Lesson #1 Newbie

4.5K 91 0
                                    

Lesson #1

Jeila's POV

Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang malaking gate habang nakatingala, hawak hawak ko ang mga bag na naglalaman ng gamit ko. Una kong napansin ang dalawang agila na display sa magkabilang gilid ng entrada. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa'kin sa likod ng gate, but I'm not scared to take the risk. Kung sa ikatutupad ng pangako kong paghihiganti ay gagawini ko.

Matapos ang confrontation na naganap sa aming grupo----sa grupo lang nila dahil all this time pala saling pusa lang ako, hindi ko na nakita ni anino ng mga hayop na 'yon. Nagpakalayo layo sila at ninamnam ang pera ng magulang ko. Pero ayos lang naman dahil barya lang ang nakuha nila sa Mommy ko. Hindi na rin ako nag abalang sabihin kay Mommy ang nangyari kahit pa kailangan ko ng inang masasandalan at mapaglalabasan ng sama ng loob. Sa huli ako pa rin ang lalabas na mali dahil sumali ako sa grupo ng mga siraulo.

Sinabi kong lilipat ako ng University at sinabing sa Caldwell ako mag aaral. Second year high school pa lang naman ako kaya may tatlong taon pa ako para manatili dito. Naka dorm rin ang mga estudiyante dito kaya naman hindi ako mahihirapan na magpunta ng school. Ang ayoko lang ay may makakasama akong roommate, honestly nagkaroon ako ng issue about sa pagtitiwala. Parang hindi ko na kayang magtiwala pa ulit dahil ayokong masaktan na naman kaya bumuo ako ng isang matibay na harang sa puso ko.

Dahan dahan kong binuksan ang gate at tinulak ko lamang ito upang bumukas ng tuluyan. Kinuha ko ang mga gamit kong binitawan ko muna saglit bago naglakad papasok. 

Masukal, mapuno, madamo, tahimik, nakakatakot pero masarap at sariwa ang hangin dito sa loob. Kahit pa mabigat sa pakiramdam ang aura ng buong paligid. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang isang mataas ng eskwelahan. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at naglakad patungo rito. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto nang bumukas ito at iniluwa ang isang may edad na lalaki kasama ang dalawa pang ibang lalaki.

"Magandang araw, binibini." pormal na bati nito kasabay ng pagyuko sa'kin kaya medyo nailang ako. "Sumunod po kayo sa'kin," aniya at saka sinenyasan ang dalawa na buhatin ang dala kong mga gamit.

Tahimik kaming naglalakad sa hallway, wala ni isa sa'min ang nagtatangkang magsalita at gumawa ng kahit anong ingay. Sanay na ako sa ganitong atmosphere, na adapt ko na rin kasi ang ugali ng mga dati kong kaibigan---mga traydor kong kaibigan na gangster.

Kapansin pansin ang ingay na nanggagaling isa lang kwarto, napapailing na pumasok ang may edad na lalaki sa isang kwarto na sa tingin ko ay canteen na kasing laki ng sa Harry Potter. Sumunod nalang ako sa kaniya nang pumasok siya.

Kitang kita namin ang kumpulan ng mga estudiiyante sa isang banda at halatang may nagaganap na away doon. Lumapit ang matandang lalaki sa kanila pero may sapat na distansiya.

"Nais niyo bang maparusahan?" tanong niya sa mga 'to at kaagad nagsipaglingunan ang mga tao at parang papel na nahawi kaya nakita namin ang nasa gitna.

Dalawang lalaki na gusot gusot at madumi na ang parehong damit ang nakahiga sa sahig, puno rin ng sugat ang mukha nila na ang isa pa nga ay putok ang kilay at dumudugo ang labi. Padarag nilang binitawan ang isa't isa bago tuluyang tumayo pero masama pa rin ang tinginan nilang dalawa.

"Ano na namang kaguluhan ang nagaganap Mr. Montelion?" walang bahid ng kahit anong reaction ang tanong ng matanda sa kanila, sa totoo nga ay kalmado pa rin ito habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Anong kaguluhan na naman ang pinasisimulan niyo kung kailan may bago kayong magiging kasama dito?" tanong niya at sabay sabay silang napatingin sa'kin pero wala akong pakialam.

Hindi nagbago ang tingin ko sa kanila at walang gana lang silang pinasadahan ng tingin bago inalis sa kanila ang paningin ko. Nakita ko ang dalawang lalaki na nagaaway na nakatingin sa'kin kaya naman tinignan ko rin sila and to my surprise a hindi man lang sila natinag.

Tinignan ko ang unang lalaki meron siyang brown na kaunting touch ng blonde ang buhok, gwapo na sana siya pero nakabawas ang ilang pasa and bruises sa mukha niya. Inalis ko ang tingin sa kaniya saka pinasadahan ng tingin ang ikalawang lalaki, meron siyang itim na buhok at kagaya ng unang lalaki ay may ilang pasa rin siya sa mukha. Inalis ko sa kanila pareho ang tingin at tinignan ang matandang lalaki.

"Pwede ho bang mauna nalang ako sa dorm ko?" tanong ko rito at narinig ko naman ang singhap ng iilang taong nandito kaya naman nagtaka ako. May mali ba sa sinabi ko?

"Hindi pa maaari Ms. Frondalle dahil dadaan ka muna sa office ng Godfather bago ka magtungo sa iyong dorm," magalang na sagot ng matanda kaya naman wala akong nagawa kung hindi hintayin siyang aregluhin ang dawalang 'to.

Ibinaling niyang muli ang tingin sa dalawang lalaki na kanina ay nagpapatayan na.

"Sumunod kayo sa office ng Godfather, pag uusapan natin ang parusa na nararapat sa inyo," sabi niya at saka tinalikuran sila pero nanatili muna ako ng ilang segundo habang nakatingin sa dalawang lalaki at tinalikuran rin sila. Hindi ko na nakita ang naging reaction nila and as if I care about them. I don't have fuck*ng time.

Wala akong panahon sa mga hindi makabuluhang bagay, mas dapat kong intindihin ang pag aaral ko rito for the sake of my plan.

Caldwell University: School of Mafia's [COMPLETED] Where stories live. Discover now