12

10.5K 185 20
                                    

NAG-RING ang cell phone ni Mariel. Si Gab ang tumatawag. Sinagot niya iyon.

"Hello, Gab?"

"Mariel..." Iba ang tono ng boses nito. "Hindi mo ba nami-miss ang mahal mong si Andrei?"

Kaagad niyang nakuha ang ibig nitong sabihin. Kaagad din niyang naalala ang pag-uusap nila nito na tila galit na galit ito nang banggitin niya ang pangalan ng kaibigan niya. At noong ipinakilala niya ang mga ito ay mukhang susugurin nito si Andrei.

Hindi ma-contact ang kaibigan niya. Walang nakakaalam kung nasaan ito. Posibleng nasa mga kamay ito ni Gab.

"Walanghiya ka, Gab! Ano'ng ginawa mo sa kanya?"

"Gusto kong pumunta ka rito. Ikaw lang... wala nang iba. Huwag na huwag kang magkakamaling tumawag ng pulis kung gusto mong makitang buhay ang mahal mo." Sinabi nito ang lugar na pupuntahan niya.

"Sige, i-ikaw ang masusunod," mahinahong sabi niya.

"Mabuti." Tinapos na nito ang tawag.

"Sino 'yon?"

"Si Gab. Nasa mga kamay niya si Andrei. Walanghiya siya!" matapang na sabi niya pero bigla siyang pinanghinaan ng loob. "Ate Annie, baka kung ano na ang nangyari kay Dre," umiiyak na wika niya.

Lalo pa sigurong nagalit si Gab dahil inamin niyang hindi niya ito mahal at si Andrei ang totoong nilalaman ng puso niya.

Niyakap siya ni Ate Annie. "Don't worry, Mariel. Maaayos din ito."

"Natatakot ako, Ate. Natatakot ako sa maaaring gawin sa kanya ni Gab." Siguro nga ay mabait ang pagkakakilala niya kay Gab. Pero ang taong mabait ay mahirap din kung magalit.

"Manalangin na lang tayo na walang mangyayaring masama sa kanya," pampalakas-loob sa kanya nito.

"Kapag may nangyaring masama sa kanya, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

"Huwag mong sabihin 'yan, Mariel."

"Susundin ko po ang sinabi ni Gab. Pupunta akong mag-isa roon."

"Kami na ng Kuya Gino mo ang bahalang tumawag sa mga pulis. Nasa likod mo lang kami."

"Salamat, Ate."

Sandali siyang nagbihis at bago umalis ay sinabi niya kay Ate Annie ang kinaroroonan ni Andrei.

"Mag-iingat ka," bilin nito.

"Kayo rin, Ate." Niyakap niya ito bago siya tuluyang umalis.


NAPATINGIN si Mariel sa abandoned building na sinabi ni Gab nang makarating siya roon. Lumang-luma na iyon. Napansin niya ang isang sasakyan sa gilid. Kotse iyon ni Andrei.

Dali-dali siyang umakyat.

Pagdating niya sa itaas ay una niyang nakita si Andrei. Kaawa-awa ang itsura nito. Marami itong pasa sa mukha, putok ang bibig nito. Tumakbo siya palapit dito at kaagad niya itong niyakap. Napasubsob siya sa dibdib nito. "D-Dre..." naiiyak na wika niya.

"Mariel, a-ano'ng ginagawa mo rito?"

"Tinawagan ko siyang pumunta rito," sabad ni Gab na lumabas mula sa isang kuwarto.

"Tarantado ka, Gab! Huwag mo siyang idamay rito." Bumaling sa kanya si Andrei. "Bakit ka naman kasi pumunta rito? Pabayaan mo na ako!" Tila nagalit pa ito dahil nandoon siya.

My Heart Is Filled With You [PUBLISHED under PHR]Where stories live. Discover now