Kabanata 5

78K 3.2K 967
                                    

Kabanata 5.

Napatingin ako sa suot kong lumang damit. Ang mwebles at klase ng tela ay marupok na, at halatang konting hila lang nito ay masisira na. Idagdag mo pa'ng hindi ko maintindihan kung anong klaseng damit ito, sapagkat para lang itong pinagtagpi-tagping tela, at ginawang damit. Wala pa akong sapin sa paa, at magulo ang buhok ko. Kung hindi lang malinis ang katawan ko, malamang ay taong grasa na ang tawag sa'kin.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko habang palabas ng pintuan ng kubong 'to. Ito lang ang lugar na napuntahan kong walang suklay. Kung paano ako nakarating sa lugar na ito, ay hindi ko rin alam. Nagising na lang ako sa tabi ng ilog, at dinala lang ako ng isang bata sa lugar na 'to.

Kahit ang sulat nila ay iba. Hango ito sa Anglo Saxon Rune, na isang Old English alphabet. Talagang makaluma ang mga bagay-bagay sa lugar na ito. Iba'ng-iba sa modernong mundong kinabibilangan ko. Mabuti na lamang ay napag-aralan ko 'yon dati kaya kahit papaano nakakapagbasa ako.

Paglabas ko, napuno ng putik ang mga paa ko. Sumalubong sa akin ang mausok na paligid, humalinghing din sa ilong ko ang nakakasulasok na amoy na hindi ko alam kung saan nagmula. Hinakbang ko ang mga paa ko, at hindi na inalintana pa ang putik na bumabalot sa mga paa ko. Maingay ang paligid, at karamihan sa kanila ay nagtatangis. Isa itong lugar kung saan lahat ng tao ay mahihirap. Napaisip naman ako saglit, mga tao nga ba sila?

Nang makarating ako sa ilog kung saan ako natagpuan, agad kong hinugasan ang mga paa kong napakarumi. Alam kong sinasabing sagrado ang ilog na ito, pero wala namang nakakakita sa'kin. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa tubig, mabuti na rin at napadpad ako sa lugar na ito. Natakasan ko ang buhay ko, at napapaligiran ako ng mga taong hindi ko kilala. Mga taong walang pakialam sa akin, at mga taong hindi ako huhusgahan sa kung sino man ako.

Matapos kong hugasan ang mga paa ko, inahon ko ito at tinapak sa damuhan. Natanaw ko mula sa malayo ang nagsisindihang mga lampara ng ilaw. Takip-silim na, at nag-iingay na naman ang isang partikular na lugar. Ang lugar na 'yon ay maituturing kong isang bayan, kung saan marami sa kanila ang nagtitinda, maraming namimili, at marami ring gulong nagaganap.

Hindi ko nagawang makapamasyal doon sapagkat binalaan kami ni Martina na 'wag mapagawi sa lugar na 'yon. Sinabi niyang kadalasang may nagaganap na gulo roon, at palaging mga alipin ang pinupunturya ng mga kawal ng bayan.

Hindi ko namalayan na kusang naglakad ang paa ko patungong lugar na iyon. Hindi man maputik ang daan, maalikabok naman itong tunay. Pagdating ko sa sirang tarangkahan, bumungad sa akin ang nagkakagulong mga tao. Tama nga si Martina, madalas ay nagkakaroon ng gulo rito. Halata naman sa sirang pambungad na tarangkahan.

Napansin ko ang mga grupo ng mga lalaking may kakaibang kasuotan, para itong mga kawal na puno ng armored metal case sa katawan. Bukod doon, may mga matutulis na patalim din itong dala-dala. Siguro sila ang kawal ng bayan. Sana'y ganito ang mga pulis sa mundo na kinabibilangan ko.

Nangunot ang noo ko nang makita kong may hawak-hawak na batang babae ang isa sa mga kawal. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa mwebles ng damit ng bata, at halos mabuwal na ito sa kakaalog niya. Pamilyar sa'kin ang pigura ng bata kaya naisipan kong lumapit upang malaman kung sino ito.

Maraming kawal ang pakalat-kalat sa paligid, kaya naman walang kahit sino sa mga taong naroroon ang nagtatangkang makisali upang ipagtanggol ang bata. Napadako naman ang paningin ko sa isang binatang lalaki na nasa isang tabi. Nakatingin ito sa batang babae, at balisa ang mukha niya. Animo'y parang may gusto siyang gawin pero may pumipigil sa kaniya.

Luminous Academy: The IntellectualWhere stories live. Discover now