Chapter Forty

116K 2.5K 40
                                    

Nics’ POV

Busy kami sa pag-iistima ng mga bisita nang makita kong maya’t maya’y napapakamot sa batok si Zach.

“May problema ba?” tanong ko. He looked at me with irritation.

“Are we gonna wait till these people disappear?” nayayamot nitong tanong.

“Why?”

“Alis na tayo!” Saad niya.

“Can’t wait for the honeymoon, huh?” Zeb chuckled. We turned to see him. Nasa likod pala namin sya.

“Sige na umalis na kayo, ako nang bahala dito.” Kindat niya kay Zach.

Lumiwanag naman ang aura ng isa at tinapik ito sa balikat.

“Thanks man!”

“Man?Eww!”

Napatawa kaming dalawa kay Zeb. Landi-landi talaga ng loka.

I looked at Zach. Agad naman niya akong hinila papunta sa exit ng function hall nang di napapansin ng iba.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinititigan siya. Tutok na tutok siya sa daan. Ang bilis niyang magpatakbo. Medyo malayo kasi ang hotel sa bahay.

“Finally!” saad niya pagkarating namin sa bahay, our dream house. Niluwagan niya ang suot na necktie. Napasigaw ako ng bigla niya akong buhatin paakyat ng hagdan.

“Kelangan talaga buhatin ako?” natatawang tanong ko.

“Para wala kang maisumbat na di kita binuhat ng pangkasal.” He said then chuckled.

“Ibaba mo na ako!” Para kasing ang taas ng hagdan baka mapagod siya.

He smiled.

“Later babe!” he said saka ako kinintalan ng halik sa labi. Napangiti naman ako. I must say, I’m really happy with this man.

Pagkapasok namin agad niya akong ibinaba sa kama at hinalikan sa labi.

“Dito na talaga ang honeymoon natin?” biro ko nang maputol ang aming halikan.

“Nope!” he said curtly and undressed himself hanggang boxers nalang ang natira. I was just watching him.

“Come here, I’ll help you remove your gown.” He said at hinila ako patayo. Pumuwesto siya sa likod ko then unzipped it. It fell down on the floor. He wrapped me in his arms.

“I love you so much, babe!”  I felt his warm breath at my nape.

“I love you, too, so much!  Ay!!!” napahiyaw ako dahil bigla nalang niya akong binuhat papasok sa banyo.

Hindi ko maramdaman ang lamig ng tubig na bumubuhos sa katawan ko dahil sa init ng halik niya sa akin. Kasabay ng lagaslas ng tubig ang paglakbay ng mga kamay namin sa katawan ng isa’t-isa. Tinanggal ko ang natitirang saplot sa katawan ko. Napangiti siya ng sunod kong tinanggal ang suot niyang boxers.

“Do you wanna do it here?” he asked.

Sinuntok ko siya sa braso.

“Hey! Why?” natatawa niyang tanong. Inirapan ko nga siya. Seriously? Wala siyang balak ituloy ang ginagawa namin? Hmp!

Tumawa lang ang loko. Nakakainis!

“Wag ka nang magtampo.” Niyakap niya ako at hinalikan sa leeg. Nakiliti tuloy ako. Haha! Landi ever!

“When was your last period?” he asked looking at me.

“A week ago…”

“Good!” he said then continued kissing me.

And the rest is history!

Kinabukasan nagtungo na kami sa airport for our honeymoon trip in Paris… It’s my first out of the country trip with him and I know it would always leave a mark in me.

Shortly after magtake-off ang plane nung makatulog siya. I opened my pink diary and flipped the pages.

My Note (Second Year HS)

Ang saya! Kahit Saturday nakita ko si Zach!

Papunta kasi ako sa computer shop nina Accel para ibalik ang CD na hiniram ko para sa project namin at ayun nga nakita ko si Zach na palabas ng shop. Ang gwapo niya talaga! Yung puso ko biglang tumalbog na parang bola. Hohoho!

Napangiti ako. Ang corny ko pala nun. Hehehe! I looked at the back page.

Zach’s Side of Story

                Nakasalubong ko si Nicasia nung palabas ako ng shop ng classmate niyang si Accel. Sana hindi niya malaman ang ginawa ko. Tinakot ko lang naman siyang bubugbugin ko siya pag di siya tumigil sa panliligaw kay Nicasia. Medyo evil pero ganun talaga, akin lang si Nicasia. Hehehe! 

 Napamaang ako. Kaya pala bigla nalang akong hindi kinakausap dati ni Accel. Hindi naman siya nanligaw sa akin ah, ang alam ko mabait lang talaga siya kaya close ako sa kanya.

I looked at Zach sleeping at my shoulder. I smiled. Inistalk ko siya dati pero diko alam ako din pala binabantayan niya.

“Hey, ba’t dinala mo pa yan?” inagaw niya ang notebook. Gising na pala siya.

“Wag mo nang basahin, baka manghinayang ka lang!” saad nito.

He may be right. Nakakapanghinayang naman talaga kasi.

“We’ll gonna make a lot of memories that will make us both realize that it’s worth the wait! I’ll let you see what paradise means everyday of our lives.” he said and kissed me on the forehead. I smiled at humilig sa dibdib niya. He’s right! This mysterious man is right!





[A/N: Thanks for reading everyone! I hope I gave atleast a little justice to Her Mystery Man – Zach!]

Her Mystery ManΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα