♥ All about wizards ♥

3K 47 24
                                    

Kamusta po ang unang linggo ng pasok niyo? I'm sure you already gained friends at tambak ang assignments. Thanks God dahil June 9 pa pasukan namin yet Goodbye vacation na :(

Kaya before ako maging hiatus at pasulpot sulpot na lang ang mga UD dito maguupdate ako ngayon. Magiging busy ako ngayong 2nd yr. college na ako lalo na't may statistics kami tapos busy din sa pagaanalayze ng mga behavior ng tao at mga hayop.

Sa lahat po ng magsusulat ng fantasy at ang sub-genre ay Wizard I'm sure makakatulong ito sa inyo.

P A A L A L A :

Hindi po lahat ay alam ko may iba sa inyong may taliwas na pananaw sa bagay na ito. Masasabi kong hindi sapat ang kaalaman ko pero may nalalaman naman ako kahit konti.

Lahat ng mababasa niyo ay mula sa kaalaman ko, karanasan sa pagsusulat, sa mga napapanuod/nababasa ko at sa mga pananaliksik ko.

Maari niyo namang icomment o ipm ako if may reaction ka, tanong or suggestions.

At isa pa ang gagamitin kong example ay ang Story kong Archimage Academy at Witchy Bitchy Sisters para hindi masabing plagiarism.

And please vote, share or comment as a appreciation. Thanks hope you learn it kahit onti lang!

♥ ♥ ♥

W I Z A R D -

A person who skilled in
magic or who has magical power. From old english wyzard or a wise.

Mga taong gumagamit ng mga mahika o spells. Sila yung mga taong laging may bitbit na magic wand at laging nakasuot ng robe, cloak and pointed hat.

Kinakailangan kang magsanay ng ilang taon upang masabeng Wizard ka. Kaya sa Archimage Academy limang taon sinasanay ang wizards students.

Pero hindi pa kasama dun ang battle training field. May iba't ibang levels din ng wizards according to her/his capacity and skills to handle magical powers.

Ang pinakamataas ay Class S or supreme. Ang pinakamababa ay Class B or beginner. Syempre gawa gawa ko lang iyang mga level basta't paganahin lang ang imagination.

W I T C H -

A woman who is thought to have a magical power. A practitioner of wicca.

From middle high german word wicken means to bewitch.

Sa atin ang witch ay naging masama sa paningin natin di ba? Aminin! Ang witch kasi gaya ng mga napapanuod ko sa T.V. ay mga panget, kulubot ang balat, mapabalat kayo, mahaba ang ilong, luwa ang mata, buhaghag ang hair tulad ng witch sa snow white at sleeping beauty di ba?

Sila yung gumagamit ng mga orasyon chu chu gamit ang malaking kawali at panandok. Sila ay mangkukulam at nangagayuma. Masasama ang tingin natin.

Pero tulad ng wizard same lang sila ng witch na gumagamit ng magic wand. Same din silang gumagamit ng broomstick para way of transportation although pwede naman silang gumamit ng spell.

But … in my story entitled Witchy Bitchy Sisters ay iniba ko ang pananaw na iyan. Ang witch ko ay saksakan ng ganda, sexy, maalindog na taliwas sa kinalakihan natin although nandun pa rin ang pagkasalbahe nila.

W I Z A R D R Y -

Art of a wizard.

Mga pinagaaralan ng wizard tulad ng paglipad sa broomstick, history of magic, potion making, spells etc.

Guidebook in writing fantasyWhere stories live. Discover now