CHAPTER 10 ~ Too Late ~

165K 3.3K 220
                                    

CHAPTER 10

FREEZALE'S POV

"You..."

"What?" I whispered.

"Hot elevator girl."

Nanlaki ang mga mata ko. Sinubukan kong tumayo sa kinauupuan ko pero hinawakan niya ako sa braso para pigilan ako. Damn it! How did he able to remember me? "P-Paano?"

"That lips. No one can taste as sweet as you."

"Like I would believe that."

"If that's not enough proof to you then...well...."

Kumunot ang noo ko. Namumula ang mukha niya at parang ayaw niyang magbaba ng tingin. I never saw him flustered like this. "What?"

Imbis na sumagot ay itinuro niya ako. Sinundan ko ang tinuturo niya at pakiramdam ko ay sasabog na ang buong mukha ko sa sobrang pag-iinit non. Mabilis na hinila ko ang laylayan ng dress ko na pinapakita na ang hindi dapat ipakita. "Manyak!"

"Hindi ko naman sinasadiyang tignan eh!"

Sabay na masama ang tingin na nag-angat kami ng mukha ng biglang may tumikhim. Napangiwi ako ng makita ko ang isang lalaki na masama na ang tingin sa amin. Mukhang siya ang manager dito. "Baka gusto niyong tumayo at simulang ligpitin ang mga nagkalat na laruan na dinudumihan na ninyo?"

Inirapan ko si King at tinapik ko siya sa balikat niyang walang pinsala. Tumayo na ako at magliligpit na sana ng pigilan na naman niya ang braso ko.

"Ano ba?!" asik ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot at nagkakamot sa batok na hinarap niya ang manager. "Pasensya na sa abalang ginawa namin. Bibilin na lang namin ang lahat ng nahulog na teddybears."

Tinignan ko ng masama si King. "Walang 'namin'. Ikaw lang."

He sighed and raise his hands in surrender, "Fine, fine."

Mukhang biglang bumait ang manager dahil inasikaso na niya ang lahat ng bibilin ni King. Sinabihan sila ni King na ipadeliver na lang iyon sa hotel kung saan nag check in ang manager nila para sa buong banda. Supposed to be kasi ay pagkalabas namin ng ospital ay doon na kami tutuloy.

Nang matapos siya sa pakikipag-usap ay tahimik na lumabas na kami. Kung saan-saan lang ako tumitingin para hindi magtama ang mga mata namin. Paano ba naman kasi niya nalaman? Dahil lang sa halik? Ipagpatayo ko na kaya ang taong to ng rebulto dahil wala pa akong nakikita na talent na kasing husay ng sa kaniya. Captain Panty Snatcher Talent.

"Lady..."

"Don't talk to me."

"Sungit mo naman. May itatanong lang naman ako."

I rolled my eyes. Patingin-tingin pa siya sa akin na parang inapi ko siya. Ang arte talaga ng lalaking to. "What is it?"

"Ikaw ba talaga si hot elevator girl?"

"Akala ko ba alam mo na?"

"Kinoconfirm lang naman." saglit na natahimik na naman ito. Pagkaraan ay muli siyang nagsalita. "So why did you left me there?"

"You intended to fuck me inside a public elevator. Do you think I would allow that?"

Imbis na ma-offend sa bulgar world na ginamit ko ay tumawa lang ito. "I love it when you talk like that."

"Baliw."

Yumuko siya ng bahagya. "Especially if you'll use that in bed."

Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan sa sinabi niya. Hahampasin ko sana siya kaso ang may tama ng bala na balikat niya ang nasa side ko ngayon. "Abnormal ka."

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon