Kabanata 6

65K 2.9K 2.2K
                                    

Kabanata 6.

"Ianuae Magicae..." Pagkatapos itong bigkasin ng binata, naglaho ito na parang bula.

"Ang epic mo talaga kanina Azriel! Haha! Mabuti na lang hindi ako sumubok kun'di--Azriel? Hala! Saan na yun napunta?" Takang wika ni Matheos. Napatigil sa paglalakad ang mga ito, at sabay-sabay na lumingon upang hanapin si Azriel. Ngunit ni anino nito ay hindi nila makita sa daang pinaliligiran ng mga nakasabit na lampara.

"Tsk, hayaan niyo na siya. Panigurado'y magpapahangin na naman 'yon sa labas. Hindi na natin kasalanan kung sakaling mahuli siya ng mga Magistre." Pailing-iling na wika ni Harrietta habang sinusuklay-suklay ang mahaba niyang buhok.

"I wish I can be like him. Gusto ko rin lumabas dito at makapamasyal sa bayan." Tatawa-tawang usal ni Ezrah. Gustong-gusto kasi nitong makapamasyal bilang isang normal na mamamayan lamang. Hindi bilang Maharlika na kakatakutan ng mga batang Alipin at Malaya sa daanan.

"Bakit kasi ayaw niyang sabihin kung paano niya nagagawang pumasok at lumabas ng Academia nang hindi nalalaman." Komento naman ni Yinox.

Maya't-maya'y pumasok na ang mga ito sa kanilang dormitoryo. Walang pasabing pumanhik ang mga ito sa kaniya-kaniya nilang kwarto upang magpahinga na't matulog. Ito ay sa kadahilanang pagod sila't kinakailangan nilang magising ng maaga para sa Lectio Vipassana.

Sa kabilang dako, pikit matang nakalublob ang katawan ni Azriel sa ilog ng Sierra. Naisipan nitong magpahinga't alisin ang lahat ng iniisip niya. Ito ang tanging nakakapagpakalma sa kaniya kapag pagod siya sa pisikal, mental at espiritwal na paraan. Ang pagligo sa ilog Sierra ang siyang nakakapagpakalma sa kaniya.

Inangat ng binata ang kaniyang mga kamay, at inilagay ito sa kaniyang ulo upang ayusin ang buhok niya. Nakatingin lang siya sa sarili niyang repleksyon sa malinaw na tubig. Napangisi siya nang makita niya ang kaniyang mukha.

Ang gwapo ko talaga.

Umiling na lang ito bago sumisid pababa. Talagang nakakakalma,at nakakawala ng pagod ang haplos ng tubig ng ilog Sierra. Napatigil ito saglit sa paglalangoy nang mapadaan siya sa parte ng ilog kung saan may sinagip siyang isang dilag. Biglang pumasok sa isip niya ang napakaamo nitong hitsura.

Sa kaniyang pag-iisip ay hindi niya namalayan ang isang malaking bato sa kaniyang harapan. Kamuntik-muntikan na siyang mabunggo rito kung hindi niya kaagad ito naiwasan. Talaga namang hindi niya maalis-alis ang imahe ng babaeng 'yon sa isip niya.

Aahon na sana ito nang may makita siyang isang babae na lumalangoy papalapit sa gawi niya. Sinilip niya ito upang tingnan kung sino. Itim na itim ang buhok nito, at kahit anong pilit ng binata na aninagin kung sino, hindi niya gaano makita sapagkat natatakpan ng mahabang buhok ang kaniyang mukha.

Pinasidhan niya lang ito ng tingin habang nakatago sa likod ng isang bato. Mukhang may dinudukot ito sa pagitan ng naglalakihang bato. Nang hindi nito maabot ang pakay gamit ang kamay, inangat niya ang sarili niya't ginamit ang kaniyang paa upang dukutin ang bagay na pilit niyang kinukuha sa pagitan ng bato.

Napansin ng binata na hindi magawang i-alis ng dalaga ang kaniyang kaliwang paa sa pagitan ng mga bato. Kahit anong pilit nitong pagtanggal ay sadyang hindi na niya ito magawang alisin. Kung hindi pa ito makakaalis ng ilang segundo, paniguradong mawawalan na ito ng hininga.

Hindi nga siya nagkamali, 'pagkat nakita niyang unti-unti ng nawawalan ng hininga ang dalaga. Humawi ang mahaba nitong buhok kaya nakita niya ng tuluyan ang mukha nito. Nangunot na lang ang noo niya nang makilala kung sino 'yon.

Sa muli ba naming pagtatagpo ay nalulunod na naman siya?

Napa-iling na lang ito. Ang swerte naman ng babaeng 'to kung tutulungan siya muli ng binata sa pangalawang pagkakataon. Buo ang isip niyang hindi na niya tutulungan pa ang dalaga, ngunit sadyang hindi nakiki-ayon ang konsensya ng binata.

Luminous Academy: The IntellectualWhere stories live. Discover now