Chapter 1

59 2 0
                                    


"Nay naman! Di ba ho sabi ko kahit huwag niyo na akong handaan o regalohan nung graduation ko basta ipaayos niyo na 'ho yung bubong ng banyo natin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Nay naman! Di ba ho sabi ko kahit huwag niyo na akong handaan o regalohan nung graduation ko basta ipaayos niyo na 'ho yung bubong ng banyo natin." Napapakamot ng ulong sabi ni Steffi. Nakasampay pa ang tuwalya sa balikat niya. Maliligo na sana siya kaso nang mapansing butas butas pa rin ang pinagtagpi tagping bubong sa banyo nila ay lumabas siya uli ng banyo para kausapin ang nanay niya. Matagal niya na kasing reklamo ang bubong na iyon. Noon kasing hindi pa nagpapalaki ng bahay sa likod nila ay wala naman siyang problema kahit butas butas ang bubong ng banyo nila. Pero limang buwan na ang nakakaraan nang magparenovate ang may ari ng katabi nila at pinaabot na ng third floor. Naiilang siya tuwing may trabahador na nasa itaas dahil kapag yumuyoko ang mga trabahador at nasa CR siya ay nakaka-eyes to eyes niya pa ang mga lalaki sa itaas. Noong may pasok siya hindi naman siya nasisilipan dahil maaga siyang maligo para pumasok sa paaralan. Kakagaraduate niya lang ng high school tatlong buwan na ang nakakaraan. Noong ginagawa pa ang bahay sa tabi nila malaking sakripisyo sakanya ang pagligo ng maaga tuwing sabado. Dati kasi ay araw niya iyon para gumising ng tanghali dahil wala namang pasok. At dahil nga kahit sabado ay may trabahador, kailangan niyang maligo bago mag umpisa ang mga trabahador ng alas syete ng umaga.

Kapag tinatamad talaga siyang gumising ng maaga tuwing sabado ay tanghali siya naliligo, kapag lunch break ng mga trabahador o kaya naman tuwing alas singko ng hapon kapag nag-uwian na ang mga ito. Kung minsan ay nakapayong siya habang naliligo para kahit yumuko ang mga trabahador ay hindi pa rin siya masilipan. Napakalaking sakripisyo na iyon para sakanya.

"Anak, kahit nga pang handa mo wala kaming naipon ng tatay mo, pang paayos pa kaya ng bubong ng banyo." Sagot ng nanay niya. Nagaasikaso na ito ng mga sahog sa lulutuing ginataan na ititinda sa para sa meryenda.

"Eh 'nay paano ninyo nasisikmura na magpasilip sa mga trabahador diyan sa taas?" sabi ni Steffi na naupo sa hapagkainan kung saan kasalukuyang inilalabas nito sa mga plastic bags ang mga pinamalengkeng gagamiting pansahog sa pagluluto. Naroon rin ang kanyang pangalawang kapatid na lalaki at naghihiwa ng karne para sa gagawing barbeque. Naisipan kasi ng nanay nila na magdagdag ng ititinda habang bakasyon at habang may makakatulong ito sa pagtitinda.

"Ate naman, wala nang pakialam iyan si Nanay kasi hindi na siya virgin." Wika ng third year high school niyang kapatid na si Axel. Solong babae lang kasi si Steffi at panganay sa tatlong magkakapatid. Ang kanilang bunso ay grade six naman.

"Tumigil ka Axel. Bakit nagsasalita ka na agad ng virgin virgin na iyan." Binalingan ng nanay niya si Steffi.

"Anak paranoid ka ba? Isang buwan na ang nakalipas mula ng matapos ang bahay na iyan. Kahit ano'ng oras ka maligo pwedeng pwede na, hindi ka na masisilipan ng kung sino." Paniniguro nito.

"Hindi pa rin po ako sanay. Kasi naman. Palitan na natin ang bubong na iyan. Tuloy nasasanay na akong magdala ng payong sa banyo natin." Reklamo pa rin ni Steffi.

Why Do I love You?  (Steffi)Where stories live. Discover now