Aling kristy (ep.14)

1.3K 43 0
                                    

"SINUNGALING!!!TRAYDOR!"
Bahagya akong kinilabutan sa nangyari.

pakiramdam ko may magaganap na namang kakaiba.
Mula sa liwanag na nagmumula sa buwan ay nakita kong natigilan ng bahagya si Aling Kristy at takot ang ekpresyon ng kanyang mukha.

"SINUNGALING!!!SINUNGALING!!!
TRAYDOR!!!TRAYDOR!!!"

At muling sumasabay sa ihip ng hangin ang tinig na yon.Ilang minuto lang at muli nang nagbalik ang ilaw pero mukha paring balisa àng itsura nya.

Sigurado akong narinig nya din ang narinig ko kanina lamang

"May gusto ka pa bang itanong iha?" Tanong nya sa pananahimik ko.

Alam kong asiwa siya sa titig ko sa kanya.

"Kababanggit nyo lang kanina na pagkatapos tumakas ni MERLENE kasama ang tsuper ng mga lopez"

"eh wala na kayong narinig na anumang balita sa kanya,tama po ba?"

"Oo" sagot nya sa akin,

"Kung ganoon, noong araw na nag pang abot po tayo sa sementeryo at tinawag nyo ako sa pangalang MERLENE,diba't sinabi nyo na matagal ng patay at tahimik na?"

Paano nyo malaman na pumanaw na sya?

"Ah...!eh... Kuwan...eh kasi..."
Tarantang sagot nya....

"Magandang Gabi po"

Sabay sabay kaming napalingon sa gate kung sino ang dumating...

Ahhhh.!. Gusto kong sigawan si aling Kristy na sagutin ang tanong ko.

Maling tyempo ang pagdating ng bisita.Sigurado akong nagsisinungaling sya.Ngayong alam ko na,na si MERLENE pala ang multo.

Ang susunod kong aalamin kung ano ang katotohanan sa likod ng pagmumulto nya , ang pag patay, at paghihiganti at higit sa lahat...

Ano ang kaugnayan ko sa kanya..?
Hindi kaya.....?

Ayoko munang isipin iyon.Kailangan kong makasiguro....

THE MAIDWhere stories live. Discover now