CHAPTER 19 ~ Come Back ~

137K 2.9K 322
                                    

CHAPTER 19

FREEZALE'S POV

"What do you mean she's missing?!"

Hinayaan ko munang kumalma si Sky. Pilit na kinakalma siya ng asawa niya na si Adonis. Hindi ko siya masisisi. Ang kapatid niya ang nawawala. Kumuha ng mission si Storm. Hindi lang ako kundi maraming taga-experiment department ang naging 'eyes' niya. Hindi din kasi ako nagtitiwala sa sarili ko na magagawa ko ng mag-isa.

Sa stado ng nararamdaman ko, ayokong mag take ng chance, kaya kumuha ako ng maraming makakasama ko sa pagbabantay kay Storm. But we failed.

May mga kasamang agents si Storm sa mission. Including Hermes and the other junior members. They need to infiltrate an underground facility. A lot went home injured, Hermes barely get out...and Storm failed to do so.

"Track her!" sigaw ni Sky.

"I'm trying Sky. Sinabi ko na ito kay Storm. May mga kulang pa na impormasyon sa mission na ito kaya ayaw ipalabas ni Dawn pero nagpumilit siya. Hindi basta-basta ang binangga natin. Somehow, they can destroy our trackers and devices with just one shot."

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Hindi matatawaran ang pagkaangat ng mga imbensyon ng BHO CAMP. Kaya hindi namin malaman kung paano...kung paanong nagawa ng mga 'yon na baliin lahat ng mga gamit namin na para bang kaya nilang kontrolin ang mga 'yon. I never seen something like this before.

"No...this can't be happening."

Inalalayan ni Adonis si Sky at pinaupo sa isang tabi. Tinignan ako ni Dawn na nakaupo di kalayuan sa akin at tinutulungan ako sa ginagawa kong paghahanap kay Storm. "You still have a mission. Focus on it."

"Storm needs-"

"And King does to. But if you want to let go of your mission to him-"

"No."

Nilingon ko si Sky. I would help them but I can't let go of my other mission. But for now...my family needs me. "Everything will be alright, Sky. Mahahanap natin si Storm. She's stronger than you think she is. No one can hurt her."

"D-Dapat sumama ako...dapat hindi ko siya hinayaang mag-isa. Dawn, make this my mission-"

Pinutol ni Adonis kung ano pa man ang sasabihin ng asawa niya. "No, Sky."

"My sister is in danger!"

"And you might be pregnant."

Napasinghap ako sa narinig ko. Nagkatinginan kami ni Dawn na halata din ang gulat sa mga mata. Walang nakaimik sa amin. Sky was very adamant that she would never have a child again. Pero mukhang nabago ni Adonis ang isip niya sa desisyon 'yon.

"But my sister needs me. I can't just wait here..."

Tuluyan ng niyakap ni Adonis ang asawa na hindi na napigilan ang mga luhang bumalong sa mga mata. Lumapit ako sa kanila at hinawakan ko ang kamay ng babae na nag-angat ng tingin sa akin. "We'll find her, Sky."

"You still have your own mission."

"That can't wait. Storm needs us, right?"

"Yes. But you need to get this off your load. Halos bente kwatro oras ka ng nasa harapan ng monitor, bago pa iyon may band duty ka sa Royalty, you helped Dawn with the summaries of the reports...you're killing yourself."

Pilit na itinago ko ang emosyon na alam kong nakikita niya sa mga mata ko. Kailangan niya ako. Kailangan ako ng pamilya ko. "I'm not."

"I don't want to see you break down again. You're out of this."

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon