CHAPTER 2 ~ Personal Assistant ~

202K 3.5K 213
                                    

CHAPTER 2

FREEZALE'S POV

Wala ako sa mood. Lahat ng tao sa BHO CAMP ay ramdam iyon ngayon. Matagal na akong tatahimik-tahimik lang at hindi din ako nag a-aksya ipakita sa kanila ang emosyon ko pero mahahalata naman kung bad mood ako o hindi. Kahit si Dawn ay iniiwasan ako kapag ganitong mainit ang ulo ko.

Damn panty snatcher. That drunkass. Hindi na ako magtataka kung bigla siyang magkaroon ng AIDS. Kahit ata sinong babae papatulan no'n.

Ang balita ko nga kay kuya Thunder, noong isang araw na iniwan ko siya sa elevator ay naabutan daw nila si King na tinatangay na ng isang babae na die hard fan ng Royalty. Mabuti na lang naabutan nila kung hindi baka kasal na ngayon si King. Iinom-inom kasi hindi naman pala kaya.

Hindi ako lumingon ng bigla na lang bumalibag ang pintuan ng control room. Iisang tao lang naman ang malakas ang loob gumawa niyan. "Ate!"

Kaagad na may yumakap sa akin at parang pusa na ikinikiskis ang mukha sa braso ko. Napailing na lang ako. Wala namang ibang nakakalapit sa akin ng ganiyan kundi ang kapatid ko lang na si Snow.

"Mas nauna kang lumabas kesa sa akin."

"Okay lang 'yon. Magkamukha naman tayo kaya hindi na halata kung sino ba ang nauna sa hindi." humahagikhik na sabi niya.

Pinaikot ko ang mga mata ko at bahagyang nilingon ko ang isang taong kasama namin dito sa control room. Si Phoenix, ang laging kabuntot ni Snow.

"Ano na namang kailangan mo?" tanong ko kay Snow.

Nagpapaawang tumingin siya sa akin. Napabuntong-hininga ako. Alam ko kung ano na naman ang hihilingin niya. Katulad ng iba ay hirap din akong tanggihan siya. Para ka kasing nang-api ng kawawang tuta kapag nirereject mo siya. Idagdag pa ang matinis niyang tili kapag umiiyak siya. Hindi worth it.

"Pag ba pupuntahan kita may kailangan lang ako?"

Tinignan ko lang siya. "Oo."

Ngumuso siya at animo batang nagmumukmok. We have the same angelic face pero imposible na maipagkamali kami. My stare is unsettling while Snow eyes gives off happy vibes.

"Ano na?" tanong ko.

"Pwedeng hindi ako mag work today?"

Napahilot ako sa sentido ko. Tamad talaga tong kapatid ko na ito. Walang pinagkaiba kay kuya Thunder. "Kailan ka ba nagtrabaho?"

"Last week?"

"That was a field mission. You need to work for experiment department too, Snow."

I work most of the time in experiment department. Kuya Thunder is frequently on field and Snow just can't decide which department to settle. As Elites, kinakailangan na alam namin ang gagawin para sa dalawang department.

I.T. ang tinapos ko at Computer Science naman ang kay Snow. Alam kong magiging magaling na experiement department si Snow, tamad nga lang. Sa Field naman, sabihin na lang natin na ibang Snow ang nakikita namin everytime mag te-take siya ng field mission. Snow can change her personality to use as her advantage. A manipulative talent.

"I know. Pero kasi pupunta kami ni Phoenix sa isang manggo creative pastry contest. Next time na lang please? Please? Pretty please?"

"I won't be here forever, sis. I need to take a long term mission and you'll be left alone."

Ngumiti siya ng matamis. "I won't."

Nilingon ko si Phoenix na tahimik lang sa isang tabi. Obviously siya na naman ang sasagip sa kapatid ko. Ayokong isipin kung ano ang maaari na mangyari once na magkaroon ng girlfriend si Phoenix. Paniguradong mapipilitan ang kapatid ko na mag mature.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon