Busyng-busy sa pag-uusap-usap ang members of the Board nang pumasok ako sa boardroom. Natahimik silang lahat nang tumingin sa'kin ang kanilang mga iritadong mata. Akala siguro nila, ako na ang hinihintay nilang Boss.
"Secretary Villavicencio, nasa'n na si Mr. Buenavista? Kanina pa kami naghihintay."
8:30 kasi ang simula ng board meeting. Paanong hindi male-late si Aki, e ayun, naliligo pa lang. Huh! Nag-uwi-uwi pa kasi ng dalawang babae.
"It's already 9 on the clock. Did you contact him?"
Hindi lang kinontak. Pinuntahan ko pa sa bahay niya. Kaya lang, nakalimutan kong ipaalala na may Board meeting pala ngayon.
"Our agenda is an urgent matter. Bakit siya nagpapa-importante?"
Oo nga. Masyado na siyang pa-VIP. Pero di ba VIP naman siya sa kumpanyang 'to? Siya ang Boss! Pero hindi pa rin niya dapat pinaghihintay ang pretihiyosong Board of Directors!
"Ah... Parating na rin siya..." Sabi ko kahit hindi naman talaga ako sure. Malay ko ba kung nandun pa sa bahay niya yung devil na yun. "...ano kasi... pinulikat lang siya! Maghintay na lang tayo saglit."
"That is a non-sense reason! Bakit ba tayo binigyan ng walang-kwentang CEO?" Napataas ang isang parte ng labi ko dahil sa sinabing yun ni Mr. Diokno, na tinangu-tanguan pa ng ibang members. Aba! Matapang sila dahil wala si Boss dito. Isumbong ko kayo e.
"Mr. Diokㅡ..."
"Sorry, I'm late."
Babarahin ko na sana si Mr. Diokno pero biglang pumasok si Mr. Buenavista. Nakasuot na ito ng corporate black suit at gray na necktie. Bilis-bilis naman pala niyang magbihis e. O, ano ngayon ang mga Directors? Natahimik sila.
Umupo na siya sa pinakaharap.
"Ay, Boss Aki, may sinasabi si Diokㅡ I mean, Mr. Diokno..." Dapat na malaman niya ang mga saloobin ng Board, nang gayon alam niya kung paano niya i-i-improve ang kanyang sarili di ba?
"Sabihin mo na Mr. Diokno. Di ba may sinasabi ka kanina?" Tinaasan ko ito ng dalawang kilay. Sumama ang tingin nito sa'kin at umiwas while the other members of the Board cleared their throats. Ang yabang-yabang nila kanina, ngayon parang tuta na silang sinaktan.
"Boss, ang sabi ni Mr. Diokno ㅡ"
"Ah, Chairman..." Singit agad ni Mr. Diokno sa mahalumanay na boses. Huh! Napakaplastik, ka-lalaking tao. "As B of D, we actually do not tolerate tardiness. You can see some of our shareholders here. Nakakahiya naman kung pinaghihintay natin siㅡ."
"Hindi naman yun, Mr. Diokno. Yung huling sinabi mo bago pumasok si Boss." Sabi ko sa kanya.
"Ah, kasi, Chairman ㅡ."
"Let's just proceed with the agenda." Sabi ni Aki kaya wala nang nakaangal. May laban ba sila sa CEO at Chairman of the Board pa na isa ding Stockholder? Syempre wala. Pag siya na ang nagsalita, nganga silang lahat!
Pagkatapos ng Board meeting, diretso siya sa kanyang office sa 12th floor. Sumunod ako sa kanya sa loob. Naupo siya sa harap ng desk niya.
"Tumawag pala si Psyche kagabi. Tinatanong niya kung uuwi ka ngayon." I informed him nang maalala ko ang pagtawag sa'kin ng kapatid niya. Hindi raw siya nito makontak. Malamang! Dala-dalawa ang pinagkaabalahan niya kagabi e.
"Tell her that I'm busy today." Inabala na nga niya ang sarili niya sa pagbuklat ng ilang files na nasa ibabaw ng kanyang desk.
"I told her that you're going home today." Napaangat ang ulo niya kaya ngumiti ako ng matamis. Today is a very special day for his family kaya hindi niya pwedeng ma-miss ito.
"Sinasabi naman sa'yo ni Philipp ang schedules ko, di ba? Why did you make her hope for nothing?" Ako ba ang nagpapaasa sa mga kapatid niya? Ilang linggo na kaya siyang hindi umuuwi sa Quezon.
"I cleared all your schedules today, Mr. Buenavista. Naghihintay sa'yo ang mga kapatid mo. Mas maganda kung sama-sama kayong bumisita sa puntod ng ㅡ "
Bigla niyang itiniklop ang folder na binubuklat niya. His face have darkened right away kaya napatigil ako. Madaling magbago ang mood niya kapag talaga ang yumaong parents na niya ang pinag-uusapan.
Pero kailangan kong ipaalala sa kanya ang araw na ito dahil inaasahan siya ng kanyang mga kapatid. Buti sana kung hindi ako ang kinukulit ng mga ito. Ako naman palagi ang tinatawagan ng mga ito sa tuwing hinahanap nila ang kanilang Kuya.
"Get out." Malamig pa sa North Pole ang pagkakasabi niya. No choice. Hindi ko naman siya mapipilit e.
Umikot na ako at naglakad palapit sa pinto, pero bago ko iyon buksan, tiningnan ko muna siya ulit.
"Remember that today is also their Wedding Anniversary." Paalala ko saka na ako tuluyang lumabas. Pabalibag kong isinara ang pinto. Kung ayaw niyang sariwain yung ala-ala ng parents niya, di wag!
Tutal half-day lang naman ako ngayong araw, ako na lang ang uuwi sa Quezon. Ako na lang ang sasama sa mga kapatid niya, tutal, parang kapatid na rin naman ang turing ng mga ito sa'kin.
Bumalik na muna ako sa opisina ko para mag-record ng ilang documents bago ako bumaba sa ground level. Paglabas ko ng elevator, siya ring paglabas ni Aki sa kabilang elevator.
"Uy, magla-lunch ka na?" Tanong ko pero di niya ko pinansin. Diretso lang siya sa paglakad papuntang lobby, but he stopped when our CFO or Treasurer approached him.
Siya si Alysson O'niell. Pang-model lagi ang kanyang dating. Nakasuot siya ng squarepants na black and white stripes, white sleeveless blouse, blazer na black, at peep-toe shoes. Wavy ang buhok niyang parang laging napapasalon.
Mabilis akong lumapit sa kanila nung mag-start silang mag-usap.
"...we can talk about the financial issues over lunch." Narinig kong pahayag ni Allyson.
Financial issues? If I know, may gusto lang siya sa Boss namin. Di ko nga lang alam kung may nangyari na sa kanila e. Baka nga meron na.
Lahat naman pinapatulan ni Aki kapag lasing siya. Ako lang ang hindi pumapatol sa kanya kahit ilang beses na niya akong sinubukang ayain.
Di po kasi ako easy-to-get.
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
General FictionAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...