1. First steps

7.1K 298 180
                                    

First Steps in writing Fantasy.

I dunno if maiintindihan nyo yung way ng pagpapaliwanag ko pero sana may makuha kayong tips. Basic po muna tayo. At kahit hindi Fantasy ang genre natin ay pwede niyo pa rin itong basahin. It is open to all kinds of writer.

***

How we get start?

1. Know your genre.

Genre ito yung branch o tipo/klase ng susulatin niyong story. Alamin mo kung saang genre ka komportable at kaya mong panindigan. Here in Wattpad site there are lots of genre.

· Romance. Means love o romansa. Pag-iibigan ng 2 tao. Dito nag-eevolve ang kwentong pag-ibig ng mga tao.

· Humor. Kung ang hanap mo ay laughtrips story at ikaw ay sanay magpatawa o may humor dito ka na.

· Fantasy. Obviously, kabaliktaran ng realidad.

· Adventure. Puno ng pagsubok ang story. Mga paglalakbay at nakakaexcite na scenes.

· Scie fie. More on science o technology. For me mahirap ito. Kailangan na malawak na kaalaman. Alam ko may book din about writing Scie fie. Search niyo na lang ang username ni ScieFie may book siya.

· Mystery/Thriller. May pagkadetective Conan. Nagpapasakit ng ulo ng readers dahil sa logics, mysteries and may pagka-thrilled.Minsan may 'patayan' dito.

· Horror. More on kakatakutan.

· Vampire/Werewolf. The name says it.

· Action. Mga fight to fight stories.

· General fiction. Pangmatured at pangkalahatan.

· Spiritual. About sa religion, kay God and spiritual beliefs.

2. KNOW WHAT IS FANTASY.

Nakapili ka na? next is alamin mo ang tungkol sa genre mo. Fantasy tayo. For me, ang fantasy ang pinakamahirap na genre. Why? because mas susugal ka dito dahil bihira lang sa mga filipino ang mahilig sa fantasy pansin niyo? more on foreigners kasi ang mahilig sa fantasy and scie fie. And kinakailangan mo ng malawak na imaginations at be sure na kaya mo itong panindigan.

So First, bago ka magsulat know what is fantasy? Di porke't may multo fantasy na agad baka horror iyan. Di porke't may alien fantasy agad di ba pwedeng sci. fie? At di porke't naenkanto yung bida fantasy na agad! Pwede naman paghaluin ang 2 o 3 genre sa loob ng isang story.

You should know what is fantasy for you. Ayon kay Merriam Webster:

"Fantasy is something that is produced by the imagination. An idea bout doing somethng that is far remove from normal reality."

Kinakailangan mong umalis muna sa realidad ng buhay. Kalimutan ang problema at stress. Hayaan mo ang imahinasyon mo ang magdala sa iyo. Well, imaginations ang ating puhunan dito.

Remember, Imagination is unlimited. No limit and the possible is just impossible!

3. YOUR THEME AND TYPES

Simulan mo na ang pag-iisip ng tipo o uri ng fantasy mo. May pinost akong list ng types of fantasy pwede kayong tumingin dun paramaging guide mo.

Tulad ng science at math malawak ang fantasy. May mga sub-genre na nakapaloob dito. Pumili ka kung tungkol sa Wizard world, titans, vampire, alien, mutant, sirena, folklores, kapre o modernong nilalang ang pinakamain-theme mo. Kailangan kasing maemphasize ito pero kung kaya mong pagsama samahin ang lahat ng ito then try it. Mas maganda kung ganoon.

4. CONDUCT A RESEARCH.

Now, alam mo na kung anong tema ng fantasy mo. Pero feeling mo di pa sapat ang nalalaman mo about sa 'kanila'.

Dito na papasok ang RESEARCH. Research kailangan mo itong matutunan hangga't maaga pa dahil magagamit mo ang skill na ito kapag nasa college kaㅡyou will do a lot of paper research, thesis and case studies.

Ganito ang ginagawa ng lahat bago magsulat. Watch, read and research ang 3 sangkap upang makapagsulat ka.

Kapag magsusulat ka ng fantasy dapat may nakahanda kang paliwanag, proofs and facts about them! Kapag kasi may nakaenkwentro kang magaling na critique, keen observer o readers baka kwestyunin ka o magtaka sila.

Di sapat ang alam mo sa bampira na nasusunog sila sa araw. Bukod dun? ano pa alam mo? Dapat may back up infos. ka sa kanila at pwede mo pa itong palawakin.

Kaya nga sa cp ko may nakastore na videos ng fighting scenes nila harry, may video clips, may html o pdf. Nagdownload ako.

Nandiyan naman  si Google at si Youtube! Magiging guide mo sila hanggang matapos ang kwento mo. Mai-aaply mo siya when you are writing.

Research what you are writing, pore over old legends and myths Norse Sagas are wonderful resources for fantasy writing, even J. R. R. Tolkien used things from the Norse. Such as Mirkwood, was in the Volsung Saga, as "Myrkwood". Borrow from the ancients as much as you like, but DO NOT use other author's writings.

5. KEEP A NOTEBOOK AND BALLPEN IN YOUR BED.

Ewan ko kung effective ito pero sakin epektibo! try niyo.

Kinaugalian ko ng maglagay ng papel at ballpen sa tabi ng higaan ko kapag gabi.

For me, night is the right time to imagine things. Pansin niyo, peaceful, walang maingay, walang distractions at rest time. Kaya ito ang tamang oras upang mas makapagisip at gumana ang brain cells natin.

Aminin niyo, bago tayo matulog kung anu ano ang iniisip natin pag gabi like si Crush, yung mga nangyari nung araw na yun, yung problema natin, nagfaflash back tayo at iba pa. Tapos napapaniginipan natin ito.

I was telling here, iready nyo yung papel nyo kapag may naisip kayo. Sulat niyo every details. Dahil may tendency na makalimutan natin yun pagkagising natin sa umaga.

6. MOODS

Payo ko din pagmagsusulat kayo dapat on mood kayo. Di kayo natatae, naiihi, walang distraction, wala kang dysmenorrhea or what.

Wag ka ring magsulat ng tinatamad at pag may writer's block ka! Maaapektuhan ang mood ng chapter na sinusulat niyo I swear.

Pero, kung ang isusulat mo'y malungkot ang scene at saktong nagbreak kayo ni Jowa edi go! In any ways effective iyan.

7. BE REALISTIC.

Although fantasy ang genre mo. Dapat realistic ang bawat galaw o ikot nito. Ilagay mo ang sarili mo sa character.

Example, kapag sinapak ka ni Incredible hulk mamatay ka na agad? Di ba pwedeng mahimatay ka lang, tumalsik ka sa malayo, dumugo yung ilong mo o nagkamuscle pain ka lang? Isipin niyo na na-Vhong Navarro ka.

Isa pa, put yourself or kahit anung bagay sa eksenang yun. Ex. Sinipa ka ng tikbalang. Anung feeling mo?

Isipin mo na ang tikbalang ay katumbas sa ordinaryong kabayo natin. Masakit, parang kang sinikmura, nahilo ka, nagsuka ka ng dugo o di ka nakahinga mga ganun. Kung di mo talaga alam pwes, magpasipa ka sa kabayo para alam mo ang feeling! #hard

Be realistic kahit fantasy ito.

Ang pinakamahalagang sangkap sa lahat ay ang…

8. IMAGINATIONS.

We have unlimited ability to imagine things. Kaya isa ito sa mga mahahalagang sangkap para makatulong sa inyong pagsusulat. Do impossible things! Use your imagination like Patrick did.

***

A/n: I hope you learn. don't worry may part 2 pa!

Lyn

Guidebook in writing fantasyWhere stories live. Discover now