Kabanata 3

80.6K 3.2K 954
                                    


Kabanata 3.


"Too deep." Usal ko habang nakatingin pa rin sa kalaliman ng ilog. Napa-iling na lang ako dahil sa iniisip ko. Bakit naman ako tatalon diyan? Hindi pa naman gan'on kakitid ang utak ko para magpakamatay.

Narinig ko ang serena ng bombero kaya napalingon ako. Dumaan ito sa tapat ko, at sa tingin ko'y papunta 'yon ng bahay. Sinasabi ko naman, kahit may umapila pa'ng mga bombero, wala na rin silang maisasalba pa'ng mga ari-arian nila.

Sinandal ko na lang muli ang magkabilang braso ko sa railings ng tulay habang hawak-hawak ang gold ring pendant ng necklace ko. Binigay 'to sa'kin ng ama ko noong bata pa ako. Sinabi niyang pag-aari raw ito ng ina ko. Hindi kasi ako nabigyan ng pagkakataon upang makilala siya, dahil namatay siya noong ipinapanganak ako.

Napatingin ako sa relo ko, maggagabi na pala. Inangat ko ang tingin ko upang tanawin ang bilog na buwan mula sa malayo, mukha itong mapayapa't tahimik. Sana'y ganiyan din ka payapa't tahimik ang buhay ko. Humaplos sa pisngi ko ang malamig na simoy ng hangin kung kaya'y napapikit na lamang ako upang damahin ito.

"Lucy!" Nabasag ang katahimikan nang marinig ko ang sigaw ni Lily. Nakita ko siyang papalakad sa gawi ko, magkasalubong ang kilay niya't mabibigat ang bawat hakbang na tinatahak niya papalapit sa'kin. Mukha siyang galit na galit.

Nang makarating siya sa harap ko, mabilis niyang hinila ang buhok ko kaya napasinghal ako.

"Bitawan mo'ko ano ba!" Imbis bitawan niya ako, mas lalo niyang diniinan ang pagkakahila sa buhok ko. Dahil punong-puno na rin ako sa babaeng 'to, hinila ko rin ang buhok niya kaya napadaing ito.

"Bitawan mo ako! Ang isang walang kwentang 'gaya mo ay walang karapatan para--" napatigil siya sa pagsasalita nang isandal ko siya sa railings ng tulay.

"Walang karapatan? Sino ba ang anak sa labas sa ating dalawa? Hindi ba ikaw? Sa tingin mo, saan kayo pupulutin kung hindi kayo tinanggap ni dad?" Tumawa ako ng mapang-asar. Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya sa sinabi ko. The truth hurts right?

"Matalino ako, bobo ka. Sino ang walang kwenta sa ating dalawa?" Dag-dag ko. Iniinsulto ko siya. Bakit? Siya lang ba ang may karapatang insultuhin ako? Sa lahat ng kawalangyaan at kahihiyan na dinulot niya sa'kin, kulang na kulang pa 'tong ginagawa ko.

"Lahat ng meron ka ay sa'kin. Pakatandaan mo yan Lily." Nakangisi itong tumingin sa'kin, tila ba hindi ito nasasaktan sa mga pinagsasabi ko sa kaniya.

"Merong dalawang bagay na wala ka. Wala kang boyfriend at mga kaibigan." Sa pagkakataong ito, ako naman ang napangisi dahil sa sinabi niya. Talaga ba?

"Yung pinagmamalaki mo'ng boyfriend na si Zed, akala mo ba mahal ka talaga niya? Sa pagkakatanda ko, nakita ko siyang nakikipaghalikan kay Melanie noong October 13. Byernes ang araw na 'yon, at 3:38 ng hapon. Mahigit dalawang buwan ka ng tanga Lily," Diniinan niya ang pagkakahila sa buhok ko. Nakita ko rin ang muling pagtagis ng bagang niya dahil sa labis na galit sa mga binitawan kong salita.

"Isa pa, mga kaibigan? 'Wag ka'ng nagpatawa. May kaibigan ka lang naman kasi binibili mo ang oras nila gamit ang pera." Para itong sinampal sa mga sinabi ko. Natawa ako ng bahagya. May mga kaibigan siya dahil nililibre niya sa kahit ano ma'ng bagay ang mga ito. Binibili niya ang oras nila upang makisama sa kaniya. How pathetic.

"Hindi totoo ang sinasabi mo!" Hinila niya ng tuluyan ang buhok ko't ako na naman ang isinandal sa railings ng tulay. Nakita kong namumula-mula na ang mga mata niya, at parang ano ma'ng oras ay maiiyak na siya sa galit at inis.

"Nararamdaman mo na ba? Ganiyang-ganiyan ang nararamdaman ko sa tuwing iniinsulto mo'ko. Yung pakiramdam na gustong-gusto mo'ng gumanti sa isang tao sa kahit ano ma'ng paraan." Malumanay kong wika. I heard her hissed.

Luminous Academy: The IntellectualWhere stories live. Discover now