EPILOGUE (2)

150K 3.6K 246
                                    

Zach’s POV

 

I stopped the car engine.

Agad na sumalubong si Nicasia karga si baby Zachia (za-chee-yah). This is what I’ve always dreamed of before. Yung uuwi ako ng bahay from work at sasalubungin ako ng mag-ina ko with a hug. I held Zachia in my arms.

“Dad-da!”

 

 I smiled. Nakakapagsalita na siya ng paunti-unti. She’s turning one nextweek.

Parang kailan lang nung nalaman kong buntis si Nicasia. Kapag naalala ko ang moment na yun. There is still the same joy inside me. At talagang binilang ko ang araw na wala siyang period. I’m glad that God grant my wish na mabuntis siya agad.

I kissed my little baby on the cheek. Napatawa kami pareho when she chuckled. It’s the sweetest sound ever. I looked at Nicasia. She seems so happy.

“Thank you babe!” I mumbled before I kissed her on the lips. Nagpaubaya naman siya.

“For what?” she asked matapos maghinang ang aming mga labi.

I smiled.

 “For making my dream come true.”

Napangiti rin siya.

 “Di ba sabi ko dati, I don’t want you for a girlfriend?”

“Yeah, I remember that!” she pouted. I pinched her nose.

“Actually, dati pag nakikita kita, I never imagined you as my girlfriend. I’ve always imagined a scene like this.”

Napamaang siya.

“Yung sasalubungin mo ako kasama ng mga anak natin pagdating ko galing ng office.” I smiled.

“Really?” I saw her lips formed a smile.

 “Oo, kaya dapat sundan na natin si Zachia.” I winked at her.

“Kaw talaga!” Natatawa naman niya akong sinuntok sa braso. Buti hindi masakit ang suntok niya dahil may kasamang lambing. I lightly pinched her butt.

Napapiksi naman ito.

“Ang bastos mo!” sigaw niya.

Dali-dali naman akong lumayo habang buhat-buhat si baby. Siya naman nakasimangot lang dahil di ako naabot ng suntok niya.

Natawa kami pareho ng tumawa si baby.

.

.

.

.

.

They look so cute while sleeping peacefully. Nakuha ni Zachia ang mga mata, mahahabang pilik-mata at curly hair ni Nicasia. Yung iba sa akin na nakuha ni baby.

“I love you my baby Zachia!” I whispered saka dahan-dahang binuhat si Nicasia at sinenyasan ang nanny na buksan ang pinto.

Nic’s POV

I slowly opened my eyes. Ibinababa pala ako ni Zach sa kama kaya para akong nalulula. Pinapatulog kasi muna namin si baby bago kami bumabalik sa room para matulog. Pero madalas, nakakatulog ako kasama ni baby kaya binubuhat nalang ako ni Zach papuntang room.

 “Buti naman gising ka na!” pinitik niya ako sa noo. Nagising tuloy ang diwa ko.

“Ang sama mo!” I pouted.

“Paano, ilang gabi mo na akong tinutulugan! Kaya nga kumuha ako ng mga kasama mo dito sa bahay di ba para hindi ka mapagod?” mahabang litanya niya.

Napangiwi ako. He’s right nung first five months ni baby wala siyang yaya dahil gusto naming maging hands-on sa bata. Dati din tatlo lang ang kasambahay namin pero nagdagdag siya ng dalawa pa dahil masyadong malaki ang bahay, minsan tumutulong ako sa paglilinis and he doesn’t like it dahil pagdating ng gabi tulog agad ako.

“Di naman ako pagod, inantok lang sa lullaby mo, ang galing mo kasing kumanta.” Natatawang saad ko. Hinila naman niya ako patayo at inistretch ang mga kamay ko.

“Ano bang ginagawa mo?”

“Para magising ka, para magawa na natin ang mga kapatid ni Zachia.”

“Mga?” maang kong tanong.

“Yeah!” he grinned. Wala na akong nagawa nang hapitin niya ako sa bewang at halikan sa labi.

I know I am happy with this man and everyday with him really feels like paradise.#

.

.

.

.

.

.

-------------------

Author’s Note

Thank you po sa lahat ng naka-appreciate at naglaan ng konting oras para basahin ito. Sa lahat ng votes at comments. Basta lahat-lahat po! Nababasa ko po at nakikita lahat ng votes at comments...Kaya pag may pagkakataon, nakakapagthank you ako at respond sa comments niyo.

Her Mystery ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon