2. Snap

33.9K 1.4K 735
                                    




Chapter 2

"Hello? Sino ba 'to? Hello? Hello? He-"

Mabilis kong pinindot ang hang up button matapos ko pang marinig ang boses niya. Shet... Alam niyo yung feeling na lumilipad na ako dahil heaven yung boses niya pero bigla akong nabangga sa kung saan at bumagsak sa lupa pagkarinig na hindi niya ako kilala? Ganun! Ganun yung feeling ko ngayon!

"Arrrghh!" Napasigaw ako sa frustration at pinanggigilan ang cellphone ko. First time kong mag-open up ng ganun tapos kinalimutan niya lang pala ako? Tell me, hindi ba ako katanda-tanda?

Natigilan ako nang mag-pop sa screen ko 'yong 'Jake is typing...' notification and it matter of seconds ay nakatanggap ako ng message mula sa kanya.

Jake: Hello?

"Walanghiya! Puro ka hello!" nanggigigil na bulalas ko habang nagtatype ng reply sa kanya.

Me: Di mo na ako matandaan? 

Jake: Sino ka ba?

Ay, wow. Petmalu...

Me: Si Merry.

Jake: O tapos?

Me: Nagkachat tayo kahapon, remember?

Jake: Huh?

Okay, Mary Gil. Calm down. Since when did you give a damn about the people you met on Emegle? E kung hindi ka niya maalala, no big deal! Goodbye! Adios! Paalam!

Me: Nvm.

Jake: Nvm?

Me: Never mind!

Jake: I see. Anyway... Anong oras tayo nagkachat kahapon?

Me: Around 5pm.

Jake: Damn.

Me: ??

Jake: Around that time yesterday, kapatid ko ang may hawak ng phone ko.

Napanguso ako sa reply niya. Ang ibig ba niyang sabihin e kapatid niya ang ka-chat ko kahapon?

Me: Oh?

Jake: Yeah. Actually, I was surprised when I saw this snapchat app on my phone. Wala naman akong ganito. TF would I use this??

Jake: Sabi na nga ba, may kalokohan na namang ginawa 'yon.

Jake: What did she tell you?

Me: Ahh... okay... anong nangyayari?

Medyo gets ko naman ang nangyayari pero ang hindi ko lang ma-absorb ay nasali ako sa kaguluhan ng magkapatid online. Of all people, bakit ako? Nakakaloka naman 'to.

Jake: Look, Miss. I forgot my phone at home yesterday kaya sinamantala ng kapatid ko na gamitin muna ang phone ko. I didn't know how you guys met. 

Me: We met on emegle!

Jake: Ano 'yon?

Me: Chatting app for meeting/talking to strangers.

Jake: WTH? And she used my name?

Me: Yeah, I guess?

Jake: And what's this snapchat?

Me: Nag-meet kami sa emegle as strangers tapos tinanong niya kung may snapchat ako. So, we moved from emegle to snapchat.

Jake: I can't believe this.

Jake: Teka, ba't nawawala ang mga messages dito pag ini-exit ko.

Me: Ganun talaga. Automatically deleted ang mga messages dito for, I guess, security.

Hey, You! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon