1. Estranghero

44.2K 1.5K 1.2K
                                    

Chapter 1

Jake: Hey.

Me: Hi

Me: So, Jake pala ang pangalan mo.

Jake: Sort of.

Napapisil ako sa ilong ko sa reply ni kuyang stranger sa akin. Nakaka-nosebleed! Nag-disconnect na siya sa Emegle kaya lumipat na kami sa Snapchat. Titignan ko kung tatagal sa akin ang isang ito. Usually kasi, may nakakachat ako sa Emegle at lumilipat kami sa Snapchat kapag naisipang mag-usap ng mas matagalan. But then, when I say matagalan, hindi ibig sabihin ay long term. Siguro mag-uusap ng ilang oras pero matapos nu'n ay hindi na magpaparamdam sa mga susunod na araw.

If I were to compare that, I would say kaparehas iyon sa isang 'One Night Stand' na pagkatapos magchukchakan e goodbye forever na kinabukasan!

Wait, speaking of chukchakan, hindi ako pumapatol sa mga kabastusan na yan ah! Disconnect agad sa akin yan o 'di kaya'y block kapag nagtanong na agad kung ano ang size ng boobs ko. Jusko! Gusto ko lang naman ng makakausap o 'di kaya'y kung papalarin ay magkaroon na rin ng isang long term online friend.

So, back to the topic... kamusta kaya ang isang ito?

Jake: So, what are you up to?

Me: Wala lang, kakauwi lang. Bored kaya nag-Emegle. Ikaw?

Jake: You're an East Higher, aren't you? What are you taking up?

Me: Banking and Finance

Jake: What year?

Me: 3rd year. Ikaw?

Jake: Year of the Rooster.

"Ay, wow!" Natawa ako ng sarkastiko sa biro niya. Ang lowkey ng humor niya, in fairness. Napaka-dry! Seryoso siguro sa buhay ang isang ito. Nag-compose ulit ako ng sasabihin pero hindi ko matuloy tuloy dahil hindi ko alam kung anong ireresbak ko sa kanya. Baka ma-waley lang e.

Me: Di mo naman sinabing ganyan. Year of the Ox ako. Anong Zodiac sign mo?

Jake: Cockroach

Me: Ako, mosquito!

Jake: Did I even ask yours?

Me: Just saying.

Jake: Not interested, Miss.

Napataas ang isa kong kilay sa reply niya. Wow, may pagka-gago pala ang isang ito. I can just block him right away but because I am Mary Gil Viva, I can't just lose like that. Viva, Mary Gil!

Me: Anyway, bakit ka nga pala nasa Emegle?

Jake: I am bored to tears.

Me: Pwedeng mag-exchange tayo ng pictures?

Jake: Sure. Ladies first.

Me: Di na uso yan. Gentlemen first.

Ano ako, uto-uto? Dami ko ng napasahan ng pictures ko. At ano, pagkatapos kong mag-send ay hindi naman mag-sesend ng pictures niya or worse, never ng magrereply. Hindi naman ako pangit! Yon nga lang, hindi rin ako maganda. So fair enough.

Jake: Don't want to. You just might fall for my looks.

Oh, wow. Tanggalin mo sa mentality mo na hindi lahat ng Englishero na Pinoy ay gwapo, Mary Gil. Hindi nakakagwapo 'yon.

Me: Conceited much?

Jake: Just being honest.

Me: Chura mo. Sige, let's not exchange photos then.

Mag-oopen sana ako ng panibagong topic nang biglang mag-send siya ng picture. Natigilan tuloy ang pagdaloy ng dugo ko sa lahat ng ugat ko sa katawan.

Hey, You! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon