7

6.2K 100 2
                                    

NAKIKINIG ng music si Andrei sa CD Walkman niya. Siya ay nasa music room ng bahay niya. Hinatid siya ni Mariel pauwi. Kaagad din itong umalis. Maaga pa naman daw kaya humabol ito sa una nitong klase.

Naiwan siyang mag-isa. Binilinan siya nitong huwag umalis ng bahay. Hindi niya alam kung bakit sinunod niya ito gayong gustung-gusto niyang gumala. Wala siyang magawa kaya kanina ay tumugtog siya ng piano, violin, at drums. Ngayon ay nakikinig na siya ng music.

Again, it was "You Got Me" by Colbie Caillat. Parang nawalan na siya ng interes na makinig ng ibang kanta. And it was Mariel who was in his mind while the song was playing.

May na-realize na naman siya. Si Mariel ang dahilan kung bakit gustung-gusto niya ang kantang iyon. Kapag naiisip niya kasi ito ay ang kantang iyon ang kaagad na tumutugtog sa isip niya. At kapag nakikinig siya sa kantang iyon ay si Mariel ang iniisip niya.

Si Mariel na ang nakikita niya. Ano ba? Bakit puro na lang siya Mariel?

It was confirmed. He was in love with his best friend.

Isa pang ebidensiya: nagseselos siya sa Gabriel Pineda na iyon. Hindi pa man niya nakikita ang lalaki ay hindi niya naiwasang ikompara ang sarili dito. Sabi ni Mariel, guwapo raw ito. Hindi hamak na mas guwapo naman siya siguro. Macho? Hindi hamak na mas maganda naman siguro ang katawan niya. Basta, mayabang na kung mayabang, mas lamang siya sa lalaking iyon.

Sa tuwing ini-imagine niya ang mga nangyari sa pagsabay nitong umuwi sa kaibigan niya base sa kuwento ng huli ay kumikirot ang puso niya. At kapag naiisip niya ang mga nangyayari sa eskuwelahan ay nababahala siya. Siguro ay panay ang kuwentuhan ng mga ito. Siguro ay sabay silang nanananghalian. Posibleng manligaw ito kay Mariel. At kapag nangyari iyon ay baka sagutin ito ng kaibigan niya.

Paano na siya kapag nagkataon?


"HINDI ka ba susunduin ng kaibigan mo?" tanong ni Gab kay Mariel habang nag-aayos siya ng mga gamit niya sa faculty room.

"Hindi 'yon. Sinabihan ko 'yon na huwag umalis ng bahay."

"Kung gano'n, ako na lang ang maghahatid sa 'yo."

Nginitian niya ito. "Thanks but no, thanks, Gab." Nag-ayos siya ng sarili.

"Magagalit ba siya?"

Napatigil siya sa paglagay ng face powder at muling napatingin dito. "Ha? 'Yon, magagalit?"

"'Yon naman pala, eh. 'Hatid na kita. Magkaibigan na rin naman tayo, 'di ba?"

Napaisip siya. "Sige na nga."

"Kunwari pa si Ms. Torres, magpapahatid din pala," sabi ng isang lalaking co-teacher nila, si Mr. Dantes, teacher sa Math. At ang panunukso nitong iyon ay ginatungan ng iba pa nilang co-teacher na nandoon.

Nainis siya pero hindi niya iyon pinahalata. Ayaw niya kasing tuksuhin siya sa iba. Gusto niya kay Andrei lang.

May naisip siyang paraan para tumigil na ang mga co-teacher niya pati na ang mga estudyante niya sa panunukso sa kanila ni Gab.


"THANKS," pagpapasalamat ni Mariel kay Gab nang makarating sila sa tapat ng bahay niya.

"You're welcome."

"'Pasok ka muna," aniya habang binubuksan ang gate. Nang mabuksan niya ang gate at pumasok ay sumunod ito sa kanya.

Pinaupo niya ito sa sofa pagpasok nila sa loob ng bahay. Tinanong niya ito kung ano ang gusto nitong inumin. Kape na lang daw. Tinanong din niya kung ano ang gusto nitong timpla sa kape. Kahit ano lang daw. Nagpaalam muna siyang magbibihis sandali bago nagtimpla. Pagbalik niya sa sala dala ang kape ay naabutan niya itong palinga-linga sa paligid.

My Heart Is Filled With You [PUBLISHED under PHR]Where stories live. Discover now