Chapter 13: Aalamin ko ang mga itinatago niya!

7.2K 201 29
                                    

Ilang beses akong napailing sa loob ng isang oras na pagtitig lang sa monitor ng desktop computer. Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hindi ako makapag-isip ng tama. Kanina pang umaga distracted ang isip ko dahil ㅡ yata ㅡ kaya Aki at kay Marikit. Sirang-sira ang mood ko dahil sa kanila.

Anyway ㅡ magsama silang dalawa!

Napahawak ako sa magkabilang sentido ko nang mag-ring ang aking cellphone. I looked at it and saw that the private investigator ㅡ whom I hired to dig into Marikit Dumagit's life ㅡ is calling me.

Baka may progreso na ang trabaho nito kaya tumatawag. Mabilis ko itong sinagot.

"Kuya Scoth, kumusta?" Pambungad ko. Kapatid siya ng bestfriend kong si J-Lo, at medyo close kami kaya nakiki-Kuya na din ako. He's working as SPO2 in the Philippine National Police. Kuya Scoth is 32 years old, has a wife and three children. Katulad ni J-Lo, mabait siya at mapagkakatiwalaan.

"Nahanap ko na ang apartment ni Dumagit. Ano'ng gusto momg gawin ko?"

"Sunugin mo! ㅡ hindi ㅡ joke lang po. Sa'n ba yan?" Nagsimula ako sa pagpapahanap kung saan nakatira si Marikit ngayon. Ipinahanap ko na kasi yung current residence na nakalagay sa resume nito, pero wala na daw ito doon. Kailangan kong malaman kung sa'n ito nakatira nang sa gayon, malaman ko kung ano'ng mga ginagawa nito... kung ano'ng mga sikreto nito.

Aalamin ko ang mga itinatago niya!

"Dito sa Quiapo. Pupunta ka ba?"

I checked my schedule for today, and luckily, wala naman akong importanteng gagawin kundi mag-ayos ng daily reports. I think I can rush that this afternoon.

"Sige, Kuya. Pupunta na ako diyan."

Dala ang cellphone at handbag, nagmadali akong lumabas ng opisina. Sinabihan ko na lang ang assistant ko na may importante lang ako lalakarin saglit. Then I drove my Civic all the way to Quiapo.

Sa gilid ng isang makipot na kalsada ako nag-park, sa likod lang ng Vios ni Kuya Scoth. Sinalubong niya ako kasama pa ng isa niyang katrabaho. They escorted me to Marikit's apartment.

Makitid lang ang daan papasok. Attentive ako sa paglalakad dahil hindi sementado ang daan, nagkalat pa ang mga dumi ng aso. Dikit-dikit ang mga bahay dito. Maraming iba't-ibang klase ng tao. Maingay. Mausok. Hindi kaaya-aya ang amoy.

"Dito 'yun." Sabi ni Kuya Scoth nang makarating kami sa tapat ng dalawang palapag na bahay. May apat itong pinto ㅡ dalawa sa baba, dalawa din sa taas. Ginawang sampayan ang harap ng mga pinto. May mga bintana ang bawat kwarto na nahaharangan ng metal grille.

Dito pala nakatira si Marikit. Not bad. Pero magkano naman kaya ang upa niya rito?

"Ano po 'yon? Naghahanap po ba kayo ng kwarto?"

Napatingin ako sa isang babaeng lumapit sa amin. Naka-spaghetti shirt ito at nakasuong ng maong shorts na parang kita na yung singit pag bumukaka. Bata pa ang mukha nito. Siguro, isa itong college student.

"Ah, hindi. Hinahanap lang namin yung bahay ni Marikit Dumagit. Kilala mo ba siya?"

"Opo. Ito yung kwarto niya." Itinuro nito yung kanang kwarto dito sa ibaba. "Kaya lang, pumasok yun sa trabaho. Mamayang gabi pa ang uwi. Ano po ba'ng sadya niyo sa kanya?"

"Actually, gusto lang sana naming malaman kung may kasama ba siyang nakatira dito." I directly said. Wala nang paliguy-ligoy. Hindi ako pumunta rito upang magsayang ng oras.

"Aah... pwede ko ho bang malaman kung bakit?" Mukhang nag-aalangan siyang magbigay ng sagot. Kunsabagay, naiintindihan ko siya. Paano pala kung miyembro kami ng sindikato?

Yumuko ako upang hugutin ang aking Company ID sa bag, tapos ipinakita ko ito sa kanya.

"Empleyado namin si Marikit. Wala kasi siyang inilagay sa system namin na pwedeng kontakin in case of emergency kaya sumadya kami dito. She was rushed to the clinic this morning. Wala ba kaming pwedeng makausap na kasama niya diyan?" Pinilit ko talagang wag mag-adlib o mautal, at ginawa ko ring professional na professional ang boses at facial expression ko. See, this is the kind of white lie I'm saying.

"Hah? E, mag-isa lang niya diyan, Madam. Nagpupunta rito yung boyfriend niya pero hindi araw-araw. At madalas gabi na din kung dumarating yun."

"Boyfriend?" Medyo nagulat ako. Sa pagkakaalala ko kasi, sinabi noon ni Marikit na si Aki lang ang lalaking nakasama nito. Mukha ngang may lokohang nangyayari. Aba, aba. This is exciting!

"Opo." Napakakaswal na sagot nitong babae. Di niya alam, nagsisiwalat na siya ng isang confidential matter. Pero sige lang, may kapalit yang biyaya kapag na-satisfy ako.

"Pero di ako sure, Madam, ha? Matanda na kasi yung pumupunta dito. Sugar Daddy ba. Siguro may kwarenta na yun o higit. May itsura pa rin naman, at syempre madatung. Nakita ko na nga yung magarang sasakyan nun e. Imposible namang Tatay niya yun kasi 'Hon' ang tawagan nila." Chismosang-chismosa ang dating nitong batang 'to. Baka mas magaling pa itong sumagap ng impormasyon kesa sa mga private investigators.

"Galing dito yun nung isang araw. Diyan natulog tapos umalis din bago lumiwanag. Ang narinig ko nga, parang magkaka-baby na sila e. Basta nagtatalo sila noon tungkol sa kung paano na yung bata. May third party yata na involved kasi. Hindi ko lang alam kung sa side nung lalaki o kay Marikit."

"Alam mo ba kung ano'ng pangalan nung lalaki?" Tanong ko sa tonong pormal. Syempre hindi pwedeng magmukha din akong chismosa rito. Dapat ma-sink in sa utak niyang may nangyari lang talaga kay Marikit kaya ako naghahanap ng tao.

"Umm... Narinig ko na yun minsan at kung hindi ako nagkakamali... tinawag siya ni Marikit na... Damian. Oo, Damian yata, o Danny. Basta po nagsisimula sa Da. Hehehe."

Damian. Nasa edad kwarenta pataas. Sana nagkakamali ako pero, gusto ko rin malaman kung tama nga ang nasa aking isip.

Inilabas ko ang aking cellphone at nagbukas ng profile ng isang Hallsan Corporation's Board of Director.

I clicked his picture then flashed the screen to the young girl. Nagliwanag ang buong mukha niya.

"Yan! Damian Diokno. Opo, siya nga yung boyfriend ni Kit."

Umangat ang isang gilid ng aking labi. Huli ka, balbon!

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon