Chapter Twenty-one

110K 2.6K 70
                                    

Nics’ POV

Hay, I’m trying to relax. Kasi naman kapansin-pansin ang pagiging sweet nitong kaharap kong babae kay  Zach. Tumingin nalang ako sa kumakanta para ma-divert ang atensyion ko. Inakbayan naman ako ni Zeb at palihim na binubulong sa akin kung ok lang ako.

Kumanta na rin si Sam, natawa talaga ako kaya pala hindi kumanta nun si Ara sa Camsur, siya lang ata kasi ang di biniyayaan ng boses na nasa tono. Magaling din kasi si Sam kumanta.

I felt uneasy nung na kay Zach na ang mic. Tumingin siya sa akin bago nag-punch ng number sa machine.

Napatingin nalang ako sa ibang direksyon.

Zeb faked a cough. Napansin niya ata.

Bumalik siya sa upuan niya, agad namang yumapos sa braso niya yung Blaire bago siya nag-umpisang kumanta. Tiningnan ko nalang ang monitor ng videoke machine.

He started singing. [Maybe by King]

 

There I was, waiting for a chance

Hoping that you'll understand

The things I wanna say

But my love

Stronger than before

I wanna see you more and more

But you close the door

 

 

Umpisa palang ng kanta, pinagpawisan na ata ako. Naalala ko ang pag-uusap namin sa hagdan ng hotel.

Why don't you try

to open up heart

I won't take so much of your time.....

“Parinig to the max!”-bulong ni Zeb.

“Di naman siguro!”-sagot ko naman.

“You’ll never know!” saad naman nito.

“Nagkataon lang siguro.”-pilit ko pa rin.

“If you say so.”pagtatapos naman nito sa usapan.

Maybe it's wrong to say please love me too

Coz I know you never do

Somebody else is waitin' there inside for you....

Maybe it’s wrong to love you more each day

Coz I know it’s here to stay....

But I know to whom you should belong....

Napasulyap siya sa akin. Gosh! I think nagblush ako. Napatingin din sa akin yung Blaire. Sinalubong ko naman ang titig niya. Nakita ko siyang umirap. Hinayaan ko nalang.

Sumunod namang kumanta si Blaire.

“This song is for Zach!” malambing nitong saad. Nagpalakpakan naman ang iba.

Seriously? Hmp! Kailangan may dedication? Si Zach ba may anniversary? Napaismid ako. Kinurot naman ako ni Zeb. Napailing nalang ako. Talaga yatang tinitingnan ni Zeb ang bawat galaw ko. Hinampas ko nga siya at pinandilatan. Tumawa lang ang baklita. Kainis!

“Weak” ang title ng kanta ni Blaire. Unfair talaga! Maganda na nga, maganda pa ang boses.

Nung iabot sa akin ang mic umiling ako. Ayoko talagang kumanta. Wala ako sa mood.

Her Mystery ManOnde as histórias ganham vida. Descobre agora