CHAPTER 7 ~ Love ~

170K 3.2K 149
                                    

CHAPTER 7

FREEZALE'S POV

Nakatigil ang tour bus malapit sa studio kung saan magpapractice ang banda bukas. Sa ngayon ay exercise day nila. Hindi na ako umasa na magigising sila uli ng kusa dahil mukhang once in a blue moon lang ang pangyayari na iyon.

Fortunately, nagising ko naman silang lahat. Including si Comet na kailangan ko lang sundutin si tagiliran at si Rushmore na kailangan ko lang banggitin ang pangalan ni Den para magising.

Katatapos lang din nila sa ma-ala cave man style na pagkain nila. At si King...nakatayo na naman siya kumain. Katabi ko.

Ngayon ay kasalukuyan akong nasa gitna ng living room ng tour bus habang sila naman ay nakaupo sa sofa at nakatingin sa akin. Kinuha ko ang jar sa isang tabi at inilagay ko iyon sa tapat nila pagkatapos ay inilabas ko ang maliit na notebook ko.

"Bago ang concert sa Ilocos may dalawang taong lumabag sa rules ko. Kuya Thunder and King. Uminom kayo ng tig-isang maliit na bote ng beer ayon sa isang staff ng tanungin ko sila kung kaninong basyo ng alak ang nakita ko. I said no drinking before the concert."

"Pero maliit lang naman-"

Pinutol ko ang sasabihin ni kuya. "No is no."

Nakasimangot na naglagay siya ng condom sa jar. Si King naman ay napapangiti na naglagay din ng isa.

Tinignan ko ulit ang list ko. "At kayong tatlo..." itinuro ko si King, Archer at si kuya. "Nilabag niyo ang rule ko tungkol sa pagkain. Nakakita ako ng pagkadami-daming balat ng chips sa isa sa guitar case na muntik akong patirin kaninang pagkagising ko."

Wala na silang nagawa at mga nagpapaawang naglagay ng condoms sa jar. Kahit si Archer na suplado ang dating ay mukhang malungkot na namamaalam na sa condom niya.

Tinignan ko si Rushmore at Comet. "It's a good thing that even though you're not into that stuff ay hindi kayo lumalabag sa mga conditions ko."

Ngumiti si Comet. "I'm married."

Nagkibit-balikat si Rushmore ng tumingin ako sa kaniya. "I'm not as stupid as them."

"Sapakan na lang pare o." hamon ni Archer dito.

"Ganiyan ka na Rushmore dear! Porke pinagpalit kita sa sexy na chix. Taksil ka! I hate you!" madramang sigaw ng kuya ko dito na akala mo ay naghihinagpis talaga. Tinignan lang siya ng masama ni Rushmore bago ibinalik ang pansin sa librong hawak niya.

"Alam mo namang mahal ka namin ni Thuder, Rushmore. Sadiyang kinakailangan lang namin ng mga pretty girls pero ikaw parin ang legal wife."

"Fuck you, King."

Tumawa lang si King. Napapahilot sa sentido na inilagay ko na ulit sa bulsa ko ang maliit na notebook. "Magpalit na kayo ng damit ninyo at mag e-exercise kayo."

Nagsipulasan na sila. Umupo ako sa isang sofa at dumikwatro habang hinihintay sila. Bahagyang inayos ko ang kumakawala sa pagkakatali ko. This is why I hate my hair. Gustong-gusto ko na siyang putulan dahil naiirita ako kapag tumatabing ito sa mukha ko. But my mother wants me to keep it long so I did.

Dire-diretso sa labas ang band members sa pangunguna ng kapatid ko. Malamang sa hindi ay maghahanap na naman iyan ng babae.

Kumunto ang noo ko. Wala pa si King.

Napabuntong hininga ako at tumayo. Hinawi ko ang kurtina na nag hihiwalay sa living room at sa mga bunks. Napailing ako ng maabutan ko don si King pasayaw-sayaw pa habang namimili ng jacket sa isang buong maleta niya na puno ng jackets and hoodies.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon