matet (ep.3)

1.9K 58 1
                                    

Ang kinakatayuan ko ngayong lugar ay madilim. Ang paligid masukal dahil sa nagtataasang damo.

Walang nagdadaang tao oh kahit anong sasakyan kapag ganitong madilim na. lahat ng residente takot.

Pwera sa akin Dahil sa dayo lang naman ako sa lugar na ito kaya wala akong alam kung anu ba talaga ang naganap na kababalaghan na sinasabi ng mga tao.

Nang biglang umihip ng malakas ng hangin kasabay ang boses ng isang babae...

"Huhuhu anak ko..."

Tatlong beses ko narinig ang pagsabi nya ng "anak ko"
Naisip ko ,ah baka kapit-bahay lang or bka TV ng kapit bahay
Nang bigla akong matigilan.

Nag- iisa nga palang nakatayo ang mansion sa malawak na lupain . Kung kaya imposibleng makarinig ng kahit na anong tunog oh ingay na magmumula sa ibang bahay .

Nakaramdam na ako ng takot kaya naisipan ko nalang na tumalikod at umuwi...

Nang biglang..

"Aaaaaaaahhhhhhhhhh!!!"

Napatili na talaga ako sa sobrang takot...

"Walang hiya ka! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Inis kong sigaw kay Matet.

(Si matet ay ang Pinsan nila Joan Judy at Jemma na ubod ng arte at inggitera)

"Hahaha !! Akala ko ba matapang ka Marj? Kung makatili ka, nagising yata ang buong bayan ng Sto. Niño. "
Pang- aasar nya sa akin habang malakas na tumatawa.

"Iba lang natakot sa nagulat !"Inis kong sagot..

"At anong ginagawa mo dito..?!"Galit kong tanong sa kanya.

Hindi pa rin mawala ang kaba ng dibdib ko sa gulat dagdagan pa ng inis sa pagkaka kita ko sa mukha nito.

"Narinig kasi nya ang usapan namin sa bahay kanina at kapag hindi namin siya isinama ay isusumbong nya kami kay tatay."
Sagot ni Jemma.

(Biglang labas ng apat mula sa likod ng gate ng mansion)

Nauna na pala sila doon at plano talagang gulatin ako,na syempre pakana na naman ng bruhang si Matet.

Hay kahit kailan hindi ko talaga makakasundo ang babaing ito.Nakakagigil sya..

"Tara na nga, pasok na tayo sa Mansion." Inis kong sabi sa kanila...

Sa isip- isip ko,kung totoong pumapatay yung multo sana si Matet ang pagdiskitahan nya.

Nang biglang humangin na naman ng gaya kanina,at pakiramdam ko may bumulong sa akin at sinabing

"Huwag kang mag alala anak gagawin ko talaga iyan"

Nagulat ako pero binalewala nalang.

Sobrang dilim sa loob na halos wala kaming maaninag.Kung kaya't cp nalang ang ginamit naming pang ilaw ..

THE MAIDWhere stories live. Discover now