Chapter 24

128 15 39
                                    

Chapter 24: Frame

"Yuna tawag ka ni Dame." napatingin ako sa kanya ng magsalita yung classmate ko nakatingin lang kasi ako sa bintana at tinitignan yung magandang field ng E.A. kasi pag tinitignan ko yung field, para ko na ding naalala ang La Orla. Maraming mga puno at halaman sariwang hangin. Pumikit lang ako habang iniimagine na nasa La Orla nga ako at kasama ko sila Bricks. I Miss them so much.

"Hey Yuna" napatingin naman ako sa kung sino yung nagsalita.

"Ha?" Takang tanong ko dito. Umiling nalang s'ya sa akin at umupo sa likuran ko para mahiga sa desk n'ya. Sinundan ko naman s'ya ng tingin. Ganda kausap ha! Inis kong inirapan s'ya aambahan ko pa sana ng suntok.

"Dozing off? Malala kana. Dame is calling you." Nilipat n'ya yung ulo para lang sabihin 'yon, at ginamit yung mata n'ya para ituro yung pintuan namin. nakita ko naman si Dame. kumaway s'ya sa akin ng makitang nakatingin na ako sa kanya. Lumapit naman ako sa kanya na walang gana at naka ismid.

"Lunch na Yuna kelangan na natin pumunta ng center hall wala ka balak kumain?" tanong n'ya sa akin. nawala sa isip ko na lunch na.  nailing na lang ako

"Meron naman I'm just busy studying. Di naman kasi kami nag aaral na mga La Orlians kaya sinusulit ko na" sabi ko sa kanya.

"Studying? really? nakatingin ka nga lang sa labas . Are you joking?" halata namang hindi ko na-convince si Dame sa sinabi ko.

"Gusto ko kasi bumalik ng La Orla" out of no where na sabi ko. napatigil din s'ya sa paglalakad para hintayin pa yung sagot ko.

"I m-mean... I just miss my family" Did I make the atmosphere more weirder? Hindi na rin s'ya nagsalita hanggang sa makarating kami sa center hall. pero sa tuwing nahuhuli ako maglakad ay hinihintay n'ya ako. this guy.

Napatigil ako sa paglalakad ng matanaw ko si Lawrence sa tabi ni Rafael. Busy s'yang kumakain ng tahimik at deretsyo lang ang tingin sa pagkain. Sa tingin ko hindi rin n'ya napansin ang presensya ko kaya patuloy pa rin s'ya sa pagkain na kinakain n'ya. Si Azhia naman at Shawn nag uusap sa kung ano. Si Jaira at Rafael tahimik na kumakain. Kita ko naman kahit sa malayuan ang kunot na noo ni Lawrence.

"Yuna, what are you doing? What are you even thinking? Para kang wala sa sarili mo." takang tanong ni Dame habang nakatingin sa akin. tumigil din kasi s'ya sa paglalakad ng nakitang hindi ko na s'ya halos kasabay.

"A-hh w-wala naman. may naiisip lang ako" palusot ko pa but I think he's not buying it 'cause he just sigh, at hinatak ako para maupo sa upuan. ramdam ko ang kaba, nang makita kong katapat ko si Lawrence. Nag angat s'ya ng tingin sa akin. Wala mang nagbago sa expression n'ya pero yung way ng pag tingin n'ya sa akin ang nagpapakaba sa akin. Ramdam ko din ang lamig sa batok ko napalunok na lang ako. Binalik na din naman n'ya ulit yung tingin n'ya sa kinakain n'ya.

"K-kuha lang ako ng pagkain" hindi naman nila narinig yung sinabi ko dahil kahit ako ay hindi ko marinig. Mas rinig ko pa yung kabog ng puso ko. napapikit nalang ako sa kahihiyan. ano bang nangyayari sa akin? samantalang si Lawrence ay okay na okay, samantalang ako ganito.

Tumayo na ko para sana kumuha din ng kakainin ko nang may mabangga ako kung kaya tumapon yung juice na iniinom n'ya sa uniform ko. I gasped in disbelief.

"Ano ba yan!" inis kong sabi at tinignan yung uniform ko nabasa na. halos bumakat na yung panloob ko nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Sorry miss! hindi ko sinasadya." nag angat din s'ya ng tingin sa akin. S'ya yung classmate ko na nasa likod ko na nagsabi kanina na nandyan si Dame.

"Sorry na uwu... Uy Ikaw pala 'yan Yuna" ngiting ngiti sabi n'ya. napakagat naman ako sa labi dapat ko ba 'tong palampasin? Ano ba! bahala na nga!

"I'm sorry I didn't see you coming" bakas naman ang sensiridad sa paghingi n'ya ng paumanhin sa akin. Dahil mabait naman ako at mabilis maawa.

Eldracia Academy: Pellum The Survival GameWhere stories live. Discover now