Chapter 46: It must be their souls!

5.6K 154 11
                                    

"Nasa'n yung spare key?!"

Umalingawngaw sa buong bahay ang boses ni Aki. Pinipilit niyang buksan ang pinto ng misteryosong kwarto ng kanilang vacation house pero gaya ng inaasahan ko ag naka-lock iyon.

Earlier, I told him what I am suspecting about this room. Na kung hindi multo yung narinig ko, maaring may nagtatagong mga tao dyan. Which is kahina-hinala nga kasi sino naman kaya'ng mga tao ang pwedeng magtago dyan sa loob at bakit?

"Sir Aki..." Dumating si Old Chief Salcedo na nauna nang tinawag nung maid na sinigawan kanina ni Boss. Buti na lang, hindi dumating sina Papa ngayong araw. Pero naniniwala akong nakarating na sa bahay ang balitang nandito si Aki, kasi nakita na siya ng mga katulong, nalaman na din ni Old Chief Salcedo na nandito siya. Wala kaming takas sa mga mata ng Papa ko.

But I'm pretty sure, nagbubunyi na ang mga kapamilya ko ngayon. Ito naman ang gusto nila, hindi ba?

"Akin na yung spare key." Pigil ang galit na sabi ni Aki.

"Sir, hindi namin pwedeng ㅡ "

Tinalikuran ni Aki ang matanda tsaka niya tinadyakan yung pinto. Napahiyaw yung isang katulong na nagulat. Nataranta lahat ng mga maids, but Old Chief Salcedo remained tranquil.

Natakot ako ng bahagya nang tuluyan nang masira ni Aki ang pinto. Woah! Ang lakas pala niya e. Nagawa niya gibahin ang pinto gamit ang paa niya. Amazing! But my amazement suddenly vanished nang mabuksan na nga ang kwarto. Kumalansing sa sahig ang mga nasirang parte ng doorknob. Kasabay no'n ay ang pagsingaw ng napakalamig na hanging nagmumula sa loob.

"There's nothing in here, pero bakit naka-on yung aircon?"

Nakapasok na si Aki sa loob kaya sumunod din ako. Shocking! Walang tao dito. Walang kahit na ano kundi mga gamit na natatabunan ng mga puting tela. Malamig dahil nakababa sa 18 yung thermostat. Jusko!! So, ano pala yung narinig ko kahapon? Multo? Hallucinations ko lang ba o imagination?

Aki stared at me intently. Why, o why? Baka iniisip na niyang napaparanoid ako? Na nababaliw na ako? Jusko! Dapat hindi ko na lang pala sinabi sa kanya ang pakiramdam ko tungkol dito sa kanilang vacation house. Nakakahiya!

"Hindi ho namin pinapatay ang aircon para hindi madaling pumasok ang alikabok dito." Pahayag ng pinakamatanda sa mga maids habang pinupulot nito ang nagkalat na mga parte ng doorknob.

Aki checked on the bathroom, at habang nandoon siya, napaskil ang tingin ko sa malaking wedding picture nina Tito Kaizer at Tita Heven na naka-hang sa dingding. Kinilabutan ako, I think hindi lang dahil sa lamig ng aircon. Kinilabutan ako dahil naalala ko ang mga boses nila. The f---!! Hindi ako maaaring magkamali, boses nila ㅡ boses nila yung narinig ko dito kahapon!

Then, it must be ㅡ it must be their souls!!

Nagparamdam sila sa'kin?!!!!

Jusko!

Sa sobrang takot ko, nawalan ako ng malay.

Five days pa ang dumaan bago ako tuluyang naka-recover sa operasyon at bumalik sa opisina. Marami akong na-missed na trabaho, kaya hindi na ako nagtaka nung makita sa desk ko ang nakatambak na paper files. Hay! Maghapong upo na naman ito.

"Buti naman nakabalik ka na, Mam Thea. Okay ka na ba? Nabaril ka daw." Chariss sound so concerned, but she also showed happiness for me pagkapasok niya.

"Mmm." I nodded. "Malayo naman sa bituka yung tama ko kaya hindi ko ikinamatay yun." Pabiro kong sagot. Although actually, napakalapit na nun sa bituka. Ayon kay Aki, ni-revive pa daw ako ng mga doktor dahil nag-flatline na ako pagkatapos ng operasyon. Luckily, ang medyo masamang damo ay medyo mahirap ding mamatay.

"Masaya ako na walang nangyaring masama sa'yo. Anyway, Mam, may meeting kayo sa boardroom at 8:30. 10 minutes na lang."

Napataas ang kilay ko. Kaaga-aga a. Kababalik ko pa nga lang tapos makikita ko na agad-agad yung mga panot sa boardroom? "Tungkol saan ang agenda?" Tanong ko habang tinitingnan ko ang mga nagkapatung-patong na files sa ibabaw ng desk ko.

"Ipapakilala ang bagong CFO?"

"CFO?" Huminto ako sa ginagawa ko at tumingin kay Chariss.

"Oo, Mam. Nag-resign na kasi si Miss O'neill 4 days ago."

"Sigurado ka? Pero bakit?" Nagugulat at nagtataka kong tanong. Why did Allyson suddenly resign from work? Knowing her, even for a couple of years only, dedicated at loyal ito sa trabaho. Wala ding nabanggit si Aki tungkol doon.

"Hindi ko din po alam. Mam, tara na sa boardroom."

Sabay kaming pumunta sa boardroom. Curious ako kung bakit nag-resign si Allyson, pero mas curious ako sa kung sinong kapalit niya sa pwesto bilang Chief Financial Officer.

Binuksan ni Chariss ang pinto para sa'kin. Pumasok ako at nakita ko agad-agad ang mga masasamang tingin sa akin ng mga panot na BoD's. Hay. Parang may malaki akong kasalanan sa kanila a.

I ignored the oldies, and swayed my eyes to Aki who's sitting in front, then to the woman sitting on his right who looks familiar.

Tumayo ang magandang babae at nginitian ako. Tapos tumayo din si Aki at tumingin sa'kin.

"Meet our new CFO..." He said, with a po-faced expression. "Miss Caitlin Venturina."

Shocks! Kung hindi ako nagkakamali, siya yung bunsong anak ni Director Venturina. At sa pagkakatanda ko, siya yung babaeng gustung-gusto ni Lolo Vincent na maging asawa ni Aki.

May MUTUAL UNDERSTANDING sila ni Aki noon.

Jusko! Ilayo niyo sa the-usual-wattpad-or-Kdrama-plot ang kwento ko!!!!

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon