Hindi ko alam kung ano'ng iisipin ko pagkatapos kong malaman na may koneksyon si Mr. Diokno sa babaeng nagsasabing nabuntis ni Aki. I want to believe na sineset-up lang niya si Boss upang mapababa ito sa pwesto, but I still need an evident proof. Kailangan ko ng ebidensyang makapagpapatunay na may relasyon nga sila ni Marikit at hindi lang basta chismis. Kailangan ko rin malaman ang totoong motibo ng dalawang iyon.
"Salamat sa oras. Kakausapin ko na lang siguro si Marikit. Pero sana atin-atin na lang ang napag-usapan natin." Sabi ko sa babae, sabay ako ng isanlibong piso. Sapat na siguro 'yon upang itikom niya ang kanyang bibig.
Tinanggap niya iyon nang may malaking ngiti at halos lumuwa ang mga mata.
"Sige po! Ang galante niyo naman. Salamat ho, Madam. May allowance na ako this week."
Ngumiti lang ako bago ako umalis kasama sina Kuya Scoth. Tao nga naman o. Kung propesyonal o matino siyang babae, dapat nagtataka siya kung bakit ko siya inabutan ng pera. Pero hindi na rin ako nagulat, marami talagang nasisilaw sa salapi.
"Thank you, Kuya Scoth. May isang bagay pa sana akong ipapagawa." Pahayag ko nang makabalik kami sa kung saan nakapark ang aming mga sasakyan.
"Anything, Thea." Masipag talaga si Kuya Scoth. Sana naman this time tanggapin na niya ang bayad ko. Madalas kasi kapag may ipinapakisuyo ako sa kanya, ginagawa niya ng libre. E ngayon, medyo malaki-laking bagay itong inaaayos namin. Marami na ring oras ang naigugol at igugugol pa niya rito.
"Pasusundan ko sana si Mr. Damian Diokno hanggang sa makakuha kayo ng pruweba na magkasama sila ni Marikit Dumagit. I need to know their real relationship. I also need to know their plans against Achilles and the Company. I'm willing to give an extra compensation for this ㅡ "
"Thea, hindi na kailangan. Malaki ang naitulong mo sa kapatid ko noong nag-aaral kayo sa college. Sa ganito lang ako makakabawi." He sincerely stated. Hindi pa rin pala niya nakakalimutan. Ako nga, hindi ko na iniisip yun e. Kagustuhan ko namang tulungan si Jessa Louise tuwing nangangailangan ito ㅡ financially, emotionally, morally ㅡ, dahil bestfriend ko ito.
"Ikaw ang bahala, Kuya. Basta balitaan mo ko agad kapag may bagong impormasyon. Kailangan ko nang bumalik sa office."
"Sige, sige." Si Kuya Scoth na ang nagbukas ng car's door para sa'kin. Hinintay muna nila akong makabwelta bago ko sila nakita sa rearview na sumasakay sa kanilang kotse.
Mabilis akong nakabalik sa Hallsan Building dahil hindi gaanong traffic sa daan. Nag-park ako sa basement. Pagkalabas na pagkalabas ko ng sasakyan, nag-ring ang cellphone ko. At dahil pre-occupied ang utak ko tungkol kina Diokno at Dumagit, sinagot ko na lang ang tawag basta-basta kahit na unregistered yata yung number.
"Hellㅡ"
"Sweetheart..."
Napahinto akong bigla sa paglakad. Yung nakakainsultong boses sa kabilang linya, at yung salitang binitawan nito... Those are actually two of the things that I wanted to take out of my memories. But I think, they're just coming back, he's coming back.
"Don't stress yourself so much. Baka pumangit ka niyan." I can feel that he's grinning on the other side of the line, kung saan man siyang lupalop naroon.
"What do you need? After a year, bigla kang magpaparamdam. Ano'ng kailangan mo?" This man is my one and only EX-boyfriend. Niligawan niya ako noong nasa Second year level ako ng College. Sinagot ko siya after Eight Months at nagtagal kami ng halos dalawang taon. Ako ang nakipaghiwalay sa kanya kasi habang tumatagal kami, unti-unting nagbabago ang anyo niya. Hindi siya si Beast na pangit at kinakatakutan dati tapos magiging gwapo at mamahalin sa huli. Siya yung tipo ng lalaki na sa una lang magugustuhan dahil maraming nakakatakot sa kanya ㅡ sobrang dami.
"Ikaw ang kailangan ko, Juno Althea. I need you so bad." He clearly said but lacking sincerity.
"Sorry. Pero hindi mo ko makukuha sa mga pagbabanta mo." Sagot ko. Kailangan niya ako, in what way? Ano ba ang kailangan ng isang lalaki sa isang babae? Love? I don't think so. Wala na ako nun para sa kanya. Kung katawan ko naman... pasensyahan na lang kami dahil mas lalong wala akong maibibigay. Siya nga siguro ang first boyfriend ko, siya ang first kiss ko, pero dumating na ako sa puntong hiniling ko na sana hindi na lang siya.
"Pagbabanta?... Ahh, yung kay CEO Aki?" I heard him chuckling. Ano ba to sa kanya, biro?!
"Gagawin ko yun, Thea. Kapag hindi kita mababawi ng madali sa kanya, hindi ko maipapangakong hindi siya mapapahamak." Now, his tone became serious and vehement. Bigla akong nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan at pangingilabot. He's not really serious, right? If he is, I hope hindi kami aabot sa ganon.
"What are you talking about? Aki is just my friend and my Boss. Hindi mo ko mababawi sa kanya dahil hindi naman niya ako pag-aari. At hindi mo rin ako mababawi dahil hindi rin ako sa'yo."
He's crazy. He is just under the influence of drugs. Nasa China pa rin siya at hanggat wanted siya sa mga pulis, alam kong hinding-hindi siya makakabalik sa bansa.
"Babawiin kita. Babawiin kita sa kahit na ano'ng paraan. Alam ko ang bawat galaw mo, Thea. Nasa Pilipinas na ako. Malaya ako. Malayang-malaya akong sundan ka."
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
General FictionAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...