Part 26

8.7K 211 3
                                    

"Narinig mo ba 'yong sinabi ko kanina sa pier?" bulong nito. "Hindi ko inisip na sa ganoong paraan ako magtatapat ng pag-ibig kaya lang ay hindi ko napigilan ang aking sarili."

Hindi sumagot si Guinevere. She was fighting so hard to gather her wits. Hindi pa siya kilala ni Charlie, hindi nito alam kung ano ang nangyari sa kanya. Maaaring sekreto nga ang bagay na iyon pero walang sekreto na hindi nabubunyag, hindi ba? Sooner or later, alam niyang malalaman ng binata ang kanyang sekreto at baka kamuhian pa siya.

"Guinevere..." He breathed her name in her ear. Nagkaroon siya ng goose bumps dahil doon. "Tinatanong kita kung narinig mo ang sinabi ko kanina sa pier."

"N-narinig ko."

"And...?"

Humarap siya kay Charlie. Sinubukan ni Guinevere na kumawala sa mga bisig ng binata subalit hindi siya pinahintulutan nito na gawin iyon. Bahagyang nag-init ang mga tainga niya nang maalala ang nangyari sa kanila. It started with that position. "What do you expect from me, Charlie? What do you want from me?"

"I want you to fall in love with me. Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Huwag mong tangkaing tumakas dahil hindi kita papayagan. You. Are. Mine. Body. And. Soul. Forever."

Napapikit si Guinevere. Ramdam niya ang intensidad ng mga salita ni Charlie, ang hindi matatawarang pag-angkin. At nagsasayaw ang puso niya dahil doon.

Nagmulat si Guinevere ng mga mata. Sinalubong niya ang mga mata ng binata. Charlie didn't blink. Gusto marahil nitong ipakita sa pamamagitan ng mga mata ang sinseridad ng damdamin. At hindi naman ito nabigo. Nakita niya ang kakaibang kinang ng mga mata ng binata. It mirrored his soul.

"Valencia men are always true to their feelings. Hindi magiging hadlang ang kahapon para pigilan nila ang kanilang damdamin. Hindi sila mapanghusga. I know that based on experience. Trust me. Huwag mong salungatin ang agos ng tubig, Gwen. Let nature takes its course. Nararamdaman ko na si Charlie ang kapalaran mo." naalala niyang sabi sa kanya ni Febe. Tama nga kaya ang pinsan niya?

"Charlie..."

"Take a chance on me, Gwen. Please..." pagsamo nito.

Chance? All he was asking for was a chance.

"S-sige," sagot ni Guinevere. Agad nagliwanag ang mukha ng binata. He was happy he could not contain his emotions. Pinupog nito ng matutunog na halik ang kanyang mukha. Humahagikgik na inawat niya ang binata. Hindi siya nagkamali ng desisyon dahil nasa dibdib din niya ang hindi matatawarang tuwa. May takot, oo, pero nagagawa iyong tabunan ng sayang dulot ni Charlie.

"I'm giving you a chance. Hindi. Hindi ikaw ang binigyan ko ng tsansa kundi ang nararamdaman natin sa isa't isa. T-tingnan natin kung saan tayo dadalhin nito. Pero..."

"Pero...?"

"Kailangang manligaw ka pa rin." Ang akala ni Guinevere ay kukunot ang noo ni Charlie at ipaggigiitan na hindi na iyon kailangan. Sa pagkamangha niya ay ngumiti lang ito nang maluwang.

"Gagawin ko." He grinned. Naiikot ni Guinevere ang mga mata. Bakit ba kasi napaka-charming nito?

"So, may nanliligaw bang nakayakap na agad nang ganito?"

Shit! Gusto niyang tadyakan ang sarili sa komento niyang iyon. They already did more than that.

"Our case is different, love," anito bago pilyong ngumiti. Pagkatapos ay unti-unting inilapit ang mukha sa kanya. Puwede siyang umiwas pero hindi niya kaya. Hindi niya gustong umiwas. Charlie had complete control over her.

Tumunog ang doorbell. Kinunutan siya ng noo ng binata. Natawa si Guinevere. Walang duda, may-pagkaseloso at possessive talaga ito. "Si Clara na siguro iyan, my sister. Siya ang dahilan kung bakit kinailangan kong lumuwas agad."

"Ohh... Okay." Hinagkan ni Charlie ang tungki ng kanyang ilong bago siya pinakawalan.

"Maupo ka muna." Itinuro niya ang sofa.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Where stories live. Discover now