirahan ng mga Carsen. Ancilla ang tawag sa mga katulong sa loob ng isang pamilya. Ang mga ito ay hindi maituturing na Alipin sapagkat sila ay nabibilang sa antas ng mga Malaya.

Sila lamang ay naglilingkod sa isang pamilya na gusto nilang paglingkuran. Maaari silang umalis kung kailan nila gusto, at maaari rin silang magtagal kung hindi naman sila paalisin ng pamilyang kanilang pinaglilingkuran. Ngunit, ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang mga ito? Kung bakit halos halughugin na nila ang malapalasyong tirahan ng mga Carsen?

"Nahanap niyo na ba ang anak ko?" Pormal na tanong ng isang babae. Umiling ang isa sa mga Ancilla bilang sagot. Bahagya itong yumuko upang magbigay ng masamang balita sa kanilang amo.

"Paumanhin, ngunit nakatakas na naman ang mahal na Ahro." Napabuntong-hininga na lang ang babae. Mapilantik nitong ginalaw ang kamay niya, senyales na pinapaalis na niya ang mga Ancilla sa harap niya.

Ahro ang tawag sa mga binatang may dugong bughaw, at Ahra naman para sa mga kababaihan.

Humingi ng paumanhin sa pangalawang pagkakataon ang mga ito bago umalis. Marahan na hinilot-hilot ng babae ang kaniyang noo dahil sa konsumisyon. Ano ba ang nais gawin ng kaniyang anak? Ano't palagi itong nawawala sa kaniyang paningin?

Sa kabilang banda, malayang naglalakad-lakad sa mausok na bayan ang binata. Nakasuot ito ng salakot, at gusot-gusot na kasuotan. Pinasidhan niya ng tingin ang mga batang gusgusin na naglalaro sa tabi-tabi ng daan.

Mabuti pa ang mga paslit na 'to, malaya silang gawin ang gusto nila.

Umiling ito at nagpatuloy sa pagtahak ng daan papasok ng bayan. Pansamantala itong tumatakas sa realidad ng buhay niya. Sa buhay niyang inaakala ng lahat ay malaya, ngunit siya mismo ay nasasakal na. Pinilig nito ang ulo upang tingnan ang matandang naka-upo sa maalikabok na sahig. Kulubot na ang balat nito't napakadungis ng hitsura. Punit-punit na rin ang kasuotan nito't, nangangayayat na.

Ano ang ginagawa ng mga konseho sa bayang 'to?

Inilahad ng matanda ang marumi nitong palad sa binata. Napabuntong-hininga na lamang ito sapagkat wala siyang kahit anong dalang pilak. Wala naman siyang balak mamili sa bayan, tanging nais niya ay mamasyal upang maaliw ang sarili niya sa mga bagay-bagay.

Tinanggal ng binata ang ginto niyang sing-sing, at iginawad ito sa palad ng matanda. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito, at agad pinagsaklob ang mga palad upang itago ang gintong sing-sing. Tumingala ang matanda upang kilalalin ang binatang nagbigay sa kaniya ng gintong sing-sing, ngunit bahagyang hinawi ng binata ang suot nitong salakot sa ulo upang matakpan ang mukha nito.

"M-maraming s-salamat A-ahro." Tumango na lamang ito. Hindi na siya nagtataka kung paanong nalaman ng matanda na isa siyang Ahro kahit na ang kasuotan nito ay walang pinagkaiba sa mga normal na mamamayan. Ito ay sa kadahilanang mga maharlika lamang ang nagkakaroon ng mga gintong sangkap at kagamitan.

"Nais mo ba'ng bumili nito binata? Mura lamang ito, nagkakahalaga lamang ng tatlong pilak ang hiyas na iyan." Naalala niyang paboritong kulay 'yon ng kaniyang minamahal na ina, ngunit gaya nga ng kanina'y wala siyang dalang kahit anong pilak. Hindi niya rin ito mabibili.

Luminous Academy: The IntellectualWhere stories live. Discover now