11. Ironic

14.8K 788 531
                                    

Chapter 11

"Ayoko munang umuwi, Andrei."

'Yon ang sinabi ko sa kanya nang inalalayan niya ako sa paglabas mula sa campus. Sa katunayan, para na nga akong sandaling nawala sa huwisyo kung kaya't huli na nang namalayan kong nakasakay na ako sa kotse ni Andrei.

"Sige. Saan mo gustong pumunta?"

"K-kahit saan. Basta ayoko munang umuwi kung okay lang. Baka kasi magtaka si Mama kapag nakita niyang namumugto ang mga mata ko," malamig na sabi ko habang nakatulala sa bintana at saglit na tinapunan ng tingin si Andrei. "Yun ay kung wala kang ibang lakad. Ayoko namang makaabala pa sa'yo."

Nababakasan ng awa ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Awa na para bang may halong lungkot.

"Kain tayo." Yun nalang ang nasabi niya bago pinaandar ang kanyang kotse.

Walang nagsalita sa aming dalawa habang nagdadrive siya. Basta ako, kahit nakatulala ako sa bintana ay parang kung saan-saan lumilipad ang utak ko. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi sakit. Sobrang sikip ng pakiramdam ko. Paanong nagawa ni Jake na saktan ako kahit na hindi pa naman kami kahit kailan man na nagkikita. Those were just chat messages but they went straight to my heart para durugin ako ng pinong-pino.

Tumulo na naman ang mga luha ko at bago ko pa ito punasan ay inabutan na ako ni Andrei ng box ng tissue na nakuha niya mula marahil sa backseat.

"Umiiyak ka na naman, Mary Gil."

Humugot ako ng dalawang pirasong tissue at ipinunas iyon sa mga mata ko. Pagtingin ko sa labas ay du'n ko lang napansin na nakapark ang sasakyan sa harap ng isang coffee shop na nasa harapan lang din mismo ng E.H.U.

"Sorry. Hindi ko mapigilan, Andrei. Ang dami ko na kasing iniisip sa buhay ko ngayon tapos dumagdag pa 'to," sabi ko sabay higpit ng hawak sa cellphone ko. "Kaya sumabog na yung emosyon ko."

"Okay lang 'yan. You don't have to explain."

A sob escaped from my chest. "N-Nakakahiya. Ikaw pa 'tong nakakita sa akin sa sitwasyon kong 'to."

Totoo. Sobra akong nahihiya dahil sa lahat ng tao ay si Andrei pa ang nakakita sa akin na umiiyak sa campus. Let me rephrase it. Nagbabadya palang ang mga luha ko no'n and God knows how I struggled to hold back my tears pero nang makita ko si Andrei sa harapan ko ay kusa na silang bumagsak.

"Huwag kang mahiya sa akin," aniya at humugot ng tissue mula sa box na hawak ko at siyang pinunasan ang mga naglalandas na luha sa mga pisngi ko. "Please calm down now. Hindi tayo lalabas dito hangga't hindi ka tumitigil sa pag-iyak."

It took us almost 10 minutes bago ko napakalma ang sarili ko. Ewan ko ba. Halo-halo na yung nararamdaman ko. Mahirap din palang magpigil ng emosyon. Kapag sumabog, mas lalong masakit sa dibdib.

Sinigurado ni Andrei na kalmado na ako at handa nang lumabas ng kotse bago siya nagyaya patungo sa loob ng The 13th District. Pumwesto kami sa second floor, sa bandang balcony para makasagap kahit papaano ng hangin. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Kami lang ni Andrei ang tao dito sa balcony samantalang iilan lang ang customers sa baba. Walang masyadong tao dito sa coffee shop ng mga oras na ito marahil dahil sembreak na sa mga Universities na malapit sa area na ito.

Hinayaan ko ng um-order si Andrei habang ako ay naiwan sa table namin. Pinagmasdan ko ang paligid. Palubog na ang araw kaya nagiging kahel na ang kulay ng mga ulap. Kahit na sobrang payapa ng itsura ng kalangitan, how ironic na magulo ang nararamdaman ng puso't isip ko ngayon.

Jake. . .

Alam ko namang mangyayari ito lalo na't wala namang kasiguraduhan kung ano nga ba tayo o kung meron nga ba talagang tayo pero sa totoo lang, hindi ko naihanda ang sarili ko para dito. Hindi ko na nga namalayan na nag-invest na ako ng time and emotions sa'yo. Masyado akong nalibang dahil naging masaya ako sa'yo at hindi ko na masyadong inisip kung anong mangyayari sa hinaharap.

Hey, You! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon