Part 41

8.6K 198 0
                                    

HINANG-HINANG isinubsob ni Charlie ang ulo sa manibela ng sasakyan. Naroon pa rin siya sa basement ng condo building. Anak ni Gwen si Clara. Nananaginip lang ba siya? Hindi. Hindi siya nananaginip lamang dahil kanina pa niya kinakagat ang labi at nakakaramdam siya ng sakit.

He was so shocked. Ganoon siguro ang pakiramdam kapag hinagisan ng bomba. Pinagsamantalahan si Gwen sa edad na katorse at nabuntis. Napakabata pa nito. Halos hindi niya ma-imagine ang mga pinagdaanan nito.

"Bullshit!" maigting niyang mura bago pinukpok ang manibela. He curled his hands into tight fist. Nagagalit siya. Sobrang galit ang nararamdaman. Pero hindi iyon para sa dalaga. Nagagalit siya sa walang pusong lalaking iyon na nanamantala rito. Nagagalit siya sa tadhana dahil hinayaan nitong mangyari iyon sa dalaga. At nagagalit siya sa sarili dahil wala siya sa tabi nito nang panahong iyon.

Guinevere told her the truth because she loved him dearly. Ayaw nitong dumating iyong panahon na sisisihin niya ang dalaga dahil doon o dahil sa ibang tao pa niya nalaman ang sekreto nito. Hinahangaan niya ang katapatan nito at ang katapangan. Alam niyang hindi iyon madaling gawin. It took a lot of courage. And true love.

"Gusto mo pa ba akong pakasalan?" Iyon ang tanong sa kanya ni Gwen.

Napatingin si Charlie sa nakakuyom niyang kamay. Naroon pa rin pala ang singsing. Tinitigan niya iyon. Iyon ang simbolo ng pagmamahal niya kay Guinevere. Bilog. Walang hangganan.

Now what?

Kinuha ni Charlie ang telepono at nag-dial doon. Tatawagan niya ang nagmamantini ng private chopper ni Vicente. "Pakihanda ang helicopter ngayon mismo. Uuwi ako sa hacienda... No, no, ako na ang magpipiloto... Okay, I'll be there in no time. Thanks."

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan at tuluyan nang umalis ng building na iyon. May mahalaga siyang bagay na kailangang gawin.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Where stories live. Discover now