Prologue

5.6K 115 2
                                    

Prologue

Parang gusto kong lumubog sa lupa at hinihiling na sana ay kainin na lamang ako nito. Sana hindi totoo ang mga naririnig ko, sana nagbibiro lang sila at nagsisinungaling sa'kin.

"Hahahaha! Asa ka pa Jeila, pinakisamahan ka lang namin dahil sa yaman ng pamilya mo pero the truth is pera lang ang habol namin sa'yo at hindi pakikipagkaibigan," sabi ng babaeng itinuring ko ng bilang kapatid.

"Hindi namin kailangan ng mahihina sa grupo kaya naman makakaalis ka dito," dagdag pa ng lalaking muntikan ko ng mahalin ng lubos. "Idiot."

Wala akong ibang maramdaman kung hindi galit at sakit, hindi ko inaasahan na all this time ay ginagamit lang nila ako.

"Ni minsan ba....ni minsan ba itinuring niyo rin akong tunay na kaibigan?" lakas loob kong tanong habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng bawat isa. Pero wala akong mabasang emosiyon kung hindi awa.

"Hahahahahahahahahaha!" tawanan nila kaya naman nasagot ko na ang sarili kong tanong.

"Of course not! Sabi nga namin 'diba, ginagamit ka lang namin para sa pera---"

"You'll regret this," mariing sabi ko habang nagngingitngit sa galit at nakatingin sa lupa.

Masiyado akong naging mahina, masiyado akong nabulag ng pagkakaibigang binigay nila sa'kin, masiyado akong nagpadala sa saya tuwing kasama ko sila---na parte lang pala ng plano nila. Pero lahat nagbabago.

"Pathetic evils." matigas kong sabi sa kanila at saka tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo sa kanila.

Narinig ko pa ang mga tawanan nila bago ako tuluyang makaalis.

Called this a cliché plot twists but there's nothing more than I'm thirsty for than to make them suffer.

Caldwell University: School of Mafia's [COMPLETED] Where stories live. Discover now