Part 17

8.5K 217 9
                                    

"PANGET..." anang tinig na nagpatigil sa paghakbang ni Guinevere. Pabalik na siya noon sa tent niya.

Kumabog ang dibdib niya. Kapagkuwan ay agad gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Iisang tao lang ang tumatawag sa kanya ng "panget," ang high school best friend niya. Excited siyang lumingon.

"Antonio!" she exclaimed happily. Naitakip pa niya ang mga palad sa kanyang bibig habang hindi makapaniwalang pinapasadahan ito ng tingin. "Ikaw nga ba?"

Si Antonio ang high school best friend niya. Subalit nagkahiwalay sila ng mga landas nang pumunta na sila sa ibang bansa. Nawalan na sila noon ng komunikasyon. Pagbalik naman niya mula sa ibang bansa ay wala na sa Iloilo sina Antonio. Ayon sa narinig niya ay lumipat na ng lugar ang mga ito. Pagkalipas ng labing-isang taon ay ngayon na lamang uli niya nakita ang kaibigan.

"Wala nang iba." Lumapit ito sa kanya. Before she knew it, napisil na nito ang ilong niya. "Kumusta ka na, Panget?"

Sa sobrang excitement ay nayakap ni Guinevere si Antonio. Pagkatapos ay agad din naman siyang bumitaw at pinasadahan uli ito ng tingin. "Oh, my! Why, you're a soldier now!" Hindi na siya magtataka kung mababakas sa mukha niya ang paghanga para sa kaibigan. Bakit hindi gayong sa suot nitong military uniform ay nag-uumapaw ang kaguwapuhan nito. Kunsabagay, high school pa lang sila ay crush na ito ng mga estudyante. Nagsimula ang pagkakaibigan nila nang ma-lock siya sa isang silid at ito ang tumulong sa kanya na makalabas.

Natawa si Antonio. "Umi-English ka na ngayon, ah. So, dentist ka na pala..." Hinawakan nito ang baba niya bago ipinaling-paling. Ang mga mata ay naniningkit sa pagsuri sa mukha niya. "But sad to say, panget ka pa rin." Nakataas ang isang sulok ng mga labi na wika nito.

"Aba't—Ang yabang nito, ah!" Hinampas niya ang dibdib ng binata. Tawa naman ito nang tawa.

"Masaya ako na muling makita ka, Panget. It's been what? Eleven years?"

Tumango si Guinevere. "Eleven years. Meaning, marami tayong dapat pagkuwentuhan."

"Yeah. Unfortunately, hindi ito ang tamang oras para magkuwentuhan dahil may trabaho ka, may trabaho rin ako. Actually, may binili lang ako diyan sa palengke. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko rito sa gym. Now, I know. Makikita ko pala uli ang panget kong best friend. Kaya, akina ang number mo, bilis!" Inilabas ni Antonio ang cell phone. Agad namang idinikta ni Guinevere ang number niya. Nag-missed call ito sa number niya para mai-forward sa kanya ang numero nito. Mayamaya ay nagpaalam na sila sa isa't isa.

Bumalik na siya sa tent niya.

"Ikinuha kita ng snacks. Kumain ka muna," bungad ni Charlie bago iminuwestra sa kanya ang isang cupcake at tetra-pack juice. Kung kanina ay maaliwalas ang mukha nito, ngayon ay tila pilit ang ngiti.

"Salamat pero hindi pa naman ako gutom," pagtanggi niya.

"Are you rejecting me, Guinevere?" ani Charlie sa kontroladong tinig. Binanggit nito ang buo niyang pangalan sa kakaibang tono na para bang galit ito

Napatingin tuloy siya sa mukha nito. Wala siyang mabasang emosyon doon. Kinabahan siya. At hindi niya alam kung bakit. O marahil kinakabahan siya dahil alam niyang na-offend niya ang binata. Nag-abala nga naman itong kumuha niyon pagkatapos ay tatanggihan lang niya.

Kinuha ni Charlie ang tetra-pack juice at inilagay ang straw niyon. Kapagkuwan ay iniabot sa kanya. Because she was feeling guilty, she accepted it. "Salamat." Kinuha rin nito ang cupcake at binalatan iyon, pagkatapos ay iniabot sa kanya. "Eat."

Guinevere was slightly rattled. Napaka-commanding ng boses ni Charlie. Maging ang aura nito ay tila biglang naging intimidating. Tikom ang mga labi ng binata at halos nagsasalubong ang mga kilay. Parang Angry Birds ang hitsura ni Charlie. Ano ba ang nangyayari dito? Naitanong na niya dati kung paano ba magalit ang isang tulad nito. Ngayon ay nagkakaroon na siya ng ideya.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Where stories live. Discover now