Lesson #4 Thief

2.7K 52 0
                                    

Lesson #4

Jeila's POV

"I'm sorry, Jei-jei. Hindi naman namin gustong lokohin ka, eh. Sinunod lang namin ang utos ng Godfather," nakayukong sabi ni Rina at ganon din si Zel. Nakaupo ako sa harap nilang dalawa.

"At ang utos niya ay lokohin ako? Alam niyo bang ilang beses na akong--" ako na mismo ang pumutol sa sarili kong sasabihin dahil ayokong mag open ng problema sa kanila.

"Ganon talaga ang Godfather, Jei-jei. Hindi lang ikaw ang ginawan niya ng ganiyan, ganito kasi kinikilatis ni Mr. Zeon ang magiging estudiyante ng University niya," sabi niya at gulat naman akong napatingin sa kaniya.

"Ibig sabihin pati rin kayo, ginanito niya?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanilang dalawa at sabay naman silang tumango.

"Hindi ganito pero same pa rin naman. Ang sa'kin kasi ay binalak rin akong kidnapin pero ako lang ang tutulong sa sarili ko, that time ginamit ko yung nabili kong latigo sa deadly shop hehehe," kwento ni Zel at binigyan ko naman siya ng what-the-f*ck look.

"Latigo?" tanong ko at tumango naman siya.

"Jei-jei, sorry na huhuhuhu! H'wag kang magalit sa'min! Pramis! Hinding hindi na kami magsisinungaling sa'yo!" sabi ni Rina na itinaas pa ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay nasa dibdib niya katapat ng puso.

Tiwala.

Yan kaagad ang unang pumasok sa isip ko. Hindi ko siya sinagot at bigla nalang akong tumayo at pumasok sa kwarto ko. Hindi naman ako galit sa kanila dahil unang una sinangkapan lang sila sa pesteng palabas na 'to. Kidnap kidnap--ba't ba hindi ko naisip 'yon? Lumapit ako sa side table ko ay kinuha ang isang picture frame. Ako ito kasama ang bestfriend ko. Ang kaisa isang taong nanatiling tapat at tunay sa harap ko.

"Ba't ba kasi nawala ka? Gag* ka, ang sabi mo pa naman ay walang iwanan pero ikaw 'tong unang nang iwan. Letse ka!" kausap ko sa litrato at pumatak ang mga luha ko rito. Namimiss ko na siya, namimiss ko na ang bestfriend ko.

---

Nagising ako sa isang malakas na kalabog sa labas ng kwarto ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong mag aalas otso na ng gabi. Sandali pa akong nag stretching bago tuluyang lumabas ng kwarto. Kaahad bumungad sa'kin ang makapal na usak. Naalarma ako dahil baka may sunog pero nag iba nang makita kong nanggagaking ito sa kusina.

"Tanga, hindi 'yan!"

"Boplaks, ito kaya 'yon! Nako! Shunga nito magbabasa nalang mali mali pa!"

"Sinabi ng hindi 'yan eh! Bahala ka kung anong kalalabasan niyan diyan, bwisit!"

Rinig kong pagtatalo nila Zel at Rina habang nakatunghay pareho sa kaldero at mukhang nagluluto pero bakit ang usok naman yata?

"Ano bang ginagawa niyo?" tanong ko na hindi na rin maiwasan ang maubo. Sabay nila akong nilingon na may gulat na ekspresiyon kaya naman medyo nagtaka pa ako. What's with this two crazy people?

Nagpapasabog ba sila kaya mausok sa koob ng kwarto? Lumapit ako sa kanilabat sinilip ang kaldero.

"Nagluluto kayo ng nilaga?" gulat na tanong ko sa kanilang dalawa habang nakaturo pa sa kaldero.

"Anong nilaga!? Kaldereta 'yan!" nakangusong sagot ni Rina nagpalit palit naman ang tingin ko sa kaniya at sa kaldereta na niluluto raw niya!

May kaldereta bang walang kulay? Transparent lang? Sa unang tingin o kahit sino man ay aakalaing nilaga kahit nilaga naman talaga itong niluluto nila. Malalaki ang hiwa nung patatas dito naka large dice and hiwa. May lumulutang rin na pamintang buo, tell me is it kaldereta?

Caldwell University: School of Mafia's [COMPLETED] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن