Prologue

73.1K 383 60
                                    

Napatingin ako sa paligid ko, nasa may pangpang ako ng dagat. I stood up and just went where my feet took me. Nararadaman ko ang lamig ng tubig ng dagat sa aking mga paa, na para ba ako nitong hinahatak papunta sa kung saan. I stopped when I bumped into someone. Napalabi pa ako bago tumingin sa kaniya.

"Bata, tignan mo naman dinadaanan mo." Yumuko ito dahil mas matangkad siya kaysa sa akin, itim na itim ang kaniyang buhok at medyo madungis rin siya kagaya ko. He looks nice, but I just can't seem to trust him. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tinulak nang bahagya para malayo ng kaunti sa akin. He's too near. It makes me feel awkward. Alam kong lahat ng tao sa labas ay hindi makakapagtiwalaan, at kasali na siya roon.

"Hoy bata, saan ka pupunta?" Tinawag lang ako nito pero di ko pa rin sya pinapansin, dahil hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Basta na lang ako napunta sa lugar na ito eh. Parang binulong ng hangin na dito dapat ako pumunta kaysa sa ibang direksyon. Sa tuwing inaalala ko kung paano ako napunta sa dagat na 'yon, sumasakit lamang ang ulo ko. Like something is blocking me from remembering.

Naglakad lang ako nang naglakad at hindi pinansin ang batang lalaking iyon. Pero nagulat ako nang bigla niya akong hinatak. Tila bumagal ang takbo ng oras. Napayakap ako bigla sa kaniya at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Mine went faster too when I looked at him.

"Are you okay?" tanong nito at hinawakan ako nito sa pisngi, tinanggal ko rin 'yon agad.

Napatingin ako sa daanan kung bakit ako hinatak ng batang ito. Mayroon palang karwahe na rumaragasa rito. Nang tumingin ako sa katwahe, mayroong batang lalaki na nakatingin sa akin.

"Tita is right. Pasaway kang bata, Yuna." Napabaling ako sa lalaking bata na ito, at inirapan ko lang siya ulit. Masyado siyang madada at maraming sinasabi.

Paalis na sana ako at wala siyang balak kausapin ngunit bigla nya akong iniangat. Telekinesis. Meron siyang telekinesis. I hate this.

"Hey, put me down!" Ngumisi lang siya sa akin.

"No , Yuna! Hanggang hindi tayo nakakarating sa bahay, hindi kita ibababa!" sabi lang nito habang sumisipol. Wala akong nagawa kung 'di sumimangot at irapan sya habang nasa ere ako.

Binaba lang niya ako nang nasa tapat na kami ng bahay niya. Tumingin ako sa paligid-mga naglalakihang puno lang ang makikita mo at mangilan-ngilan na bahay na malapit sa bahay niya. May balak sana akong tumakas kaso bigla siyang nagsalita.

"You can't escape here anyway, there are so many creatures out here that might eat you," sabi nito at nginisian pa ako na parang nang-aasar. Wala naman na akong magagawa. He's the only person I know here, and I don't know why. I should trust my instincts, maybe it's right? At sana hindi ko ito pag-sisihan sa huli.

I took a deep breath and calmed myself. Yeah, I should just trust my instincts.

We entered his house. Pumalibot ang tingin ko rito at okay naman siya pero may kaliitan lang at medyo makalat. Hinawakan ko ang bintana at ang alikabok, tsk. Napailing na lang ako.

"Pasensya na rin kung medyo makalat sa bahay ko. Alam kong hindi ka sanay sa ganitong lugar, but you'll start to love this place soon. I promise." Nginitian niya ako. Umupo siya sa isang kahoy na upuan at mayroong itong apat na upuan at mesa ring kahoy.

Umupo rin ako sa tapat nya dahil alam kong may sasabihin siya sa akin. I just can feel it.

"First of all, I'm Bricks Haven Granejer, and you are Yuna Charlotta Coldeft." Kumunot lang ang noo ko. Okay lang naman sa akin ang pangalan na iyon, at sa tingin ko bagay naman ito sa akin?

---

Napangiti ako nang maalala ko kung paano kami unang nagkita ni Bricks. I looked at him. Ang payapa ng mukha niya kahit alam kong marami siyang problema na iniisip. Umupo ako sa tabi ni Bricks at pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi naman ito nagreklamo. Instead, he just caressed my hair softly without looking at me. I smiled. He's so sweet, he's too good to be true. Nakatingin lang siya nang diretso sa Eldracia Academy na seryoso ang iniisip.

"Pinapangako ko Yuna na makakapasok din ako sa Eldracia. Not now, but soon." Tumango na lang ako, alam kong alam niya na napaka-imposible na pumasok sa paaralan na iyan. Para sa mga pinalad lang ang mga nakakapag-aral sa ganiyang eskuwelahan. But Bricks is really serious about this, pangarap niyang makapasok sa Eldracia Academy at maging estudyante doon. And he's been working so hard just to earn money. But I know-he knows he can't make it. Nalulungkot ako tuwing nakikita siyang determinado na makapasok talaga. Alam nyang hindi ito para sa mga dukha na kagaya namin pero ginagawa niya ang lahat para dito.

Tiningnan ko ang eskuwelahan na 'yon kahit medyo malayo ito sa kinakaroonan namin. Malalaman mo pa rin na sobra nitong laki dahil mas malaki ang Eldracia Academy kaysa sa pamayanan namin. Hindi ko naman gan'on ka-ayaw ang ekuwelahan na 'yan. It's just... life is so unfair. Hindi man alam ng mga nag-aaral diyan kung gaano kahirap ang buhay sa labas.

They are living a life of luxury and are worrying about small things, like the outfit they're going to wear on that day. Isa pa, hindi nila naranasan kumayod para sa sarili nila. Nagyayabangan lang sila sa mga gamit nila, sa kayamanan na naabot ng pamilya nila o posisyon sa lipunan.

Sa totoo lang, nakakainggit sila dahil nakukuha nila ang gusto nila nang walang ginagawa-nang walang kahirap-hirap. It's just so unfair for me, pero kuntento ako sa bagay na kung anong meron ako ngayon.

"I'll still support you Bricks, even if we know it's impossible," sabi ko at tumingin sa kaniya. Tumingin din siya sa akin.

"Silly, it will happen," sabi nito at ngumiti sa akin, pero inirapan ko kang sya.

"Did you just roll your eyes?" Humarap ako at pinakita ko yung mata ko.

"Oh nakita mo ba na umirap ako sa'yo? Hindi, kaya 'di kita inirapan okay?" Sinamaan nya ako ng tingin kaya lumapit siya sa akin nang unti-unti. Umatras naman ako cause I can sense that he'll do something that I will not like.

"Ya, lumayo ka nga Bricks," sabi ko. Tatayo na sana ako nang bigla niya akong kiniliti.

Nakiusap ako na tigilan niya na ako. Sa sobrang tawa ko para na akong nawawalan ng hininga, pero hindi pa rin niya ako tinitigilan na kilitiin kaya ginamitan ko na siya ng ability ko. I stopped the time for 2 mins. Every time I use my power, nanghihina ako, pero okay lang 'yon. Nakawala ako sa kaniya kaya natumba siya.

"Tomorrow is the day Yuna. Tomorrow is the bloodline. Sana hindi ka mapili," sabi nito sa akin at binigyan ako ng burger. Hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha, pero ngumiti lang siya sa akin. Kinuha ko iyon at namangha rito. Nakikita ko lang ito sa TV dati, hindi ko pa naranasang kumain nito. Habang kinakain ko iyon ay napatingin ako sa kaniya na malayo pa rin ang tingin.

I smirked. We just had fun on that day. Little did I know that it will be the last. It will be the last time I'm going to see his face.

------------

Hi po inspired po itong story na ito sa titan academy divergent, hunger games and harry potter.

So medyo parehas, and kung may mali po ako pm nyo nalang po ako, english carabao lang po yang mga yan, at medyo sadlayp ako kaya nagawa ko to hangang sa tuloy tuloy na, thank you po sa lahat ng sumusuporta at susuporta lovelots

Eldracia Academy: Pellum The Survival GameWhere stories live. Discover now