Prologue

20.7K 356 51
                                    

He's quietly sitting, cold-eyed, on the floor of his parent's tomb. Nakaunat ang isang paa niya, ang isa ay nakabaluktot at nakapatong doon ang kanyang kamay. Nakasuot siya ng itim na long-sleeve polo, itim na pantalon at itim na sapatos. Kasing-itim ng suot niya ang ambiance ng paligid.

He is emotionally lifeless. His eyes is like a blank canvass, I can't see anything, even sadness on it.

Nakakaawa ang lagay niya ngayon.

Nakakalungkot. Subalit kung papanoorin ko lang siyang ganyan, walang mangyayari. Kailangan kong mag-isip ng paraan upang bumalik siya sa normal.

I have to make him happy and cheerful just like the old Aki.

I have to make him feel that there are still people who loves him.

I want to give him happiness.

Huminga ako ng malalim, then I bravely took steps forward to get close to him. Walang sinumang naglalakas-loob na lumapit sa kanya tuwing nasa ganito siya estado. Ako lang. Dahil makapal ang mukha ko. Dahil para sa'kin, tungkulin ko siyang alagaan.

Parang wala siyang nakikita. Parang wala siyang nararamdaman. Umupo ako sa kanyang tabi at tinapik ko ang kanyang balikat, ngunit tanging ang talukap ng kanyang mga mata at ang kanyang dibdib lang na nagtataas-baba dahil sa kanyang paghinga ang mga gumagalaw.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Mahinahong tanong ko. He's been sitting here the whole day. Hindi pa siya kumakain. Hindi siya umiinom ng tubig. Nag-aalala na akong baka magkasakit siya nito.

Naiintindihan ko ang pinagdaraanan niya. Nasasaktan din naman ako dahil parang Mama at Papa ko na din sina Tita Heven at Tito Kaizer. Pero maibabalik pa ba ang buhay ng kanyang parents?

Kahit ano'ng gawin niya... wala na sila.

I waited for his answer, but it seems like he didn't want to talk at all, so I sighed again.

"Ano'ng gagawin ko sa'yo, Aki? Tell me what should I do to comfort you."

I have no right to ask this. I'm not someone special for him. I'm just a friend since childhood, I'm also just his office secretary. Pero nangako ako sa Papa ko na kahit ano'ng mangyari hindi ko tatalikuran si Achilles; na ibibigay ko ang loyalty sa kanya na kagaya ng ibinigay din ni Papa kay Tito Kaizer; Na magiging kaibigan ako hanggang sa dulo.

Kaya hindi ko siya pababayaan.

I felt a sudden relief when his head finally moved and he set his cold and soulless eyes on me.

"Sleep with me." He said.

===================
===================

Add me on FB ㅡ Ibetyouknowme Msa
Instagram ㅡ @ibetyouknowme

~IBetYouKnowMe

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon