Amiel lopez (ep.13)

1.5K 44 0
                                    

" gusto ong bumalik sa Mansion Leon.."Gulat na napalingon sa akin ang binata.

"Hindi ka pa ba nadadala Marj?" Iritang tanong nya..

"Tingnan mo nga ang nagyari dahil diyan sa katigasan ng ulo mo na magpunta doon.Hindi ka ba natatakot na baka ikaw naman ang saktan ng multo oh mas mala pa ay baka patayin ka rin katulad ng ginawa nito kina Joan?"

"May kailangan akong malaman,nararamdaman ko iyon.."

"Hindi mo kailangan sumama.Ayokong madamay ka at matulad sa sinapit nila. Kaya ko lang sinabi sa iyo ay para pag may nangyaring masama sa akin ay ikaw na bahalang magsabi kina Lola at ate."

Tinalikuran ko na ang binata at nagtuloy na sa aking silid upang.magpahinga.Desidido na ako.Bahala na kung anong magaganap.

Pero bago ako bumalik ng Mansion ay kailangan ko munang makausap ang tita nila Joan.. Si aling Kristy...

Anong kaugnayan ko sa multong iyon?Alam kong may mali at iyon ang kailangan kong alamin.

Ginabi na ako ng pagpunta sa bahay nila Tita Luz para kausapin si Aling Kristy.

Ang nasa isip ko lang ay masagot ang ilang katanungan na pilit nagsusumiksi sa aking utak.

Paglapit ko sa gate ay tamang tama naman na nasa may garahe lang sila nakupo at nAgkukuwentuhan,si Tita Luz, ang asawa nya,tatlo pang anak at si Aling Kristy.


"Pwede ko po ba kayong makausap kahit sandali lang?" Bungad ko na nakatingin sa kanya.

THE MAIDWhere stories live. Discover now