6

6.4K 100 0
                                    

SINABI ni Mariel kay Gab ang dahilan ng pag-alis niya kanina nang magkita sila nito pagbalik niya sa school. Humingi siya ng pasensiya sa hindi niya pagsama dito sa lunch. Sinabi niyang babawi na lang siya next time.

Nagpasalamat rin siya sa kanilang principal dahil naintindihan siya nito sa ginawa niyang pagtulong sa kaibigan niya. Nang nagpaalam din siyang hindi na lang siya magtuturo ngayong araw at kinabukasan dahil babantayan niya ang kaibigan niya ay naintindihan uli siya nito. Mabuti na lang at mabait ito.

Kinuha niya ang mga gamit niya at umuwi muna upang magbihis bago bumalik sa ospital.


NATUTULOG si Andrei pagdating ni Mariel sa ospital. Inilapag niya sa bedside table ang dalang plastic na naglalaman ng binili niyang mga prutas at ilang pagkain, saka umupo sa gilid ng hospital bed.

Pinagmasdan niya ang natutulog na kaibigan. Ang guwapo talaga nito. Dahan-dahang inilapit niya ang kamay sa mukha nito. Gusto niyang i-trace ng mga daliri niya ang magagandang kilay nito, ang talukap ng mapupungay nitong mga mata, ang matangos nitong ilong, ang maninipis nitong labi, ang mauumbok nitong pisngi. Kaso ay baka bigla itong magising.

Pero hindi niya nakayang pigilan ang sarili niya. Hinawakan niya ito sa pisngi. Her hand was shaking. Then she traced the contour of his lips. Ano kaya ang pakiramdam na madama ang mga labi nito sa mga labi niya? Muntik na sanang mangyari iyon kanina. Para tuloy siyang nabitin.

His lips parted under her hand. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang mga daliri. Nagulat siya sa reaksiyon nito kaya mabilis niyang inalis ang kamay niya roon. Kinabahan siya. Nahiya siya. Baka nagising ito sa ginawa niya at hinayaan lang siya nito. Siguradong katakut-takot na pang-aasar na naman ang aabutin niya mula rito.

Umungol ito at mahinang umubo. Gising nga talaga siguro ang loko at nagkukunwari lang na tulog. Pero ginalaw lang nito ang ulo at binaling iyon sa kanan. Nakapikit pa rin ang mga mata nito.

Itinapat niya ang palad niya sa mga mata nito at ginalaw-galaw iyon na parang kumakaway rito. No reaction came from him so she concluded that he was still asleep. Nakahinga siya nang maluwag.

Nakangiting tiningnan na lang niya ito. Muli ay hindi na naman niya napigilan ang sarili. Inayos niya ang mga hibla ng buhok nitong nakatabing sa noo nito at hinaplus-haplos ang may-kahabaan nitong buhok.

Nang magsawa ay maingat niyang hinila ang upuang nasa sulok at itinabi iyon sa higaan. Umupo siya sa mono-block chair at inihiga ang ulo sa gilid ng higaan. Natulog na rin siya.


NAPANGITI si Andrei nang makita niya si Mariel sa tabi niya nang magising siya. Nakahawak ito sa braso niya. Ang ulo nito ay nakahiga sa gilid ng higaan, paharap sa kanya.

Kanina ay nanaginip siyang may humawak sa pisngi at mga labi niya at may humaplos sa buhok niya. Pero mukhang hindi siya nanaginip. Parang totoo iyon. At hula niya ay ang kaibigan niya ang humawak sa mga bahaging iyon ng mukha niya.

Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi ito magising. Sumandal siya sa headboard ng hospital bed. Tiningnan niya ito. May mga hibla ng buhok na nakatabing sa noo at mukha nito. Inayos niya iyon. Tumambad sa kanya ang magandang mukha nito. Noon lang niya iyon natingnang mabuti. She was really beautiful.

Totoo man o hindi ang hula niya na hinawakan nito ang mukha niya habang tulog siya, gaganti pa rin siya rito. Inumpisahan niyang i-trace ng mga daliri niya ang mga kilay nito. Sinunod niya ang matangos nitong ilong, at ang maninipis nitong labi. Doon nagtagal ang mga daliri niya. He wished his fingers were his lips. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Why did he feel that strong need to kiss her lips?

My Heart Is Filled With You [PUBLISHED under PHR]Where stories live. Discover now