8

6.4K 98 0
                                    

PAGKATAPOS ng huling klase ni Mariel nang araw na iyon ay t-in-ext niya si Andrei kung puwede siyang sunduin nito. He instantly replied a "sure."

Nasa ibaba na siya patungo sa faculty room nang biglang may humawak sa braso niya.

"Ay!" gulat na bulalas niya. Nang tingnan niya kung sino ang humawak sa braso niya ay nakita niya ang nakangiting si Andrei. "Ikaw talaga! Ginulat mo ako."

Binitawan siya nito. "'Yan ang napapala ng mahilig sa kape."

"Oo na. So?"

"Well, masarap nga naman ang kape mo." Sinabi na nito iyon kahapon nang matikman nito ang tinimpla niya. "Nakakaadik," sabi pa nito. "Mamaya uli, ha?"

"Sure. Ang bilis mo yata."

"Actually, susunduin talaga kita. On the way na 'ko rito nang matanggap ko ang text mo."

"Gano'n?"

"Gano'n? Gano'n lang ang sasabihin mo?"

"Thank you."

"Walang kiss?"

Alam niyang nag-uumpisa na naman itong magbiro. Naalala na naman tuloy niya ang nangyari kahapon. She admit, she liked the feeling of his lips touching hers. Kahit smack lang iyon ay kiss pa rin iyon. And it was her first kiss. Ever. Pero wala na iyon. Tapos na iyon. Hindi na iyon mauulit pa. Kahit gusto niya.

Ipinilig niya ang ulo upang itaboy iyon sa isip. "Anong kiss ang pinagsasabi mo riyan?"

"Kiss sa cheeks. Friends can kiss each others' cheeks, right?"

Nag-isip siya. "Mamaya na."

Sumunod ito sa kanya nang nagpatuloy siya sa paglalakad patungong faculty room. Huminto ito sa labas ng pinto nang makarating sila roon. Gusto niya sanang ipakilala ito sa mga co-teachers niya pero tumanggi ito. Nahihiya raw. Hindi na siya nagsalita nang tumunog ang cell phone nito. Hinayaan na lang niya ito dahil may kausap na ito. Tumuloy na siya sa loob.

"Siya 'yong lalaking naghanap sa 'yo no'ng isang araw, ah," sabi ng Filipino teacher na si Mrs. Gomez nang makapasok siya sa loob. Ito siguro ang napagtanungan ni Andrei noong sinundo siya nito nang maulan na araw na iyon. At noon lang pumasok ang kaibigan niya sa school upang hanapin siya.

"Best friend ko ho, Ma'am Digna."

"In fairness, he's handsome," kinikilig na wika ng matanda sa kanya ng tatlong taon na si Ms. Canete. English teacher ito. "Mas guwapo kay Mr. Pineda."

"Mas guwapo ang manok ko, 'no," sabad ni Mr. Dantes.

"O, Donatello, nariyan ka pala?"

"Sinong Donatello ang pinagsasabi mo riyan? Si Donnie 'to, 'oy." Donatello naman talaga ang first name nito pero ayaw nitong tawagin ito sa pangalang iyon. Donnie ang gusto nitong itawag dito.

Tumawa si Ms. Canete. "Eh, Donatello ang gusto ko, eh. May magagawa ka?"

"Tumigil ka kung ayaw mong tawagin din kitang Mayumi."

"N—o!" mahinang tili nito. "How many times should I tell you it's Yumi?" Ayaw rin nitong tawaging Mayumi. Masyado raw dalagang Pilipina. Mas maganda raw ang Yumi dahil tunog-Japanese. Mahilig kasi ito sa mga Japanese anime. Twenty-six na ito pero para itong kaedad ng mga nag-aaral sa school na iyon. Minsan nga ay naririnig niyang anime ang tinatalak nito sa klase nito.

My Heart Is Filled With You [PUBLISHED under PHR]Where stories live. Discover now