Lesson #3 Attack

3K 75 5
                                    

Lesson #3

Jeila's POV

"Alam mo ba Jei-jei ang saya kahapon! Sayang nga hindi ka sumama, eh! Ayokong sabihin pero sa tingin ko killjoy ka! Sorry sa offend, huh? Ih! Naman, ih! Ba't ba kasi ayaw mong sumama? Tapos maabutan ka lang namin dito ni Zel na bumili lang ng arnis? Anyway bakit nga pala arnis ang napili mong weapon? Usually kasi mga guns, machine guns, knife o kaya naman bomba ang kinukuha nila pero bakit ikaw arnis lang? Wala ka bang pambili ng weapon?" dire diretsong sabi at tanong ni Rina sa'kin, hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin.

"Labas muna 'ko," paalam ko at saka tumayo.

"Ang ingay kasi ng bunganga mo! Ayan tuloy nairita tuloy siya satin!"

"Eh, anong magagawa ko kung gusto ng bunganga ko ang putak ng putak!?"

"Pwede namang tahiin 'diba?"

"Karumadal dumal ka!"

Narinig ko pang pag uusap nila bago ako tuluyang lumabas ng pinto. Saturday ngayon at wala akong ibang magawa sa loob ng dorm. Hindi rin naman ako nakikipag chit chats kina Zel at Rina kahit pa kinakausap nila ako. Naaalala ko sila sa kanilang dalawa, naaalala ko yung unang approach nila sa'kin yung inofferan nila ako ng pagkakaibigan at nangakong walang iwanan, pero sa huli panloloko lang pala ang lahat.

Naramdaman ko ang mabilis na pangingilid ng luha sa mga mata ko kaya kaagad ko itong pinahid at naglakad palabas ng dorm. Wala naman akong maisip na better place kung hindi sa garden, alam ko naman na masiyadong siga ang mga tao dito kaya imposibleng mapadpad sila sa garden except nalang kung naglalandian lang sila. Halos wala akong makita sa hallway na estudiyante at kung meron man ay binibigyan nila ako ng who-the-hell-are-you look. Narating ko ang garden ng tahimik at matiwasay. Kaagad akong naupo sa isa asa mga bench na naroon.

Nakakaginhawa ang amoy ng mga bulaklak, nakakarelax rin yung tahimik ng lugar at ang view. Ang buong garden ay gawa sa glass, para samga halaman at maarawan naman sila, nakahilera ng maayos ang bawat tanim, nakabukot ito sa isa't isa. Mukhang ito ang magiging tambayan ko kapag gusto kong mag isa.

"Tang*na mo ka!"

"Mas gag* ka! Siraulo!"

Dinig kong sigaw kasabay ng tunog ng nabasag na paso ng mga halaman. Napatayo ako at nakita ko sa likuran ang dalawang lalaking nag aaway---sila na naman!? Inis akong pinagpagan ang sarili ko at nilapitan silang dalawa, kung wala silang mga pasa sa mukha iisipin ko naghahalikan na silang dalawa dahil sa sobrang lapit ng mukha nila. Hawak nila ang kwelyo ng isa't isa, litaw na litaw ang ugat nila sa kamay at leeg pati na rin sa ulo.

"Tang*na! Hanggang dito ba naman dala niyo yang pagiging basag ulo niyo!?" inis na sigaw ko sa kanilang dalawa at saka sila pinaghiwalay na dalawa. Parehas silang naghahabol ng hininga habang nakatingin sa'kin, parehas galit ang mata nilang pareho.

"Sino ka ba!?" anas ng lalaking may kulay ang buhok, tinignan ko siya ng matalim pero ni hindi man lang siya nagulat sa ginawa ko.

"Wala kang pakialam. Ang pakialam ko ngyaon ay ang lugar na 'to--"

"Ikaw ba keeper nito!?" singhal naman sa'kin ng lalaking kulay itim lang ang buhok.

"Hindi pero dito ang tambayan ko! Kaya pwede ba umalis kayo--pinag iinit ninyo ang ulo ko!" inis na sigaw ko sa kanilang dalawa at parehas naman silang natahimik, pero dahil sira na ang mood ko ay lumabas nalang ako ng garden. Nadaanan ko pa ang paso na nabasag nila, sinipa ko 'yon at tumalsik ito sa dingding, mas lalong nadurog yung mga laman."Mga peste! " Malalaki ang hakbang ko habang pabalik na ako ng dorm. 

Sana ay wala sina Zel at Rina doon dahil baka masigawan ko lang sila at ikagalit pa nilang dalawa--

"Putspa naman oh!" anas ko nang may humila sa braso ko at saka ako hinarap sa kaniya!  Una kong nakita ang damit ng pesteng gumawa sa'kin non, nakita ko ang kulay asul na t-shirt "Ano na namang kailangan mo!?" galit na tanong ko sa lalaking may kulay ang buho, tinignan ko ang likuran niya pero hindi ko makita ang lalaking may kulay itim naman na buhok.

Caldwell University: School of Mafia's [COMPLETED] Where stories live. Discover now