3. I Like You

16.6K 886 263
                                    

Natulala nalang ako sa sinend niyang snap photo. Isang lalaking may hawak na puting papel na nakaharang sa mukha niya at may nakasulat na:

'I know it's hard but don't be sad. I have never met you but I can sense that you are an amazing person. Pagsubok lang yan. Cheer up. Be Merry, just like your name.'

Pinatay ko ang wifi ng phone ko at idinikit ito sa dibdib ko. Napabuntong-hininga ako't napatulala nalang sa kisame. Hindi ko alam kung bakit kung kanina ay tila pinipiga ang puso ko pero ngayon ay bigla akong kumalma.

"Tama siya. Pagsubok lang 'to. God must have better plans for us..." I whispered to myself as hot liquids fell from my eye.

Unusual man pero kinabukasan ay maaga akong nagising. I just felt like doing something for Mama kaya inunahan ko siyang magising at dumiretso ako sa kusina. Naghanda ako ng almusal. Nakipila pa ako sa bakery para bumili ng pandesal. Nagluto din ako ng sunny side eggs, longganisa at garlic rice.

Naghahain na ako ng pagkain sa mesa nang marinig ko yung malalakas at mabibilis na yabag ng paa mula sa hagdanan. Si Vergel lang naman ang kumikilos ng bara-bara dito sa bahay.

"Vergel!" Tawag ko sa kanya nang makitang dire-diretso siya sa pinto, akmang aalis. Mukhang di niya ako narinig kaya nagmamadali akong nagpunta ng sala. "Uy, Vergel! Ang aga mo naman umalis."

Nilingon niya ako habang inaayos ang suot na uniform. "Susunduin ko kasi ang girlfriend ko, 'te. Ikaw? Bakit ang aga mo yata gumising? Mamaya pa ang klase mo diba?"

Napameywang ako sa sagot niya. Buti nalang talaga ay kaya niyang balansehin ang pag-aaral at pagjojowa niya kundi kokontra ako sa relasyon nila ng girlfriend niyang si Elizabeth. Ang demanding naman kasi ng girlfriend ni Vergel. Laging hatid-sundo ang jowa. Hindi nalang mag-hire ng service!

"Sabihan mo ang girlfriend mo na hindi ka niya ser—"

"Ate," putol niya sa akin. Lumapit pa siya't tinitigan ang mukha ko. Hindi pa nakuntento't hinawakan pa ang baba ko at inipit ang dalawa kong pisngi. "Bakit namamaga ang mata mo?"

I frowned at his question. Namamaga ang mata ko? Pasimple kong tinignan ang mukha ko mula sa salamin na nakadikit sa gilid ng pinto. Hala, shet. Namamaga nga! So, lumabas ako ng bahay na ganito ang mga mata ko? Kaloka. Kung bakit ba kasi hindi ako mahilig tumingin sa salamin pag naghihilamos!

"Sino ang tarantadong lalaking nagpaiyak sa ate ko? Sabihin mo sa akin!" Medyo lumalakas ang boses niya kaya tinakpan ko ang bibig niya. OA!

"Tumigil ka nga! Wala akong jowa."

"Gago yun ah. Ate, sabihin mo sa akin nang maupakan ko—"

"Vergel, ano ba!"

"Sino nga ang taranta—"

"Si Papa..." mariin kong putol sa kanya na siyang nagpatikom ng bibig niya.

Katahimikan ang bumalot sa munti naming bahay. Hindi ko alam kung bakit pero kusang nag-init ang mga sulok ng mga mata ko. Bago pa ako maiyak ulit ay tinalikuran ko na siya't bumalik na sa kusina. Narinig ko naman ang yabag niyang sumunod sa akin. It's so ironic to think that my own father caused me pain that I have been enduring last night. Sa lahat pa ng lalaki sa mundo ay si Papa pa.

"Si Papa? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya. Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa paghain ng pagkain sa mesa. "Ate Mary Gil..."

I pulled out a deep sigh and looked into his eyes. He absolutely still does not have any idea of what had happened. "Narinig mo naman diba? Si Papa..."

"B-bakit? A..anong meron?"

"Nakipaghiwalay na siya kay Mama." My chest tightened but I managed to sound tough. Bakas sa mukha ng kapatid ko ang pagkabigla. "W-wala na sila. May iba ng kinakasama si Papa sa Japan."

Hey, You! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon