CHAPTER 28 ~ Our Night ~

161K 3.1K 104
                                    

CHAPTER 28

FREEZALE'S POV

Wala akong maramdaman kundi saya habang nakatingin ako sa nakangiti niyang mga mata. Saya lamang ang bumabalot sa akin habang magkadikit ang aming mga katawan, ang kaniyang braso ay nakapalibot sa aking baywang at ang isa ay nakasalikop sa aking kamay.

"Are you happy, Captain?"

"Are you?"

Napangiti ako sa tanong niya at umiling, "Ako ang nanunang nagtanong."

Nakangiting inimbay niya ang aming mga katawan at mas lalo pa akong hinapit palapit sa kaniya. "I will always be happy, if I know you are happy."

"Really?"

"I saw you cry, I saw you in pain, I saw you broken because of me. I put my heart into sleep, and when I woke up...it was like my reality turned into a nightmare. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang sakit kapag naaalala ko ang lahat ng pagkakamali ko. The only thing that can make me happy, is knowing that you are happy."

Itinaas ko ang aking kamay na nakapatong sa dibdib niya at masuyo ko na hinaplos ang pisngi niya. "We'll mend. Hindi pa sa ngayon, but definitely someday. Together."

Napatingin ako sa ilang mga bisita namin na nangingiting nakatingin sa amin. Ilan sa mga agent ang sumasayaw na rin kasama ang kanilang mga girlfriend o asawa. May ilan naman na trip lang. Katulad ng kapatid ko na si Snow na nag Ha-Harlem Shake kasama si Phoenix kahit na 'Love Me Tender' ni Elvis Presley ang kanta. Si Hera naman ay nag he-headbang katabi si Athena na napipilitang gayahin siya. Wala siyang choice dahil magkapartner ang kambal na si Fiere at Aiere. Bigo na naman siya sa pag-sinta niya kay Fiere.

Ang mga kaibigan naman ng pamilya namin sa labas ng BHO CAMP at ang kanilang mga anak ay sumasayaw rin. Maliban sa ilang mga kababaihan na mukhang iniintay na pakawalan ko si King.

But they will just be disappointed. Dahil wala kaming balak ni King na humiwalay sa isa't-isa. Tanging si Papa at ang ama lang ni King ang nakaagaw sa akin sa kaniya. At kahit pa lusubin kaming muli ng mga goons ng Claw na ngayon ay siksikan na sa infinity rooms ng BHO CAMP, hindi magagawa ng mga iyon na paghiwalayin kami.

"Hmm. Tapos na ulit ang kanta. Uupo na ba tayo?" tanong ni King.

Nakangiting umiling ako. "Not yet."

Pinisil ni King ang tungki ng ilong ko at pagkaraan ay ginawaran iyon ng magaang halik. Muli niya akong iniimbay sa saliw ng tugtog na pumapainlang sa paligid. At kahit pang-ilan na namin ito, ay muli akong nakulong sa mundo namin. Mundo kung saan wala ang kahit na sino at kahit na ano. Kahit na ang magarbong reception na animo nasa Winter Wonderland kami.

"Someday...when I'm awfully low, when the world is cold I will feel a glow just thinking of you...and the way you look tonight."

Nakatingin lang ako sa mga mata ni King kasabay ng pagtahimik ng paligid. I know they're listening to his velvety melodic voice that can make even a busy person to stop and concentrate on him.

"You're lovely...with your smile so warm. And your cheeks so soft, there is nothing for me but to love you...and the way you look tonight."

Mahinang napatawa ako ng bigla na lang niya akong inikot. "With each word your tenderness grows...tearing my fears apart. And that laugh that wrinkles your nose." Pinadaanan niya ng kaniyang hintuturo ang aking ilong dahilan para ikunot ko nga iyon. He chuckled softly and continued his singing. "Touches my foolish heart."

"I love you, Captain."

"And I love you. I'm gonna spend every minute of my life with you, so I should just let them have their moment before they took you away from me forever."

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon