Katulad ng mga ginagawa niya sa mga hayop na naroroon,palaka,daga,at kung anu ano pa ay pinagpa praktisan din niya ang mga ito ng tamang proseso ng pag-oopera,ang paghihiwa sa laman at iba't ibang parte ng katawan at ang muling pagtahi sa mga ito
Isa siyang bigong doktor,sapagkat minsan na siyang namatayan ng pasyente kung kaya't nagpasadya siya ng sariling laboratoryo upang makapg ensayo.
Ngunit mas lamang ang impresyon ng mga kasambahay na ito ay wala na sa matinong pag-iisip.
Matapos mailapag ni Señor Rodrigo ang bangkay Merlene ay agad nya itong tinanggalan ng damit at siya naman ay nagsuot ng gloves,mask at kinuha ang mga kagamitan na animo'y may ooperahan...
Inabot nya ang scalpel at sinimulang hiwain ang tiyan nito,dinukot ang lamang loob,isa-isan niyang inilabas lahat, at animo'y sinusuri talaga kung ano ang diperensya nang matapos sa pagtingin ay ibinalik na niya ito sa loob ng tiyan ng bangkay at agad ding tinahi.
Isinunod naman niyang tanggalin ang mata nito gamit lamang ang mga dakiri sa pagdukot dito at inilagay sa isang garapon.
Nagmistulang Frankenstein na ang itsura ng kawawang si Merlene sa kamay ng Señor..
Pinakahuli nitong ginawa ay ang pagbiyak sa ulo ng babae at pagkuha sa utak kanyang utak.
Kung may makakakita lamang ng kanyang ginagawa ay talagang hindi ito masisikmura.Ngunit tila aliw na aliw pa ang lalake sa nangyayari....
Makalipas ang ilang oras ay napagod narin siya sa ginagawa at ipinasyang magpahinga na Saka iniwan ang kalunos lunos na itsura ng bangkay ni Merlene
Kinabukasan agad na nagpahukay si Señor Rodrigo sa hardinero ng mapaglilibingan ng bangkay at sa likod ng mansion doon niya ibinaon si Merlene kasama ng mga iba't-ibang hayop na nasa laboratoryo.
YOU ARE READING
THE MAID
Horror#38 in horror out of 8.48k stories #22 in ghost out of 2.65k stories #1 in shock out of 122k stories #2 in triller out of 207k stories #227 in mystery out of 22.7k stories Thank you for supporting this story Love you all 💜